CHAPTER THIRTY FIVE: COURTING.

3.5K 56 1
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE: COURTING.

Nanggigigil na talaga ako. Isang galos sa kamay dahil nabuwal sa kalasingan papaospital na?

"Daphne you're being a spoiled brat! Hindi ka naman dating ganyan!" He look so frustrated. Nandito na kami sa mansion, maraming nagkalat na bote, may mga suyak sa paligid halatang nagwala siya after siyang iwan ni Evo kanina. Nakakahiya pa sa ospital  na gustong magpaopera ng dahil sa isang galos! Pati si Aling Guada na may edad na ay inabala niya pa. "Daphne tell me are you on drugs?" Tahimik lang ako. Ayokong makialam sa usapan nila.

"Funny! I'm in love Evo! I'm in love with you! At nagseselos ako!" Tama ang hinala ko. There. Sa kanya na nanggaling. May dahilan lahat ng pagseselos niya sakin.

"What? Gumising ka nga. This is the last time na sasabihin mo yan. Magkapatid tayo! Look lasing ka lang." I gasp when he kissed Evo! Napatayo ako at tinulak siya palayo.

"Amber, Daphne huminahon kayo mga anak." Si Aling Guada.

"How dare you!" Akmang sasampalin niya ako pero naunahan ko siya.

"That's for kissing my husband. And this." I slap her again. Argh! Matagal kong hinintay na mailabas ang inis ko sa kanya. "That's for kissing your brother. Kilabutan ka nga Daphne! Oo hindi kayo magkadugo pero lumaki kayong mag kapatid!"

"Arghh!!!!!!! MALANDI KA KAKALBUHIN KITA!" Humarang si Evo kaya hindi ko nakalmot ang impakta na to.

"Daphne that's enough. Hindi ko hahayaan na saktan mo ang asawa ko." Gulat na gulat si Aling Guada. Napayuko ako.

"Tss. Asawa? Nagpapatawa ka ba?"

"I'm not. We got married. Kanina lang. Ang totoo magha-honeymoon sana kami bago ka tumawag." Inakbayan niya ako. Kitang-kita ko kung paano siya nag transform as monster. Joke lang. Kasi naman kung tingnan niya ako para na siyang papatay.

"You're joking right?"

"I'm not so please respect my wife and get back to yourself. Kakalimutan ko lahat ng sinabi at ginawa mo ngayong gabi. Iisipin ko na lasing ka lang. Walang magbabago. Kapatid pa din kita. Pero makakabuti siguro na bumalik ka muna sa Japan. I hope na paggising namin bukas ay nakaalis ka na." Yun lang at hinawakan niya ako sa kamay at dumeretso kami sa kwarto.

" Evo relax. "

"Paanong mahal niya ako hindi bilang kapatid? Damn! I love her. Kapatid ko siya! But I won't tolerate what she just said! Hindi ba siya kinikilabutan? Damn! Yes pinagpanggap ko siya noon para pagselosin ka. Hindi ko alam na totoo na pala lahat sa kanya yung mga--- argh! This is my fault!" Lumuhod ako sa harap niya. I cupped his face and kiss him.

"Hindi ka naman kasi mahirap mahalin. Ang gwapo mo pa. Ang bango mo pa." He laugh and hugged me.

"Silly. Thank you."

"Okay ka na ba?"

"Ikaw lang naman ang kailangan ko para kumalma ako." He kissed me. "I'm sorry. Nakita mo pa lahat ng yun."

"I'm now your wife. Kasama mo na ako sa lahat ng problema mo."

Kinabukasan...

Gumising talaga ako ng maaga. Wala na si Daphne paggising ko. Sabi ni Aling Guada kagabi lang ay umalis na siya. I feel sorry for her but the hell! Mali naman na mahalin niya romantically ang kapatid niya. Mainam na nga muna na lumayo siya tutal hindi naman kami magkakasundo.

I gasp when someone hold my waist and kiss my earlobe. Siya lang naman ang gagawa nun kaya napangiti ako.

"Hmm. Ang bango naman."

THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon