CHAPTER THIRTY SEVEN: SUSPICIOUS.

3.1K 54 2
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN: SUSPICIOUS.

"Huwag ka nalang kayang umalis? Pero ang selfish ko naman kapag ganun." Kanina pa kami ganito sa sasakyan. Atras abante, after naming magkulong sa kwarto ay iginayak na namin yung mga dadalin niya. "Bakit kasi nagkasabay pa yung play at yung business trip mo na yan ee. Hindi na nataon na walang ganap sa school kapag nag out of the country ka." Ang higpit ng yakap ko sa braso niya.

"Baby, kung alam mo lang kung gaano kita gustong tangayin. Kung hindi lang mahalaga din talaga yung role mo sa play bukas hindi na kita papupuntahin dun knowing na makakasama mo ung kutong lupa na Almir na yun!" I laugh so hard. Hanggang ngayon iniisip pa din niya si Almir. Kung hindi nga lang siguro boyfriend na ni Margarette si Bryle baka hanggang ngayon pinagseselosan niya pa din yung lalaking yun. "Huwag talagang magkakamali yang tukmol na yan na halikan ka pagbalik ko ma-expel yan."

"Para kang bata. Teka yung bago mong secretary nasaan na daw? Sa airport na ba kayo magkikita? Nakita mo na ba yung nakapasa?"

"Not yet, hindi ko din alam dahil the whole time ikaw na ang kasama ko. May tiwala naman ako kay Helen magaling ang mapipili niya. And binilinan ko na siya na ituro lahat bago isabak ngayong pagalis namin."

"Mabuti naman, call me when you get there okay?" We kissed. Medyo nasasanay na din akong nakikita kaming sweet Ni Kuya Emman. Dati kasi naiilang ako, ngayon natututo na din akong maging open sa nararamdaman ko. Lalo pa at mamimiss ko talaga siya. Argh! Three days din yun!

"Senorito Evo, nandito na po tayo, ibababa ko na po ang maleta ninyo."

"Salamat Emman, let's go baby." Naiiyak na ako. "Hey! Huwag ka ngang umiyak. Baka hindi na ako umalis niyan." He hug me tight.

"Kasi naman ee! Three days ka na namang mawawala. I feel empty without you." He kiss my forehead. Napapikit nalang ako. "All I can think of is you, it's crazy but it's true feeling ko three months ang katumbas ng three days."

"Parang ayoko na talagang umalis

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

"Parang ayoko na talagang umalis. Damn! What can I do para hindi ka malungkot. You may not be on my side baby, but you're always in my heart bear that in your mind okay?"

"Tatawag ka agad pagbaba mo palang sa eroplano! Kapag break time ninyo mag video call ka. Aawayin talaga kita kapag hindi mo ako in update!"

"Promise. I love you Wife."

"I love you too." We're about to kiss when someone called him.

"Sir! Nandito na po kami. Si Kathen po sir Evo. Siya po ang na hired na bago ninong secretary." I look at her from head to toe. Bigla akong parang nainis knowing na siya ang makakasama ng asawa ko for three days. Matangkad. Sexy. Sophisticated. Parang may lahi pang British. Napasimangot ako. At siya na ang makakasama sa opisina ni Evo once makabalik siya?

THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum