CHAPTER TWO: OFFER.

8.4K 123 3
                                    

CHAPTER TWO: OFFER.

"Sit."

"Pero okay lang po talaga ako." Kainis! Ayaw makisama ng sikmura ko! Gutom na talaga ako pero ayoko namang madagdagan pa ang utang na loob ko sa kanya.

"Pssh? Okay ka? Pero yang sikmura mo hindi."

"Sir Evo hindi ninyo naman na po kailangang gawin yan. A-Ako na po ang magluluto."

"Do you know how to cook?" Napailing ako. Kahit kasi wala na kaming katulong sa mansion noon hindi ko pa rin natutunan ang pagluluto puro instant noodles at fast food lang ang alam kong kainin dahil madalang naman na ding umuwi noon si daddy. Hindi ako tinuruan ni mommy dahil buhay prinsesa ako noon. Hindi ko din naisip na magpatulong sa mga maids dahil hindi ko naman sukat akalain na magbabagong bigla ang buhay ko. "See? Now sit and wait until i'm done." Lalong nagalboroto ang sikmura ko ng maamoy ko yung niluluto niya.

"Sir Evo chef po ba kayo?"

"Why?"

"Bakit sobrang bango po ng niluluto ninyo? Tsaka lalaki po kayo pero marunong kayo niyan?" I blushed when he laugh. Ang gwapo niyang tumawa. What the? Talaga bang pinuri ko siya? Well he's like a kuya to me okay lang naman siguro na purihin ko siya. If Michael will know about this tiyak na selos na selos na siya. Oh I almost forgot about my boyfriend! Ni hindi ko siya natawagan.

"I'm not a chef Amber. Madali lang matutunan ang pagluluto kung gugustuhin mo." I bit my lips. Gutom na talaga ako.

"Here. Beef broccoli yan. Tikman mo." Wow! Halatang mamahalin pati pagluluto niya! Ang sarap ng amoy! Pero halos maluha ako ng matikman ko yung niluto niya. Ngayon nalang ulit ako nakakain ng totoong pagkain. Yung masarap. Yung hindi binili Iang fast food. I miss my mom. Lagi niya akong ipinagluluto ng masasarap. "Hey? Hindi ba masarap?" Tinanggal niya yung apron niya at tumabi sakin.

"M-Masarap po. Namiss ko lang bigla ang mommy ko."

"It's okay. Finish your food. Baka lumamig pa." He walks away. Nagtimpla pala siya ng kape.

"Sir? Can I ask you something?"

"Hm?"

"Bakit nagaksaya kayo ng 50 milyon para bilhin ako? Sasaktan ninyo din po ba ako gaya ni Dr. Wang? Balak ninyo din po ba akong gawing laruan?"

"Do you have a boyfriend Amber?" Natigilan ako. Baka kapag nalaman niyang may boyfriend ako paalisin niya na ako at pauwiin.

"Yes. I do have a boyfriend. Sir Evo pauwiin ninyo na po ako."

"Well if that's the case? Mas lalong hindi kita dapat paalisin sa pamamahay ko." Parang nawalan ng Iasa ang kinakain ko. Nakakainis! Paano ba ako makakatakas sa sitwasyong ito?

"Pero paano ang pagaaral ko? Paano ako? Itatali ninyo nalang ako dito? Maawa naman po kayo!"

"Wala akong gagawin na ikakatakot mo Amber. As long as hindi ka tumakas? Magkakasundo tayo. But if you tried to escape in this house? lkaw din ang mahihirapan. Sigurista si Mr. Kang. Kapag nalaman niyang wala ka na sa poder ko? Ipapahanap ka niya and worst is dalhin ma niya sa sadistang Wang na yun naiintindihan mo ba ako Amber? You're safe with me. You're safe here."

"Pero paano si Michael?"

"Who's Michael?"

"Boyfriend k-ko po." Biglang naging blanko yung eskpresyon ng mukha niya kaya napatayo ako.

"Matulog ka na Amber."

"Sir please! Kahit makitawag nalang po ako sa inyo? Tatawagan ko lang po siya. Please sir Evo?"

THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED) Where stories live. Discover now