C7: A New Hope In Life

47 10 0
                                    

C7: A New Hope In Life

Naoperahan si Jerald sa ibang bansa. Isang taon itong nagpagaling habang nag-aaral si Jocelyn ng two year course para maging deserving sa posisyon na inooffer ni Leux sa kanya. Nang makapagtapos siya ng pag-aaral saka niya pinag-aral ang kanyang kapatid habang nagtatrabaho na bilang personal assistant ni Leux sa company nito. Madalas niyang makita sina Zamiere at Jaxon doon dahil shareholders ang mga ito. Madalas na inaasar sila ni Leux pero napapailing lamang ang binata saka pinaaalis ang mga kaibigan.

Hanggang ngayon ay naninirahan pa rin sila ng kanyang kapatid kasama si Leux dahil ayaw niyang isipin ni Leux na tatakasan niya ang utang niya dito. Ang dami pa naman.

Mas lalo nilang nakilala ang isa't-isa sa loob ng more than two years. Sanay na siya sa pagiging maalalahanin ng binata sa kanilang magkapatid. Lagi silang may pasalubong sa tuwing may business trip ito. Sinasabay siya nito papunta sa work at pauwi galing sa work kapag wala itong ibang pupuntahan na related sa work. Madalas siyang magluto kapag day off ng mga katulong. Nakita niya kung gaano ka-workaholic ang binata.

"Hi, Leux! Long time no see! I missed you!" Biglang sabi ng isang napakagandang babaeng nakasalubong nila sa lobby ng building.

Napausog ang dalaga nang bigla nitong yakapin si Leux.

"Ohw. Hello! Yeah. Long time no see. How are you?" Sabi ni Leux dito.

"I'm good. I'm good. Ikaw? You changed a lot!" Puno ng excitement na sabi nito.

Nanliit si Jocelyn sa kanyang sarili. Napakaganda ng babae. Mas matangkad sa kanya, mahaba ang pilikmata, mahaba ang buhok na sumusunog sa galaw, matangos ang ilong, makinis na maputi pa. Pang beuty queen ang dating. Napansin niyang bagay si Leux dito. Ito ang mga babaeng dapat ara kay Leux. Nalungkot siya nang maisip 'yon.

Napatingin sa kanya ang babae. Ngumiti. Napangiti siya. Ang puti ng mga ngipin at pantay-pantay pa.

"Ohw. This is my personal secretary, Jocelyn." Biglang pakilala ni Leux sa kanya.

"Hello po." Bati niya dito.

"Hi. I'm Matilda!" Pakilala nito saka siya kinamayan. Napatango-tango lang siya dito. Binalik nito ang tingin sa binata. "So, how about a dinner tonight?"

"Aah. Okay. I'll call you later." Nag aalangang sabi ng binata.

"Okay. See you later." Nakangiting sabi ni Matilda.

Natahimik si Jocelyn. Pagkaalis ni Matilda saka binalingan ng binata ang dalaga.

"Do you like to join us later for dinner?" He asked.

"Hindi na. Sa bahay na lang ako para kasabay ko si Jerald. Enjoy na lang kayo." Sabi ng dalaga habang iniiwas ang kanyang tingin sa binata.

"Okay."

Sumapit ang uwian. Naunang umuwi ang dalaga. Nagtaxi na lamang siya dahil ayaw na niyang abalahin pa ang binata na ihatid pa siya.

Oo nagseselos siya pero ano nga bang karapatan niya? Sino ba siya? Isang babaeng napulot sa night bar na pinakain at binihisan.

Pagdating niya sa bahay, nagdinner sila ng kanyang kapatid. Napansin siya nitong nakabusangot.

"Ate, bakit ba parang bad mood ka?" Tanong ni Jerald saka uminom ng tubig. Napatingin siya dito. Napaisip ang kanyang kapatid, "Dahil ba 'di kayo sabay ni Kuya Leux umuwi? O dahil may kasama siyang ibang babae?" Natatawang may pang aasar pang sabi ng kanyang kapatid. Halata kasi nito na may gusto ang ate niya kay Leux.

"Kumain ka na lang. 'Wag tanong ng tanong."

"Ate, kumain ka din. 'Wag simangot ng simangot sa harap ng pagkain. Magtatampo ang grasya." Paalala ng kanyang kapatid.

"Oo na po, Tay." Natatawang sagot niya sa kapatid. Minsan ay parang mas matanda pa ito magsalita kaysa sa kanya.

Hindi makatulog ang dalaga dahil hindi pa nakakauwi ang binata. Ginugulo siya ng kanyang isipan. Curious siya kung anong pinag-uusapan ng dalawa o ginagawa sa mga oras na ito. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa ding-ding ng kanyang kwarto. Alas onse na. May balak pa bang umuwi ang binata?

"Masyado naman yata nilang namiss ang isa't-isa." Mapait na bulong ng dalaga sa kanyang sarili. Mahigpit ang kapit niya sa kanyang unan dahil naiinis siya.

Nagpabaling-baling na siya sa kanyang higaan. Tumayo at naglakad-lakad sa kwarto pero 'di siya dinadalaw ng antok. Naagaw ang kanyang atensyon ng tunog ng kotse. Alam niya na agad na kotse ito ng binata. Napadungaw siya sa bintana. Sinilip niya ito. Napaisip siya kung sasalubungin niya ba ito o hindi. Napahinga siya ng malalim saka napagdesisyunang hindi na ito salubungin. Mas nangibabaw ang inis niya kahit alam niyang dapat hindi siya mainis dito.

Nakatulog naman siya dahil alam niyang nasa bahay na ang binata. Maaga siyang nagising kinabukasan.

"Good morning!"  Bati ng binata sa kanilang magkapatid. Hindi niya ito nilingon. Napansin ito ni Jerald.

"Good morning, Kuya!" Bati ni Jerald. Napatingin ang binata dito. "Kuya, ang tagal niyo po umuwi kagabi. Naghi--" Naputol ang sasabihin ni Jerald dahil sinubuan ito ng tinapay ni Jocelyn.

"Kain ka ng tinapay. Puro palaman kinakain mo." Sabi ng dalaga.

"Naghintay ba kayo kagabi?" Tanong ni Leux na nakaupo na't naglalagay ng sinangag sa plato.

"Opo kaso inantok na ako kaya si A--"

"Tubig, Jerald. Damihan mo ang inom." Biglang singit ng dalaga.

Nahalata ni Jerald na ayaw ng kanyang kapatid na ipaalam kay Leux kaya tumigil na siya sa kakakwento. Kumain na lamang siya. Nang matapos siya sa pagkain. Iniwan niya ang dalawa sa dinning area.

"Maghintay ka ba kagabi?" Tanong ni Leux.

Uminom ng tubig ang dalaga saka tumayo dahil tapos na siyang kumain. Binitbit na niya ang kanyang pinagkainan sa lababo. Imbis na hayaan siya ng binata. Tumayo ang binata at sumunod sa kanya. She's trapped by him.

"Ba't 'di mo ako pinapansin? 'Di mo sinasagot mga tanong ko? Pinipigilan mo pa si Jerald n magkwento?" Seryosong sunod-sunod na tanong ng binata. "Kung ayaw mong sumagot, pakinggan mo ako. I don't know why I have to explain but I just want you to know why I got home late last night. Isang oras lang kaming nagkasama. Only for dinner. I had to go back to the office and finish something because I forgot about it. Hindi ko namalayan ang oras kaya late na akong nakauwi."

Napakurap-kurap si Jocelyn dahil sa titig ng binata habang nagpapaliwanag.

"O-okay."

"So, naghintay ka nga kagabi? Late ka na rin nakatulog?"

Napayuko ang dalaga saka tumango ng dalawang beses.

"Next time call me or text me kung gusto mong malaman kung nasaan ako o anong ginagawa ko. Ignoring me will make things worse for me." Seryoso pa rin ang boses ng binata.

"Okay. Sorry."

-

C7 Posted: August 27, 2019

Last update for today!

Leux's Private Stripper (ON-GOING)Where stories live. Discover now