Hindi na ako nagpabagal-bagal pa at umakyat na ako ulit sa room namin dahil baka ano pang mangyariu kay Chelsea at baka may makakita saakin dito.

"Oh, bakit ikaw naman ang namunutla ngayon?" takang tanong ni Chelsea habang nakaupo padin sa sofa.

"Wala" sagot ko at tumabi sakanya.

"Alam mo para tayong tanga" biglang sabi nito.

"Ikaw lang" sagot ko naman.

"Mari di mo ako malilinlang"

I sighed. "I think she's here"

"Sino?" curious na tanong nito at tuluyan na akong hinarap.

I sighed again. "The woman that I had an affair with 3 years ago"

"Sino nga??"

"Eto na nga ikukwento ko na??" and I rolled my eyes.

"As what I said earlier, I stayed in Cebu diba noong umuwi ka 3 years ago? I was actually there for a month dahil may inaasikaso akong business maliban sa pagbabakasyon.. first week ko palang doon, I met this gorgeous woman sa isang souvenir shop. Alam mo ako, I only eat boys noon pero this woman is different. We talked, we ate outside and we had a thing for the whole 3 weeks. We agreed na we will not disclose our personal life, even our names.. as in wala. Just spur of the moment. Ako itong si loka, na-attach. As in kami lang magkasama the whole time. Sobrang caring, sweet and mejo masungit kumbaga swak kami–sira ulo ako tapos siya matino. Naisuko ko ang bataan and thats the best thing that happened to me that time. Tapos ayun oras na ng paghihiwalay, kahit masakit sa loob ko, umalis ako ng Cebu without knowing her name or kung psychopath ba siya o baka serial killer" napatampal ako sa noo ko.

"So nandito siya??" tanong ni Chelsea.

"I think so?? Narinig ko lang boses niya noong nasa restroom ako e"

"At hindi ka lumabas??"

"Hindi"

"Gaga ka. Magkaibigan nga tayo" tuya nito habang inilagay ang unan sa mukha. At nakita kong nagshe-shake ang mga balikat nito.

"Hoy naiyak ka sa kwento ko?" tanong ko dito at tinampal ang legs nito dahil nakahiga siya sa sofa at ako naman ay nakaupo sa paanan nito.

"I-I saw h-her" sagot nito at ibinaba ang unan galing sa mukha, at ayon.. namumula ang mga mata. "With someone else"

"Saan? Kailan??"

"Kanina. Kaya kita biglang hinatak e. Hindi ko kaya" hikbi nito. "Remember the kid earlier? Na-meet ko na yon sa New York, kasama niya ang Mommy niya. I complimented her na ang ganda ng anak niya at kamukha niya pero ang sagot saakin ay mas kamukha nito ang isa niyang mommy. Mari, ang nanay na tinutukoy ay si Bridgette"

"Anak niya yon??" hindi ko makapaniwalang sabi. "At may iba na siyang asawa? Eh diba asawa niya si Cong. Alcantara?"

"Hindi ko alam" buntong hininga nito.

"Tumayo ka jan. Lalabas tayo. Hindi pwede yung ganito" atsaka ako tumayo at namewang.

"Pero tinatamad ako" sagot nito

Wala na akong inaksayang panahon at hinila ito sa binti at naging dahilan kung bakit siya nalaglag sa sofa.

Inirap-irapan lang ako nito at dumiretso sa maleta nito para kumuha ng damit. Ako naman ay dumiretso na sa banyo. Pero bago ko masarado ang pintuan ay narinig kopa ito, "huwag ka ng maligo! wala namang pinagbago!"

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon