C12: Company Anniversary Party

46 4 2
                                    

C12: Company Anniversary Party

Pagkatapos ng team building nila halos lahat ng nag join ay masakit ang katawan dahil sa activities. Lilipat na sila sa hotel lahat para magprepare for the company anniversary the next day.

"Where are you going?" Leux asked Jocelyn.

"Huh? 'Di ba diretsu na itong bus sa hotel?"

"Yes, but you'll go there with me in my car."

"Ah. Okay."

Biglang nagring ang phone ni Leux habang nagsisiakyatan na sa bus ang employees to bring them to the hotel.

"Excuse me. I'll just take this call." Sabi ni Leux saka sinagot ang tawag.

Si Jocelyn ay nakatingin sa pag akyatan ng employees sa bus. Mukhang mas masayang maki-join doon sa kanyang isipan.

"Jocelyn!" Tawag ni Eric saka lumapit sa kanya.

"Bakit?"

"Hindi ka ba sasabay? Tabi ta—" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil pinutol ito ni Leux.

"Let's go, Jocelyn." Seryosong sabi ni Leux.

"I-ingat kayo, Sir!" Sabi na lamang ni Eric na hula niyang kasabay ni Jocelyn si Leux.

Ngumiti lang si Jocelyn ay kumaway dito.

"Stop that."

Napatigil naman agad sa pagkaway ang dalaga at sumimangot.

"Ang sungit nito!" Mahinang reklamo ni Jocelyn saka naunang maglakad papunta sa sasakyan ni Leux. Pumasok agad siya saka padabog na isinara ang pinto.

"Put your seat belt, Jocelyn." He reminded.

Hindi sumunod si Jocelyn. Napailing-iling ang binata saka lumapit sa kanya. Hinalikan siya nito ng mabilisan sa pisngi at kinabitan ng seat belt. Hindi niya mapigilang mapangiti sa ginawa ng binata. Lihim siyang napangiti at nawala ang inis sa kasungitan ng binata.

Nang makarating sila sa hotel, nakacheck in na lahat sa kanya-kanyang room ang mga employees. Dumaan muna sila sa receptionist.

"Sir, everything is ready na po. This is your card key, Sir." Nakangiting sabi ng isang receptionist na pumuputok ang labi sa pula ng lipstick. Mukha pang nagpapa-cute kay Leux.

"Thanks, Grace!" Leux said. Kilala na si Leux sa hotel na ito.

Napansin ni Leux na nakasimangot nanaman si Jocelyn kaya hinawakan niya ang kamay nito na ikinagulat ng dalaga. Nagpadala ito sa hawak ng binata. Hindi na nag aalala na baka may makakita at malaman na may namamagitan sa kanila.

"S-saan ang room ko?" Lakas loob na tanong niya nang makapasok sila sa elevator.

"In my room." Agad na sagot ng binata. Napalunok si Jocelyn.

Simula noong ibinigay niya ang sarili niya dito, parang hinahanap-hanap niya na ang binata.

"What? Do you want to have a different room?" Kunot noong tanong ng binata nang makita siya nitong nakatingin lang sa binata.

"H-huh? No." Biglang sagot niya.

"Good."

"A-ang kamay ko, Leux." Mahinang puna niya dito.

"Don't mind about the people who can see us. Besides I want them to know that you are mine now."

She can feel a lot of butterflies on her stomach right now and can't stop herself from smiling.

Leux's Private Stripper (ON-GOING)Där berättelser lever. Upptäck nu