CHAPTER TWENTY TWO: DEAL.

3.7K 88 1
                                    

CHAPTER TWENTY TWO: DEAL.

Kanina pa nakaalis si Amber, minabuti ni Paul na pauwiin muna siya. I sighed and calm myself dahil any minute babagsak na naman lahat ng emosyon ko. I miss her. Damn. I want to kiss her. To hugged her tight. I closed my fist.

Sa loob ng mga panahon na wala akong malay tanging si Amber lang naririnig ko. Umiiyak, nagkukwento. Nagmamakaawang gumising na ako.

"Nakakainis ka! Ano ba kasing nangyari! Bakit kasi umalis ka ng nakainom. Tingnan mo nga ang sarili mo! Nakakainis ka, bakit ba kasi pinagtabuyan mo ako kanina! Namiss naman talaga kita ee. Hindi ko naman gustong iwasan ka pero hindi ko alam ang nararamdaman ko sa mga nalaman ko. May selos, may galit. Hindi ba valid yung reason ko para magpalamig muna?" Niyakap niya ako ramdam ko kahit di ako makagalaw. "Master gumising ka na. Hindi ako sanay na ganyan ka. Please gumising ka na." Iyak lang siya ng iyak. Gusto kong bumangon at yakapin siya. Ang patahanin siya sa pag iyak. Pero hindi ako maka kilos. "Di ba sinabi ko na tatapusin ko yung dalawang taon para mabayaran ka? Bakit kasi ang kulit mo! Bakit kasi ganyan ka!!" Wala akong magawa. Parang nakakulong ako sa sarili kong katawan. Hindi mo na kailangan pang manilbihan sakin, I bought you to save you, para mapalapit ka sakin para maalagaan kita. Yung mga galit at pagsusungit ko? Dala ng selos at edad lang yun. Nang pagmamahal ko sayo.

Ni hindi ko alam na naaksidente pala ako after ko umalis ng bahay. Sobrang sama ng loob ko. Sobrang selos. I love her. But how can I fight for my feelings kung magkaiba ang agwat ng nga edad namin? Magkaiba lahat ng gusto namin. Isa pa mukhang nasasakal ko na siya. Patawarin ako ni tita Cecile for not fulfilling my promises pero napakahirap makita na nahihirapan ang taong mahal na mahal mo. Tama naman siya ee. Hindi ko dapat kunin ang kabataan niya. Marami pa siyang pwedeng gawin. Marami pa siyang makikilala na higit sa akin.

"Master, hanggang kailan mo ba ako paghihintayin? Napabayaan mo na ang kompanya mo. Namimiss ko na din yung mga utos mo, nasaan na yung masungit na monster na nakilala ko? Yung Evo Ybarra na nakilala ko sa auction? Yung taong laging kapakanan ko ang iniisip" Pinipilit kong idilat ang mga mata ko. Sobrang naaawa na ako sa kanya. It's not her fault pero sinisisi niya ang sarili niya tuwing kakausapin niya ako. At ako? Wala akong magawa kung hindi ang makinig. "Master namimiss na kita. Please naman." I miss you too Amber. Sobrang miss na kita pero tama pa ba na mag stay ka sakin? Mahal kita kaya sa paggising ko gagawin ko ang lahat para mawala ka na sa poder ko. Ipagpapatuloy mo ang buhay mo ng wala ako. Pangako ibabalik ko ang lahat sa dati. Ginamit ko lahat ng lakas ko para igalaw ang kamay ko, at nagulat ako ng maramdaman niya! "M--Master!! DOC! DOC! SI EVO! GISING NA SIYA!" Kasunod nun ay ang pagmulat ko ng mata.

When I opened my eyes pakiramdam ko pagod na pagod ako.

She looks so exhausted. Pumayat din siya ng kaunti. Kung alam niya lang kung gaano ko siya gustong yakapin. Kung gaano ko nagpipigil na huwag siya hawakan man lang.

"Pare what's your plan bakit nagpanggap kang hindi mo nakikilala si Amber? Ano bang pinagawayan ninyo para maaksidenre ka at gawin mo lahat ng to. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Pare ilang gabi ng puyat at pagod yung tao! You heard your doctor walang mali sayo, kaya bakit? Bakit sinasaktan mo siya ng ganito!" Hindi ko pinansin si Paul. Humiga ako at pumikit. "Kapag hindi mo sinabi sakin ang plano at nasa isip mo pupuntahan ko ngayon si Amber para sabihin ang lahat. Na nagpapanggap ka lang!"

"Fine. Dahil gusto kong umalis na siya sa poder ko. Paul hindi naman niya ako kayang mahalin ee! Sinabi niya lang lahat ng nasabi niya kanina kasi naguiguilty siya. Pero kapag nakahanap siya ng mas bata at kaedad niya? Iiwan niya din ako. Mas mabuti pang ngayon palang pakawalan ko na siya. I don't deserve her."

THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon