C13: The Busier The Better

53 5 4
                                    

C13: The Busier The Better

Isang buwan na ang nakakaraan noong huling may nangyari kina Jocelyn at Leux. Hindi pa rin sila nakakapag-usap tungkol sa totoong relasyon nila. Nahihiya pa rin si Jocelyn na buksan ang usapan tungkol doon. Ang tanging hinihiling niya lang ay ang marinig sa binata ang salitang mahal kita, pero hanggang ngayon wala pa. Ayaw niyang panghawakan ang sinabi ng binata na gusto siya nito dahil para sa kanya ang gusto ay mababaw lang at malaki ang posibilidad na mawala agad ang nararamdaman.

Pagkatapos ng anniversary party nila ay naging usap-usapan sila sa opisina. Marami ang nagtatanong sa kanya at nang aasar tungkol kay Leux, pero tinatawanan niya lang ito. Sa loob-loob niya gusto niyang si Leux ang magkompirma ng mga chismis tungkol sa kanila.

"Take care. I'll see you in a week." Huling mga salitang sinabi ni Leux sa dalaga. Ngumiti lang ang dalaga dito. Nagpipigil ng lungkot dahil may business trip si Leux. Nag aalala siyang baka may makilalang mga babae doon ang binata at magkagusto sa iba kaso wala naman siyang karapatan dito.

Ibinuhos na lamang niya ang oras sa trabaho kahit tapos na ang gagawin niya ay tinutulungan niya ang ibang employees.

"Tapos na. Yes! Thank you, Jocelyn!" Tuwang-tuwang sabi ni Layah dahil tinulungan niya ito at hinintay hanggang sa matapos. Napatingin ito sa orasan, "Hala! Sorry, alas nuebe na pala." Sabi pa nito.

"Okay lang. Maaga naman kasi kanina natapos ang ginagawa ko."

"Kahapon si Aila tinulungan mo. Noong isang araw si Bea tinulingan mo din. Sina Katya at Hailey sabi sa akin tinulungan mo din. Ang dami mong time ha!" Puna ni Layah habang nag aayos na sila para lumabas ng building.

"Wala 'yon."

"Pero kailan ba uwi ng boss natin?"

"Hindi ko sure eh. Ang alam ko isang linggo lang siya doon." Kaswal na sagot niya dito.

"May gusto sana akong itanong sa'yo. Gusto ko sa'yo manggaling kasi."

"Huh? Ano naman 'yon?" Natatawang nagtataka siya dito. Nahuhulaan na niya ang gusto nitong itanong sa kanya.

" 'Wag ka sana magalit sa tanong ko." Nahihiyang pag-amin nito.

"Sabihin mo na."

Sumakay sila ng elevator. Sila na lang ang tao sa floor na 'yon kaya wala na rin silang nakasabay sa elevator.

"Hindi ko alam kung pansin mo pero pansin ko kasing madalas kang pag usapan. May relasyon ba kayo ni Sir Leux?"

"Puwede bang hindi ko 'yan sagutin?" Natatawang balik tanong niya dito.

"Okay lang naman. Bagay naman kayo kung sakaling maging kayo." Komento nito.

"Next time magkikuwento ako kapag may sure na sagot na ako."

"Sige. Asahan ko 'yan. Honestly, kinikilig ako sa inyo ni Sir nang makita ko kayo sa anniversary party." Komento pa nito.

Sinundo si Layah ng kaniyang boyfriend kaya naiwan sa taxi stand si Jocelyn. Naghihintay ng taxi pauwi sa kanila. Madalas ay sabay sila ni Leux umuwi kaya nakakasakay siya sa sasakyan ng binata kaso wala ito ngayon kaya nagtataxi siya. Wala din naman kasing dumadaan na jeep sa lugar nila. Puro nakakotse kasi ang mga tao doon.

Pagod si Jocelyn na nakauwi ng bahay. Tulog na ang kapatid niya kaya mag isa na siyang kumain ng hapunan. Ininit lang niya ang tinola saka kumain. It's been five days without seeing and even talking to Leux. Hindi mahilig tumawag ang binata kapag maraming ginagawa.

Pagkatapos niyang kumain, hinugasan niya ito saka umakyat sa kuwarto niya. She took a bath with warm water to feel relax.

Nilagay niya sa side table ng kama niya ang cellphone niya saka humiga sa kama. She was about to sleep nang mapansin ang pag-ilaw ng cellphone niya. Tiningnan niya agad ito. Umaasang si Leux pero smart alert lang pala. Binalik niya sa side table ang cellphone at nahiga muli. Umilaw itong muli pero hindi na niya tiningnan pa. Natulog na lamang siya.

Kinabukasan, nagising siya sa alarm niya kaya pinatay niya ito. Tiningnan ang mensahe at nabuhay ang dugo niya sa nakita. It's a text from Leux saying, "I miss you." Napangiti siya ng abot langit sa nabasa. What a good way to start her day. Nahihiya siyang replyan ito kaya hindi niya nireplyan. Ayaw niya rin naman istorbohin ito sa trabaho.

"Good morning, Ate! Ang ganda naman ng gising mo ngayon." Puna ni Jerald habang kumakain ng almusal.

"Good morning! Syempre!"

"Bakit?"

"Secret."

"Uuwi na ba si Kuya Leux?" Nangingiti na parang may pang aasar na tanong ni Jerald. Napapansin kasi nitong may pagtingin ang ate niya sa binata.

"Hindi ko alam. Kumain ka na nga."

Naupo ang dalaga saka kumain ng almusal. Balak niyang tulungan si Sia sa work ngayon kapag natapos agad siya sa ginagawa niya.

"Ingat, Ate!"

"Ingat ka din dito sa bahay. Seryosohin mo 'yang Korean Language mo."

"Opo!"

Nakangiti si Jocelyn na bumungad sa mga employees. Lahat ng tanong karamihan kung nakauwi na ba boss nila.

"Okay ka na ba, Sia?"

"Hala, Jocelyn! Tutulungan mo ba talaga ako? Hindi ko tatanggihan 'yan."

"Oo naman. Tapos na rin naman ako sa ginagawa ko eh."

"Sige. Photo copies lang naman ng mga ito ang kailangan ko."

"Okay." Sagot niya dito saka kinuha ang 700 copies na kailangan i-photo copy.

Halos mangitim ang mga daliri ng dalaga sa dami ng phinotocopy niya dahil sa ink. Nagkaroon pa siya ng paper cuts dahil dito.

"Libre kita ng dinner, Jocelyn."

"Hala 'wag na. Kailangan ko na rin umuwi agad eh."

"Salamat talaga ha. Next time libre kita ng lunch or dinner para makabawi man lang."

"Sige. Ingat ka pauwi."

"Ingat ka din. Ginabi ka nanaman."

"Okay lang."

Puro bandaid ang mga daliri ng dalaga dahil sa papercuts. Ayos lang naman 'yon sa kanya. Kung kahapon alas nuebe na siya nakauwi, ngayon alas dyes na. Inaantok na siya. Pagdating niya ng bahay dumiretsu siya sa kusina para maghanap ng pagkain. Nagulat siya nang mabungaran si Leux.

"You're so late. What did you do?" Seryosong tanong ng binata na may pag aalala. Lumapit ito agad sa kanya at yinakap siya, "I missed you so much." He whispered as he inhaled her scent.

Mabilis ang tibok ng puso ng dalaga. Malalim naman ang paghinga ng binata.

Puno ng pananabik na nagdikit ang kanilang mga labi. Nahulog ang bag ng dalaga. Binuhat siya ng binata at dinala sa kuwarto nito. Hinihingal na tumigil si Jocelyn kaya napatigil din si Leux.

" 'Di ba one week ka doon? Ba't napaaga ka?" Hinihingal na tanong niya.

"Because I miss you. I want you so badly." Nanginginang ang mga matang bulong ng binata sa kanya saka muling sinakop ang kanyang mga labi. Sabik na sabik. Parehong nananabik.

-

C13 Posted: October 11, 2021

[A/N: Nakadalawang delete ako ng C13 dahil wala akong maisip na isulat sa chapter na ito. Ito ang pangatlong attempt at sa wakas naisulat ko na. I hope you like it. Pinag iisipan kong tapusin na itong story nila kaso baka ma-fast paced ko nanaman. Kaya I am trying my best to slow it down. Hehe.]

Leux's Private Stripper (ON-GOING)Where stories live. Discover now