Now Serving:12th Chapter: Lived-up past

17.7K 264 99
                                    

Parang ang panget ng update.

For @EmDobolyu 's demand ^____^ keep loving this, girl :)

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Now Serving:12th Chapter: Lived-up Past

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

     Bumangon na ako sa kama ko. Ganito ako lagi tuwing umaga, saktong 5 o' clock ang gising simula nung umalis ako sa Manila. Mas masaya pala pag ganito, wala akong nightlife.

     Nang umalis ako ng Manila 5 years ago, nagbarko ako papuntang Cebu. Nangutang muna ako kay Charity ng konting pera kasama ng mga ipon ko. Sinabi ko kay nanay noon na gusto ko lang mag-aral sa malayong lugar...

     "Bakit aalis ka pa?" Malungkot na sabi ni nanay.

     "Kailangan ko pong umalis, nay. Dumating na ang panahon," sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya. Nakakaunawa naman siya kaya pinayagan niya ako.

     Nagpaalam na ako sa kanila nang araw na aalis na ako. Hindi ako umiyak, hindi ako humagulhol. Wala akong reaksyon sa pag-iyak at pagyakap nila sa akin.

     Hindi ko alam, naging manhid na pala ako. At nakita ni Joey ang lahat ng 'yon.

     Kahit ayaw pa nila akong paalisin, umalis pa rin ako. Tumuloy ako papuntang Cebu kahit na wala akong kakilala doon.

      Halos isang araw din ang byahe sa ferry at pagbagsak ko sa lugar na yon, alam ko, magbabago na ang buhay ko. Pumunta muna ako sa isang lodge na itinanong ko lang sa isang konduktor. Tumira muna ako doon ng isang araw at naghanap ng bahay. Siguro, naawa na sa akin ang Diyos at nakahanap ako ng mura.

     Nag-aral ako doon at nagworking student para sa ikabubuhay ko. Walang kahit na sinong nakakaalam kung saan ako nakatira. Sa umaga, saleslady ako sa isang department store. Pagdating ng alas tres ng hapon, out ko na at papasok na ako sa klase ko. Hindi ko pinatawad ang bakasyon, dahil kumuha pa rin ako ng subjects para hindi na ako mahirapan.

     Nang araw ng graduation, Achiever ako at ang paborito kong professor ang nagsabit sa akin ng medal. At nagkatrabaho na ako. Buwan-buwan, pinapadalhan ko sina nanay. Si Jessie kasi nagkatrabaho na din at gusto kong makatulong.

     Ganyan lang kasimple ang naging buhay ko dito sa Cebu. Gumawa ako ng gumawa hanggang sa makalimutan ko na lahat. Meron mang gustong manligaw pero hindi ko pinagbibigyan. At ngayon, si James lang ang naging kasama ko.



    "Jess, pwede na ba tayong lumabas?"


     Napangiti ako. "Nasa labas na tayo ah."


The Bedbugs Addiction [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon