CHAPTER TWENTY: JEALOUS MASTER.

3.6K 61 0
                                    

CHAPTER TWENTY: JEALOUS MASTER.

"Amber! Madali ka! Kanina ka pa hinahanap ni senyorito. Saan ka ba kasi nagpunta? Alam mo bang kanina ka pa niya hinihintay? Galit na galit siya Amber kaya huwag ka na sanang sasagot." I gulp. Paano naman kasi inabot kami nila Brylle at Margarette ng alas siete ng gabi. 5:00PM lang ang uwian pero heto at gabi na ako nakauwi dahil sa kakulitan ni Margarette. Pero aminin ko man o hindi namiss ko yung mga ganitong pagkakataon. Na makapag enjoy. Makapag-gala na never ko ng naranasan ng mabaon sa utang si Daddy. Ngayon lang ulit kaya hindi ko namalayan ang oras. Idagdag pa na masarap din talaga kausap si Brylle. Yung pakiramdam na parang noon pa kami magkakilala.

"N-Nasaan po siya?" Argh! AMBER! BAKIT BA SOBRANG KABA MO? Pakiramdam ko aahon na ang puso ko sa kaba. To think na di kami talaga okay. At alam ko kung pano siya magalit.

"Nasa study room nakailang padala na ng yelo. Uminom ata." Mas lalo akong kinabahan.

Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok. Ni hindi ko na inisip pa na magpalit ng damit dahil alam kong galit siya. Malamang Amber siya ang sumusundo sayo kapag uwian!

Simula ng umuwi kami galing sa outing ay ngayon ko lang siya ka kausapin. Kinakabahan ako. Yes galit ako sa kanya, nagtatampo. But he still owns me for two years. Alipin niya pa din ako hanggat hindi ko natatapos ang dalawang taon na kontrata na pinirmahan ko.

*Toktok*

"Pasok." He said in a cold tone. I gasp when I saw him. First time kong makita siyang may hawak na sigarilyo. He look so stressed at parang kinurot ang puso ko.

"Master nandito na po ako." I bit my lips, halatang madami na siyang nainom. Ang daming bote ng whisky sa lapag. Isinara ko yung pinto sa takot na marinig pa ni aling Guada lahat ng pagalit na aabutin ko.

"Saan ka nanggaling?" Tumayo siya at hinarap ako.

"May group study kami. Kaya ginabi ako." I gasp when he pulled me. Hinawakan niya ng mariin ang mga braso ko. Amoy na amoy ko yung naghalong alok at mouthwash na ginamit niya.

"NILOLOKO MO BA AKO AMBER? ILANG BESES AKO BUMALIK SA SCHOOL. TINAWAGAN KO ANG ADVISER MO. WALA KAYO KAHIT ISANG ASSIGNMENT MAN LANG!"

"N-Nasasaktan ako..."

"Saan ka nanggaling. Tell me. Sino ang kasama mo?"

"Kasama ko si Margarette okay. Nagmiryenda kami kaya nasarap ang kwentuhan. Masama na bang makipagkaibigan ako? Hindi ba ko pwedeng huminga kahit sandali?"

"Yung lalaking kasama ninyo. Sino siya?" Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig ng lumuwag ang pagkakahawak niya sakin at bigla nalang umiyak.

"M--Master.."

"TELL ME! SINO SIYA! Alam mo bang nararamdaman ko habang masaya kang nakikipagkwentuhan sa kanya? Habang nakatitig ka sa bawat kwento niya?" I bit my lips. Hindi ako makakuha ng salitang sasabihin. Gusto ko siyang yakapin pero nagtatalo ang isip at puso ko. Mas nananaig yung pride at tampo na nararamdaman ko. I look away.

"Napakasakit makita na masaya kang kasama siya alam mo ba yon? Nadaanan ko yung café na pinuntahan ninyo. Habang mabaliw-baliw ako kakahanap sayo naroon ka! Nakikipag-tawanan sa lalaking yun!" I sob. Nasasaktan akong makita siyang ganyan. Naninibago ako. Hindi siya ganito ee. He's cold. Masungit.

"Bakit ba ganyan ka?! Master hindi ikaw ito ee. Saktan mo ko! Sigawan mo ako! Magalit ka! Huwag mo akong iyakan!"

"Believe me hindi din ako ganito!" I gasp when he pulled me. Niyakap niya ako ng mahigpit sa bewang ko at hindi ako makakilos. I blushed. Wala akong nagawa kung hindi himasin yung buhok niya. Naiiyak na din ako. Galit ako sayo pero bakit ganito ang puso ko? Naguguluhan na ako! Possible nga bang nahulog na ako? "I get jealous, takot na takot ako kanina alam mo ba yun? What if mahulog ka sa lalaking yun? Nagsisisi ako na ibinalik kita sa school mo, pero karapatan mo yun! Nangako ako kay mommy mo, hindi kita pababayaan, hindi ako susuko hanggang sa magustuhan mo din ako. Pero paano ka? Paano kung hindi mo naman pala ko kayang mahalin dahil mas matanda ako sayo?" Nakagat ko nalang yung mga labi ko para hindi ako mapahikbi. Nakakainis. Bakit ganito? Bakit ang sakit sakit? "I'm jealous for all the people who's with you when I'm not with you." I tap his shoulder when he cried so hard.

"Master..."

"I'm not that kind of man that get jealous. I'm territorial. I'm just protecting what is already mine. Pero nababaliw na ata ako para isiping magugustuhan mo din ako. Ang hirap ipilit ng nararamdaman ko kapag ganitong ako lang ang lumalaban." Bumitaw siya sakin at tumalikod.

"Anong ginagawa mo, saan ka pupunta?" Bigla nalang niyang kinuha yung coat niya at susi ng sasakyan hawak yung bote ng alak.

"You're free Amber. Malaya ka na sa akin, sa pagkakautang mo. SA PAGMAMAHAL KO! Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sayo. Kung makahanap ka ng kaedad mo, o mamahalin mo o kahit bumalik ka pa kay Michael hindi na kita papakialaman." Yun lang at walang lingon na iniwan niya ako dito sa study room. Nagtataka. Nabigla. At nasasaktan? Pero hindi ba dapat maging masaya ako? Malaya na ako!

Hindi ko maintindihan pero sinundan ko siya, nakainom siya. Hindi niya lang alam ang nga nasabi niya.

What? Really Amber? At ano? Hindi ka pa aalis? Pagkakataon mo na. Ano pang hinihintay mo!

Napailing ako sa bulong ng isipan ko.

"Master!" Pero nakasakay na siya ng sasakyan. Hinabol ko siya pero hindi ko siya inabutan. Paano kung may manyaring masama sa kanya?

Kanina pa ako paikot-ikot at hindi mapakali. Dalawang oras na buhat ng umalis siya pero hindi pa siya bumabalik.

"Amber hindi pa ba bumabalik si Senorito?" Nilapitan ko si Aling Guada. Ang totoo kung wala siya dito hindi ko na alam ang gagawin ko. I feel so guilty. Kasalanan ko to. I take for granted lahat ng nararamdaman niya. Hindi ko siya binigyan ng chance. Sarili ko lang ang iniisip ko. Napaka-selfish ko!

"Aling Guada kinakabahan na po ako." Sakto naman na tumunog yung telepono. "Ako na po ang sasagot."

"Kaano-ano ninyo po si Mr. Evo Ybarra?"

"B--Bakit po?" Nanginginig ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa tawag na 'to. I bit my lips, pigil hininga sa maaari kong malaman.

"Amber sino yan? Bakit daw? Bakit nanginginig ka?" Hindi ko nasagot si Aling Guada. Ang alam ko lang kinakabahan ako.

"Naaksidente po siya." Napaupo ako sa sahig. Takot. Galit sa sarili. Lahat ng emosyon naghalo-halo na sa puso ko. "Nandito po siya ngayon sa Hospital." Parang sasabog ang puso ko. Kasalanan ko to! Kasalanan ko.

"S--Saang hospital?" Matapos kong malaman ang lahat ng impormasyon ay mabilis akong nagpahatid sa driver.

"Amber magiging okay din si Sir Evo."

"Sana po kuya. Sana po."

Hospital

"Miss kayo po ba ang kamaganak ng pasyente na naaksidente?" Yung nurse.

"Nasaan siya?" Believe me hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para pumunta dito. Takot na takot ako sa maaring nangyari sa kanya. Nanginginig ako pero kailangan ako ni Master. Sinamahan ako ng nurse sa kwarto kung saan nasaan siya. At hindi ako makagalaw. Puno ng pasa ang katawan, may benda ang ulo. I cried. Hindi ko mapigil ang pagpatak ng mga luha ko.

"Malubha ang tinamo ng kanyang ulo....." Marami pang sinabi ang doktor pero wala akong maintindihan. Hindi pa nag sink in sa isip ko ang mga nangyayari.

"Miss! MISS!!! Okay ka lang? Nurse! Pakitulungan ako." 

To be continued.....

THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz