Now Serving: 21st Chapter - Set you free

12.3K 219 63
                                    

Dedicated to @sonneteer :) Hello girl! (If you're into poetry, open the link) Thank you so much!

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Now Serving: 21st Chapter - Set you free (Aizen's POV)

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

     Nabigla lang ako sa nasabi ko kay Jess. Hindi ko sinasadya. Nagalit ako. Galit na galit dahil ayaw niyang ipaalam na buntis siya at ako ang ama. Alam ko rin naman na walang lalaki siyang nakasama, ako lang. But hell, its my stupid mouth. The only one to blame is my stupid self.

     Papunta ako sa town house nila. Gusto kong makita ang anak namin. 6 weeks na raw ang bata at unti-unti na talagang nag-iiba ang hormones ni Jess at gusto kong makibahagi sa lahat ng pangangailangan niya. Kahit ako pa ang pagbuntungan ng galit niya, okay lang. Kahit ano, mapatawad niya lang ako.

     From:  <3

     I have a check-up today. Be here at 9am. That is, if you want to join me.

     To: <3

     I'm on the way. <3

     Ang baduy-baduy ko na. 'Di ko akalaing magkakaganito ako. Sa kanya lang. If there is just one thing na pwede ko pang baguhin sa buhay ko, yun ay n'ung araw na nakita ako ni Jess na may kasama sa apartment ko sa San Agustin. I should not have let that girl in. Kasi simula noon, naging tuluy-tuloy na ang mga babaeng pumasok sa buhay ko habang mahal niya ako. Simula noon, naisip ko na ayos lang ang set-up sa kanya.

     Pumreno na ako nang makarating ako sa town house nila at tuluyang lumabas ng kotse.

     Lumabas na siya ng bahay nang hindi man ako pinapatuloy. I did not mind. She's still mad. And who the hell wouldn't?

     Habang daan, wala lang siyang ibang sinasabi kung hindi direksyon ng clinic ng doktora niya. Hindi naman ako nagtatanong. She's still mad. And for some reason, ayoko nang palalain pa ang lahat.

     "Dyan na lang sa tabi mo i-park." Nauna na siyang bumaba at hindi na ako hinayaang pagbuksan siya ng pinto. Tuluy-tuloy siya ng pinto ng clinic nang hindi ako hinihintay.

     "Wait up, Jess!" Sigaw ko. At lumingon siya at sumimangot.

     "Bilisan mo kasi." Himutok niya. Sandali lang siya naghintay at sinundan ko na siya papasok. Sa hindi ko malamang dahilan, nahihiya akong hawakan ang mga kamay niya. She seemed so fragile, yet she's strong inside.

     "Upo po kayo, Ma'am, Sir." Ngumiti sa akin ang receptionist at nagpacute pero hindi ko pinapansin. Tss.

     "Gustung-gusto mo naman," Irap ni Jess sa akin. I smiled. She's still affected!

     "'Wag ka nang magselos. Ikaw naman ang laman nito," itinuro ko ang puso ko.

The Bedbugs Addiction [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon