Now Serving: 1st Chapter - Early Obssession

44K 306 19
                                    

Ito po ay Rated SPG - Striktong Patnubay at Gabay. Strict Parental Guidance. Maaaring may maseselang Tema, Lingguwahe, Karahasan, Sekswal, Horror at Droga para sa mga BATANG MAMBABASA.

Seryoso ako. ^U^

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Now Serving: First Chapter - Early Obssession

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>


                   "Jessica, Jessie! Aalis na ako." Paalam sa amin ng mama namin. Si Johessa "Hesa" Reyes, ang ilaw ng tahanan na matagal nang pundido. Hiwalay kasi sila ng tatay namin, kasi dati siyang kabit nun. Eh may-kaya yung lecheng tatay namin. Pambihira nga, ni ha, ni ho, wala. Kaya yun, wala rin kaming pake sa kanya. Ibig kong sabihin ng hiwalay ay matagal nang hindi nagkikita. Eh pambihira naman kase ang nanay ko, papatol na nga lang sa lalaki dun pa sa may asawa. E pokpok naman kasi ang nanay ko. Pero kahit kailan hindi niya ipinakita sa amin ang mga ginagawa niya, kaya hanggang ngayon, kahit na sino pang kabitan niya, may respeto pa rin kami sa kanya.

                    Tumango na lang kami sa kanya at naghabilin na mag-ingat siya. Pagkaalis ni nanay, humarap ako kay Jessie.

                    "Jessie.. aalis lang ako ha. May pupuntahan lang ako." Tumango lang si Jessie sa akin na hawak ang gitara niya habang isinusukbit ko ang bag ko. Tahimik lang kasi yun, at magkakambal kami. Pero kung anong daldal at landi ko, siya namang kaconservative nun. Pero minsan lang siya dumaldal, pag trip niya ang tao. Naggigitara lang yun pag walang ginagawa.

                    Lumabas na ako ng bahay. May date kasi kami ng napulot kong lalaki sa bilyaran. Gwapo kasi, mukha pang madaming pera. Pero ha, never been kissed, never been touched ang drama ko. Ngayon lang kasi ako nakipagdate ng ganito. 3rd year high school lang kasi kami ni Jessie sa public, eh patapos na ang school year at fourth year na ako kaya papayagan na ako ni Nanay na makipagboyfriend!

                   Nakangisi ako habang lumalabas ng pinaka-kanto namin. Ang Olongapo Street ng bayan ng San Agustin. Hometown of Escort Service. Nyahahaha ^_________^

                   Sa likod ng tindahan sa bukana, ay may bilyaran sa loob. At nandoon ang lalaking makikipagkita sa akin. Si Raffy.

                   "Raffy!" Twag ko nang mamataan ko siyang nakatalikod. Lumingon siya sa akin. Napalakas ang pagtawag ko kaya nagsilingunan na din ang mga nandoon sa bilyaran na yun. At hinagod niya ng tingin ang suot ko, mula paa hanggang ulo. Nakamini-skirt lang kasi ako, halter na hanging blouse at pink strapped sandals.

                  Feeling ko matutunaw ako sa klase ng titig na ipinakita sa akin ng mga nandon, mula bata hanggang matanda parang tutulo ang laway sa nakikita nila. Kahit kasi maghirap lang kami, alagang-alaga kami ng nanay namin.

                 Hindi ko ininda ang mga titig nila. Dumiretso ako ng lakad na nagpasipol sa mga naroroon. Pagdating ko sa harap ni Raffy, kinabig niya agad ang bewang ko at hahalikan ako pero natulak ko kaagad siya. Amoy alak din siya.

The Bedbugs Addiction [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon