C14: Unofficial Private Stripper

15 2 0
                                    

C14: Unofficial Private Stripper

Nagising si Jocelyn dahil sa mumunting halik ng binata sa kanyang leeg. Nakasubsob ito sa kanyang leeg. Nakikiliti siya na para bang nakukuryente sa ginagawa nito. Tumingin ito sa kanya at binigyan siya ng nakakalokong ngiti. Napatingin siya sa bintana. Maliwanag na sa labas.

"Good morning!" Bati ng binata sa kanya saka siya nito pinupog ng halik sa mukha, "It's still early."

"Magigising na si Jerald. Tyaka nakalimutan ko pala ang bag ko sa dinning area."

"Wait. I'll get it and I'll talk to Jerald later." Sagot ng binata saka tumayo na ikinalaki ng mga mata niya dahil dalawa ang nakatayo sa harapan niya ngayon. Natawa ang binata sa reaksyon niya. Nagdamit ang binata saka lumabas para kunin ang bag niya.

Nag-init ang mukha niya dahil sa nakita. Ito ang unang pagkakataong makita niya ang binata ng malinaw at maliwanag mula ulo hanggang paa ng walang kahit ano mang saplot sa katawan.

Nakabalik agad ang binata. Humalik ito agad sa kanyang mga labi. Nadala naman agad siya sa sensasyon na dulot nito. She kissed him back. His kisses went down kissing every inch of her. Owning her again and again. Walang sino man ang kumatok sa kuwarto ng binata.

"Pumikit ka." Nahihiyang sabi niya sa binata para makapagbihis na siya. It's already 10 in the morning. They need to eat a real breakfast.

"Why?"

"Nahihiya ako! Pumikit ka na."

"You don't have to be shy. I already seen it."

"Kahit na!"

"Okay."

Nagmadali siyang magbihis habang nakapikit nga ang binata na nakabihis na dahil hindi ito nahihiyang magbihis sa harap niya.

"Okay na. Open your eyes."

Magkasabay silang nagpunta sa dinning area. Nasa sala naman si Jerald. Kaya sila lang sa dinning area.

"What happened to your hands?" Leux asked.

"Paper cuts lang naman 'to."

"Paper cuts? Did you finish a lot of paper works?"

"Yes."

"Who to—"

"Tinulungan ko ang ibang employees for the past few days kaya nagkaganito ako." Dahilan niya dito, "Kamusta naman ang business trip mo?" Pag iiba niya ng usapan.

"It went well. Better than I expected."

They continued talking about Leux's business trip while having breakfast. They ate fried rice, sunny side up, and fried bacon.

"Do you want to go with me next time?" He suddenly asked.

"H-huh? Puwede ba?"

"Yes. Of course."

"Sige." Nahihiyang sagot niya dito. Napangiti siya.

Sabay silang pumasok sa trabaho. Marami nanamang nakatingin sa kanila. Para bang sila lang lagi ang nakikitang topic sa trabaho. Nalalaman niya ito dahil sa mga totoong kaibigan niya sa trabaho pero gaya ng lagi sa kanyang paalala ni Leux na hayaan na lang kaya hinahayaan na lamang niya. Wala naman silang ginagawang masama. Dalaga naman siya at alam ng lahat na binata si Leux. Naiinggit lamang ang mga ito sa kanya.

Malaki talaga ang pasasalamat niya dito. He became her mentor and an inspiration. Isa sa mga pangarap niya ay ang matutong tumayo sa kanyang sariling mga paa someday. 

Pagkatapos ng trabaho, kumain sila sa labas. Kumain sila sa isang fine dinning restaurant to have an early dinner. First time niya sa restaurant na 'yon. May celebrity singer na kumakanta ng love songs.

"Bakit parang pasara na sila?" Tanong ng dalaga.

He chuckled.

"I reserved the whole resto."

"Ay wow naman." Komento lamang niya.

"I ordered a steak for us." He informed her.

"Okay."

Ang order nila ay may red wine na kasama. Habang kumakain. Tumayo ang binata.

"Excuse me." He said, casually.

Tumango lamang ang dalaga. Naisip niya na baka magbabanyo lang ang binata. Pinagpatuloy niya ang pagkain.

Nagulat siya nang paglingon siya sa stage kung saan kumakanta ang isang celebrity singer, nandoon ang binata. Napainom siya ng wine.

May dalang bouquet ang binata. Pink tulips and red roses ang bouquet na hawak ng binata. Hawak nito ang mic.

He cleared his throat first.

"Jocelyn..." He started.

Bumilis ang tibok ng puso ni Jocelyn. Para itong gustong kumawala sa dib-dib niya. Ramdam niya ang bawat tibok. Malakas. Para bang rinig ng buong mundo ang bawat tibok nito. Nanlalamig ang kanyang mga kamay. Hindi niya maintindihan kung excitement o takot ba ang nararamdaman ngayon.

"Jocelyn, being away from you for just a few days made me realized how much I care and love you— Naglakad ang binata papalapit sa dalaga. Kinakabahan din kahit hindi halata — I don't want you to be just my girlfriend, but I want you to be my partner for a lifetime. I know this is so fast, but I don't want to lose you. Will you be my private stripper for life?" He confessed.

Lumuhod ito sa harap ng dalaga. Inilabas ang sing-sing na binili niya noong business trip niya. It's a silver diamond ring that costs more than a million just for her.

Tumango ng mabilis si Jocelyn. Napangiti agad si Leux. Tumayo ito para isuot ang sing-sing sa dalaga. Ibinigay niya rin sa dalaga ang bulaklak. Hinalikan sa noo at yinakap.

"Congratulations! This song is for you." The singer said.

Sumayaw sila sa kanta.

Walang nakakalam ng plano ni Leux kung 'di di Jerald. Nagpaalam ito sa kapatid ng dalaga dahil ito na lamang ang natitirang pamilya.

Pagkauwi nila ng bahay, nakaabang na si Jerald. Masaya siya para sa kapatid.

-

C14 Posted: March 30, 2023

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leux's Private Stripper (ON-GOING)Where stories live. Discover now