Now Serving: 6th Chapter - Still No Regrets

21.7K 199 46
                                    

AN: Parang ang sagwa ng update. Sorry ha? Bangag pa eh. Nawala ang plot notebook ko! Pakinshet. Liyong-liyo na ako kakahanap.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Now Serving: 6th Chapter – Still No Regrets

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

                     Parang kailan lang.

                     Parang kailan lang e high school ako at nawala ang aking hiyas. Hiyas daw oh? Hahaha! Pero di ko pinagsisisihan ang bagay na yun. Kasi sa taong mahal ko ibinigay yun.

                     Syempre, pagsisisihan mo ba ang isang bagay na na-enjoy mo ng husto at sa taong kahit napapaiyak ka ay mahal na mahal mo? Oo. Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal. Kahit wala kaming commitment, kahit wala kaming napapag-usapan tungkol sa pagmamahal. Sabi nga niya minsan, "I'm glad we enjoyed each other's company without having too much talk. Less talk, less drama."

                     And that pained me. Nang sandaling yun, parang may kumudlit sa sikmura ko at iniyakan ko yun ng ilang gabi. Kung alam niya lang. Kung alam niya lang na kaya hindi ako nagsasalita ay dahil ayokong mawala siya sa akin. Alam kong dun matatapos yun eh.

                     I never loved nobody fully

                     Always one foot on the ground

                     And by protecting my heart truly

                     I got lost in the sounds

                    Sinagot ko na ang cellphone ko.

                     "O?" Sabi ko. Si Aizen. Siya lang naman ang may nakaset na ringtone sa cellphone ko na "Fidelity" ni Regina Spektor. Narinig ko kasi sa movie na "No Strings Attached", e na-carried away ako. Masisisi niyo ba ako? [Ang video sa gilid]

                     "Baby, I sure can't think of place to go. Can I drop by at your apartment?" Malambing na sabi sa akin ni Aizen. Punyeta! Drop-by drop-by na lang lagi! Para na siyang ABS-CBN! Kulang na lang ay idagdag ang Mo. Ignacia Street ekla eklabu.

                     "Ano pa bang magagawa ko?" Ilang beses ko na ding binalak siyang tanggihan. Langya lang! E sa tuwing hahalikan ako at lalambingin e nawawala na ako sa ulirat ko.

                     Napatawa lang siya sa kabilang linya. Kahit kailan naman kasi hindi niya sineryoso ang mga biro kong ganyan.

                     "By the way, I miss you Jess. See you." Napatigil ako.

                     Less drama ha? E mag-I miss you ka lang sa akin napapaiyak na ako. Ngayon lang niya ako sinabihan ng isang bagay na may kinalaman sa emosyon. Oo at nag-uusap kami, usap na kung anu-ano.. habang magkatabi kami tuwing matatapos ang "exercise" naming dalawa, pero kahit kailan, wala siyang nabanggit na personal.

The Bedbugs Addiction [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon