Now Serving: 8th Chapter - When She Cries

19K 195 35
                                    

Dedicated sayo. Nakaabot ka sa dedication. hahaha xD

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Now Serving: 8th Chapter - When She Cries

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

          Nakakabadtrip lang.

          Sawang-sawa na akong yayain siya na manuod ng tugtog ko. Sa init ng ulo ko, napasabunot ako sa sarili ko. Di na ako nagsasawang pakinggan at pulaan ako ng ibang tao na ang tanga tanga ko! Wala na. Wala nang mababago pa. Ika nga nila, "Laspag na."

          "O, masokista ka yata?" Nakangiti sa aking biro ni Joey, bartender sa bar ng Sizzling 69. Nakaupo kasi ako sa isa sa mga stool.

          "Hindi, mainit lang ang ulo." Napangiti na din ako. Nakakahawa kasi ang ngiti ng lalaking 'to. Shet. Ang hot niyang tingnan pag pawisan. Pinatay na kasi ang aircon kasi nga kanina pa sarado ang bar.

          "Bakit, ano bang nangyari?" Tanong niya. Sa tagal ko na dito, ngayon lang kami makakapagkwentuhan ng ganito. Si Cha kasi talaga ang kaclose niya tsaka di ako masyadong tumatambay dito. Hindi rin kasi ako mahilig uminom.

          "Yung boyfriend ko, walang panahon. Hahaha. Hindi na ako nasanay." Nguto ko.

          "Ano bang trabaho niya?"

          "Huh?" Come to think of it. Hindi ko alam. Tanga lang? Hindi ko man lang alam kung may trabaho siya o wala!

          "Anong pinagkakaabalahan niya? Any work? or is he still studying?"

          Bah. Marunong pala magEnglish ang hayop na to. hahaha.

          "O? Bakit ka nakangiti?" Tanong niya habang nagpupunas ng counter.

          "Ang cute mo pala." Humagikhik pa ako. Tangna. Minsan lang to. Try lang! Try ko lang kung kaya kong kalimutan si Aizen.

          Ngumiti siya sa akin. TAE KA! ANG YUMMY MO PALA!

// AN: TALANDE! PARANG WALANG PAGKABROKEN NA PINAGDADAANAN EH! O.o //


          "Jess, tigilan mo ako. Kilala ko na 'yan. Di naman ako bola." Napailing na sabi niya.

          Napanguso ako. "Try ko lang naman kung maappeal pa ako! Hello? 18 na ako. Madami akong nalalandi diyan pero hindi ko kaya kasi matagal na kami ni Zen." Pucha lang. Sobrang tagal na namin para sa isang normal na relasyon. Kasi casual lang siya. "Paano kung magsawa na siya? Paano kung.... sundan na niya yung mahal niya?"

The Bedbugs Addiction [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon