C4: A Friendly Hug

74 11 0
                                    

C4: A Friendly Hug

Isang buwan na na rin ang nakakalipas simula noong unang magkakilala sina Leux at Jocelyn. Dahil na rin kay Leux mas mabilis na nakakaipon si Jocelyn at hindi na masyado gipit ang dalaga sa pang araw-araw na pangangailangan nilang magkapatid. Nakilala na rin ng dalaga ang dalawang malokong kaibigan ni Leux na sina Jaxon at Zamiere. Madalas na rin silang tuksuhin nito pero tinatawanan lamang ni Leux ang mga ito kaya nakikitawa na rin siya. Gabi-gabi pa ring nasa private room siya kasama ang binata na tanging kwentuhan lamang ang ginagawa nila doon. Mas lalo nilang nakikilala ang isa't-isa.

"Cey! Ba't late ka ngayon?" Bungad ng kanyang manager.

"Sorry po. Inasikaso ko pa kasi ang kapatid ko. Nandiyan na po siya?" Tanong niya dito. She's referring to Leux.

"Kanina pa. Puntahan mo na."

"Okay po." Sagot ng dalaga saka agad na pumunta sa private room kung saan naroroon ang binata.

Pagpasok niya ay agad na nagtagpo ang kanilang mga mata. Una siyang umiwas katulad ng ilang gabi na niyang pag-iwas sa mga mata nito. Natutunaw kasi siya sa mga titig ng binata. Baka mas lalo niya pa itong magustuhan ngayo'y inamin na niya sa kanyang sarili na may gusto nga siya dito. Ngunit nananaig ang kanyang pag-iisip na langit ito at lupa siya. Impusibleng magkagusto din ito sa kanya. Magiging pabigat laman siya dito.

"Kumusta?" Panimula ng dalaga na lagi niyang tanong dito.

"I'm happy. I'll be visiting Canada the day after tomorrow." Halata ang tuwa sa boses ng binata samantalang biglang may napagtanto ang dalaga.

"Dahil ba makikita mo ang first love mo doon?" Lakas loob na tanong niya dito casually.

"What?" Kunot noong sambit ng binata saka napatitig sa mga mata niya.

"Kasi 'di ba doon nakatira ang first love mo? Kung tama man ang pagkakaalala ko sa naikwento mo."

"Correction, it's just a puppy love back then. Nagseselos ka ba?"

"H-huh? Hindi!" Nauutal sabay tawang sagot ng dalaga dito saka umiwas ng tingin.

Napangisi ang binata. He doesn't know why the thought of Jocelyn getting jealous makes him smile. Ang sinasabing first love na puppy love ay kababata noon ni Leux na lumipat ng ibang bansa. Naikwento kasi ito ni Leux dahil ang topic nila that time ay about childhood days na hindi rin naman nila inaasahan na maging topic. It just comes out.

"Really?" Biglang seryoso ng binata saka inilapit ang mukha niya sa dalaga. Nasa iisang sofa sila at corner na nito ang dalaga. Hindi na makaatras si Jocelyn. Napalunok at napakurap-kurap ang dalaga sa lapit nito.

"L-leux. A-ano b--" Natahimik ang dalaga dahil bigla siya nitong yinakap.

"Stay still. I'll miss you." Mahinang sabi ng binata. Hinayaan niya nga ito. Napangiti pa siya ng patago. Ang mabilis na tibok ng puso ni Jocelyn ay mas lalo pang bumilis. Nagdarasal siyang hindi ito marinig ng binata.

"Ilang araw ka ba doon?" Agad na tanong niya nang bumitaw na ito sa yakap. Ito ang unang beses na yinakap siya ng binata at ito rin ang unang beses na may yumakap sa kanyang lalaki.

"Just two days. Ayokong tumagal. That's for business anyway." Kaswal na sagot nito.

Itinatatak ng dalaga sa kanyang isipan na friendly hug lamang 'yon. Ayaw niyang lagyan ng malisya. Ganoon naman ang magkakaibigan, eh. Hindi siya pwedeng mag assume. Nakakahiya. Kaya as much as possible ayaw niyang mahalata ng binata ang kung ano mang nararamdaman niya para dito.

"Sige. Ingat ka doon." 'Yon na lamang ang nasabi ng dalaga dito.

"Mukhang inaantok ka na. Hatid na kita. Masyado mong pinapagod sarili mo." He said with a concern look.

"Kailangan, eh. Alam mo naman." Nahihiyang sabi niya dito.

"Why don't you just work for me?" He suggested with sparkling eyes. Nagulat ang dalaga sa narinig.

"Huh? Personal maid?" Agad na naisip niya. Naisip niya dahil ganoon ang nangyayari sa mga napapanood niya at nababasang kwento.

"No. My assistant."

" 'Di ako nakapag-college. Nakakahiya." Pagtanggi niya dito.

"It doesn't matter. May magti-train naman sa'yo doon at hindi naman ganoon kahirap ang mga gawain. Think about it." Pangungumbinsi ng binata.

"Sige. Pag-iisipan ko."

Nasanay na ang binata sa presensya ni Jocelyn kaya gusto niya itong laging nakikita at nakakasama lately. Noong una ay naaawa lang talaga siya dito pero habang tumatagal ay parang hindi lang awa ang nararamdaman niya para dito. He never felt this way before kaya hindi niya ma-figure out kung anong ibigsabihin ng pakiramdam na ito. Ang sigurado lamang niya ay isa na ang dalaga sa mahahalagang tao sa kanyang buhay na gusto niyang alagaan at pahalagahan.

-

C4 Posted: May 09, 2019

Leux's Private Stripper (ON-GOING)Where stories live. Discover now