CHAPTER TWENTY SIX: HURT.

3.8K 67 1
                                    

CHAPTER TWENTY SIX: HURT.

KINABUKASAN...

"At saan ka pupunta?" Pssh. Dinaanan ko lang siya. Kung hindi ko lang siya mahal kagabi pa ako umalis at iniwan siya. Isa pa talagang beses na ipagtabuyan niya ako aalis na ako. "I said where are you going!" Kinuha ko yung bag ko. Sabi niya hindi na ako slave dito. I'm now his wife. His high school wife. WIFE NA SINASAKTAN ANG DAMDAMIN. Balak kong pumasok na sa school ng regular. Noon kasi afternoon lang ako dahil sa umaga ay iginagayak ko pa lahat ng kailangan niya, pati pagluluto. Ngayon kasi pinabalik naman na niya lahat ng tauhan dito. Kaya na niya sarili niya. I'm sure di naman niya natatandaan na ako lahat gumagawa dito noon kapag umaga pssh. Tsaka wala akong ganang asikasuhin siya. I hate him pa din. "Amber kinakausap pa kita." Kinuha ko na nga yung bag ko, nakauniform na din ako, isn't obvious? Pati ba pagiging matalino nakalimutan niya?

"I'm wearing my uniform. May school bag akong dala. So meaning? Papasok ako sa school." Yun lang at tinalikuran ko na siya.

"Hindi ba afternoon pa ang klase mo?" I arc my brow at bumalik sa harapan niya. Naniningkit na din ang nga mata ko.

"Akala ko ba wala kang matandaan tungkol sakin? Bakit ngayon alam mong afternoon pa ang class ko?"

"D-Dahil sinabi ni Aling Guada! Nagtanong na ako ng maraming bagay tungkol sayo! Sinabi niya din na ikaw ang naggagayak ng mga gamit ko kapag papasok ako sa opisina! Bakit aalis ka na ee hindi mo pa naigagayak ang mga susuotin at gagamitin ko?" I rolled my eyes at him.

"Mr. Evo Ybarra. May I remind you, I'm your girlfriend. Sabi mo pa--- WIFE. I'M NOT YOUR YAYA OR YOUR PERSONAL SLAVE ANYMORE. I'M NOT EVEN YOUR MAID. I'm your high school wife. I'm sixteen years old at graduating na din. Pwede ba? Malaki ka na, hindi ka baby na dapat pang damitan at igayak!" Naiinis talaga ako. Argh! Kung pwede ko lang ulit siyang sampalin kaso ang gwapo! Aist!!! Bakit kasi ang hot niya sa gulogulo niyang buhok? Morning look ko kasi, nevermind.

"I'm sorry okay!" Hindi ko siya pinansin. Sorry yourself. Aalis na ako!  Mabuti nalang wala talaga akong phone. Di niya ako matatawagan. "Hey." He grab my waist. Ang lapit naman. I blink three times kasi naman naaamoy ko na yung hininga niya. Ayan na naman yung pasaway kong puso. Nagwawala na naman! "Please i'm sorry."

"Why? Bakit ka magso-sorry? Ano naman ba kung magalit ako ee hindi mo naman ako naaalala? Tss. Bitaw nga ang lapit mo!"

"Amber I said I'm sorry. Nagseselos lang ako." He look away. At ako naman, kinilig. Baliw ka na Amber. Di ba galit ka? Nagtatampo.

"Ano ngang sabi mo kagabi? Kung meron man akong magustuhang iba, or kung may crush man ako kay Kuya Paul, I'm free to go. Kasi hindi mo naman ako naaalala. Napakalinaw. So pakawalan mo na ako. Kasi hahanap na ako ng lalaking ipapalit ko sayo!" With that he crashed his lips into mine.

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora