Now Serving: 2nd Chapter - Persistent Jessica

33.9K 278 32
                                    

Ito po ay Rated SPG - Striktong Patnubay at Gabay. Strict Parental Guidance. Maaaring may maseselang Tema, Lingguwahe, Karahasan, Sekswal, Horror at Droga para sa mga BATANG MAMBABASA.

 >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

 Now Serving: 2nd Chapter – Persistent Jessica

 >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

Para namang napangiti siya sa akin habang hinahalikan ako. Binuhat niya ako habang hindi pa rin nagbibitiw ang mga labi namin. Inihiga niya ako sa sofa.

Bahagya ko siyang itinulak sa dibdib. "Ano nga kasing pangalan mo?" Nagtunog bedroom voice ang beses ko at akma na naman niya akong hahalikan nang ulitin ko sa kanya ang  tanong ko.

 "Aizen." At itinuloy na niya ang paghalik sa akin pero pinigilan ko na naman siya.

"Aizen as in.. God of Love and Lust?" Tumango siya. Pinapag-aralan kasi namin yun sa history. Diyan lang ako magaling. May pagkabobo kasi ako eh.

"Ano bang gagawin natin?" Curious kong tanong.

Napatawa si Aizen at inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. "Wag ka nang magkunwari.. magkano ka ba? Sorry but I never paid for an act before. But don’t worry, I’m a generous lover."

Parang nagpantig ang tainga ko sa narinig ko at dinuro ko siya sa mukha. "Hoy hindi ako pokpok! Hindi ako bayarang babae! Di pa nga ako nagkakaboyfriend eh!" Totoo 'yon. Kung tungkol rin lang sa kaimoralan ay walang salitang pumasok sa mga tainga namin galing kay nanay. Tsaka kung boyfriend na rin lang, mayaman na agad ang hahanapin ko. Mas ipaprioritize ko naman ang pera kaysa sa lalaki.

Para namang nainis na siya sa akin at medyo umagwat sa pagkakadagan sa akin, "Inaaksaya mo ang oras ko. Hindi na nakakatuwa," sabi niya pa. Aba at suplado pala 'tong lalaking to. Anong akala niya sa akin, bayarang babae? Bakit nga ba ako sumama sa kanya?

"Eh hindi ako pokpok eh. Tsaka oy! Virgin pa ako!" Pagalit kong sabi sa kanya. Mukha namang hindi siya naniniwala sa akin. Totoo, virgin pa ako. NBSB nga kasi ako. Kahit papano mahal ko ang nanay ko at sumusunod kami sa kanya. Kahit yung iba kong classmate first year pa lang devirginized na kasi ang mga pinapatulan ay mga fourth year. Buti na lang ako kahit marami ding nanliligaw sa akin ay hindi ko sila pinapatulan. Mga rich kasi ang type ko.

"Eh bakit ka namimick up sa bilyaran?"

"Hindi ako namimick up!" Depensa ko. Mukha ba talaga akong namimick up?

"Eh anong ginagawa mo dun, Sige nga?" Paghamon niya sa akin.

The Bedbugs Addiction [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon