CHAPTER NINETEEN: HIS REASON.

3.8K 63 2
                                    

CHAPTER NINETEEN: HIS REASON.

"Amber tulala ka? Tsaka bakit wala ka yatang mga bodyguards ngayon?" I look at Margarette. Siya lang muna ang kinakausap ko simula ng makauwi kami sa outing na yun. Ang daming gumugulo sa isip ko. Una na ang pagkainis ko tuwing makakabangga o makakasalubong ko si Ciarra at Michael. Yung nangyari sa mansion namin, ang pagkalulong Ni daddy sa sugal maging ang di pa namin pagkikita buhat noon.

At higit sa lahat yung huling naging usapan namin ni Evo. Get back to reality Amber. Kalimutan mo na kung ano mang nangyari. Wala na kami sa Batangas para tawagin ko pa siya sa pangalan niya. Tatapusin ko ang kontrata at malaya na ako. Pero gusto mo pa bang umalis at iwan siya? Arghh! Naiinis ako sa kanya. At hanggang sa makauwi kami ay hindi ko siya pinapansin kahit alam kong nahihirapan kaming dalawa.

*Flashback*

"I already know you bago pa maganap yung sa auction. That's why naroon ako. Hindi para bilhin ka. Pero para iligtas ka!"

"Sino ka bang talaga? Naguguluhan na ako!" I look at him with disbelief. Sobrang ginugulo niya lahat sakin. Ang puso ko! Ang isip ko! Ang buhay ko!

"Amber it's me! Remember when you we're in grade school? Yung tinatawag mong Kuya Sungit?" Natigilan ako. Yung binatang inampon ni mommy--- Si Sir Evo at yung payat na masungit na yun? Iisa??

"I--Ikaw yung inampon ni mommy?! Pero! No! Paanong mangyayari na ikaw yung masungit na yun!" Ang payat payat ni Kuya Sungit at anim na buwan lang naman siyang napunta sa amin. Ibang-iba yung itsura niya noon at ngayon paano ko siya makikilala. Pero kung sa Sungit lang confirm na siya nga, mas malala pa lalo noong unang kita namin!

"Amber it's me. Believe it or not."

"Pero anim na buwan ka lang sa amin, akala ko nga hindi na kita makikita pa. Paanong kilala mo pa ako? At anong kinalaman mo sa pamilya ko para ikaw ang makabili ng mansion namin? At paanong naroon ka sa auction!" I heaved a sigh. Hindi ako makapaniwala. So all this time kilala niya ako! Hindi nagkataon ang lahat! Anong plano niya? Anong balak niya!

"Pinagaral ako ni Tita Cecile sa ibang bansa kaya ako nawala, you we're seven back then, nineteen na ako noon at binigyan ako ng chance ng mommy mo na baguhin ang buhay ko. Taon-taon ay pinadadalan niya ako ng litrato mo, dahil ang gusto niya ay ikaw ang mapangasawa ko. Alam ng mommy mo na noon pa man ay gusto na kita at boto siya sakin kahit alam niyang mas matanda ako sayo ng ilang taon. Sabi niya sakin, ay tiwala siya sakin dahil alam niyang di kita papabayaan. Kaya may usapan kaming hihintayin ko ang araw na magdalaga ka, na tumuntong ka sa eighteen at maging legal age." I touch my cheek. Naiiyak ako, ang mommy ko--Bakit parang naiinggit ako? Bakit parang nagseselos ako na malaman na may ganito pala sila kalalim na pagkakaunawaan? Bakit ako mom? Bakit ako iniwan mo lang ng ganun. Walang pasabi. Binigla. Tapos itong si Sir Evo-- ang dami niyo palang kwento! "Hindi ako tumigil na magpayaman bago ako magpakita sayo. Gusto kong succesful na ako bago kita ligawan at hingin ang kamay mo kay Tita Cecile. But two years ago nagkasakit at namatay si Tita." I look down naalala ko na naman yung sakit. "Biglaan ang sakit niya pero lahat ay planado. Alam ng mommy mo na lulong na ang daddy mo sa casino kaya minabuti niyang ilagak sa ibang accounts lahat ng perang natitira para sayo. Para kung mawala siya ay panatag siya. At ibinilin niya lahat yun sakin. Na makukuha mo kapag nag-eighteen ka. Your inherit is safe with me. Wala akong balak kunin ang hindi akin. The reason I bought you at that auction ay hindi para bilhin ka at babuyin gaya ng dapat na kapupuntahan mo kung hindi umabot ang flight ko. Pero para iligtas ka dahil noon pa man, mahal na kita. I care for you. Amber mahal kita. Pero anong gagawin ko? Child abuse ang kaso ko dahil wala ka pang disiotso! That's why I grab the opportunity para maging akin ka, mali alam ko pero nagselos ako ng malamang may Michael na palang nagpapasaya sayo! I became selfish that's why pinapili kita. Marry me or be my slave. If you choose to marry me then I'll be the happiest man alive. But if you choose to be my slave, it's a win, win situation. I have two years, two years to make you fall in love with me. Walang pilitan, gusto ko lang iparamdam na nandito ako. Merong taong nagmamahal at aalagaan ka." Dapat ay kiligin ako. Ang maging masaya ako, pero bakit nagtatalo ang isip at puso ko?

THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED) Where stories live. Discover now