EPILOGUE

5.8K 108 24
                                    

EPILOGUE

One month later...

Mabuti nalang at fresh look lang ang make up na ipinagawa ko sa buong glam team na na-hired ni Evo. Hindi ko naman kasi inexpect na drama pala ang pupuntahan ko at hindi kasal namin. Napangiti ako sa mga naiisip ko kahit hilam na ng luha ang mga mata ko.

Napakasolemn lang ng ambiance, mga pili na kakilala at kaibigan lang ang naririto. Simple pero alam mong ginastusan. Kung ako lang ang masusunod hindi ako gagastos ng ganito pero makulit si Evo.

Wedding gown ko palang nalulula na ako sa halaga paano pa ang mga pagkain na nakailang schedule kami ng tikim mapili at masala lang niya ang the best daw para sa kasal namin.

Nakakatuwa na nakakainis dahil hands on siya sa lahat. Nakakainis dahil minsan ang o.a na niya.

I saw Paul and Karen, I wave at them. They are crying too. Saksi sila sa lahat ng paghihirap ng puso ko noong nasa Korea ako lalo na si Paul. Napakasaya ko lang na parehas na naming kapiling ang mga mahal namin. Plus magkakaanak na din sila, three months from now ay makikita na nila ang baby nila. Napakalaki ng utang na loob ko kay Paul. I mouthed thank you at lalo siyang naluha. Karen tap his shoulder habang pinapahiran ang mga luha niya. Alam ko kung gaano siya kasaya na nagkabalikan na kami ng best friend niya.

"Napakaganda mo anak." I kiss daddy on his cheeks.

"Thanks daddy. Kayo din po ang gwapo ninyo. Kung buhay lang si mommy tiyak na papakasalan ka ulit niya kasi parang hindi ka nagka edad." Nagtawanan kami ng tipid habang umiiyak pa din. My heart is full. Sobrang saya ko lang.

"Anak salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon na maihatid ka sa altar. Salamat at binigyan ako ng anak na gaya mo. Marunong umunawa at magpatawad. Hiling at dalangin ko ang kaligayahan ninyo ni Evo. Ngayong wala na yung Daphne na yun alam kong wala ng makakapagpahiwalay sa inyo. Parang kailan lang ng ibenta kita.. " Lalo kaming naiyak. Naalala ko yung araw na ibinigay niya ako kay Mr. Kang.

"Shhh daddy huwag na nating ungkatin yun. Matagal ng nangyari yun at kung hindi ninyo yun ginawa hindi ko nakilala si Evo. Hindi nabuo ang apo ninyo."

"Napakabuti mo anak." Lalo akong napaiyak ng inabot ni Daddy ang kamay ko kay Evo. Gumapang ang kuryente sa buong pagkatao ko. Napaka gwapo niya. He's now thirty three pero parang lalong bumabata ang itsura niya. Bampira kaya ang asawa ko? "Evo ingatan mo ang anak ko. Huwag na huwag mo ng papaiyakin yan dahil ako na ang makakalaban mo."

"Daddy huwag po kayong magalala, hindi na po mangyayari yun. Mahal na mahal ko po si Amber." I smiled at him. He squeeze my hand.

"Eomma! Appa!" Kumaway kaming dalawa kay Annette na ngayon ay buhat ni Daddy.

What can I ask for?

I have a beautiful and smart child.

Me and my dad are now okay.

At ngayon, ikakasal na ako ulit ako sa lalaking mahal na mahal ko. Sa harap ng altar, sa harap ng anak namin.

"I want to kiss you right now kaso baka pagalitan ako no father." He wipe my tears. I grab his white tuxedo and kiss him. Nagpalakpakan ang lahat ng bisita. He blushed habang pinipigilan ang pagngiti. Kinikilig yan?

"We're actually married. Pagtitibayin lang natin sa harap ni Lord kaya bakit ka mahihiya kay Father?" Tukso ko sa kanya.

"Mga anak, pwede na ba tayong magsimula? May honeymoon pa mamaya." Nagtawanan kaming lahat.

Nagsimula ang wedding ceremony ng panay lang kami iyak ni Evo hanggang sa matapos ay walang patid ang luha ko. Tears of joy. Ang tagal kong pinangarap ang lahat ng ito. Ang makasama, mayakap at mahalikan ang asawa ko, ang mabigyan ng kumpletong pamilya ang anak namin.

Congrats, Congratulations, Best Wishes. Halos lahat ng bisita ay nilapitan namin para magpasalamat pero laking gulat ko ng bigla akong lapitan nila Michael, Ciarra, Almir Margarette at Bryle.

"Oh my God! Is this true? Kayo ba talaga yan? Ang tagal ko na kayong gustong makita at makausap!" Niyakap ko sila isa-isa.

"Congrats Amber.." It's Michael. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Amber, I'm sorry. Congratulations." Iyak ng iyak si Ciarra, wedding ko ito ee bakit naging dramarama. "Anak pala namin Ni Michael. Si Sheena."

"Oh my, ang ganda niya.."

"Amber.." It's Margarette. I bit my lips and hug her. Ang tagal ko ng gusto siyang makita.

"Namiss kita."

"Sorry, nagpadala ako sa kasamaan ni Daphne. Natakot kasi ako noon, bata pa ako at takot sa eskandlo, sorry dahil sakin nasira kayo ni Evo..."

"Ano ka ba kalimutan na natin yun."

"Salamat Amber. Ang tagal kong nagsisi sa lahat. Sa wakas nakausap na kita at Nakahinga na ako ng tawad." Nagyakap kami at ipinakilala niya sakin ang fiancée niyang si George.

"Hi Amber." It's Almir. "Lalo kang gumanda ah. Congrats pala." I hug him.

"Thanks Almir."

"Ikaw kayo ni Bryle? Nasaan ang mga asawa ninyo?"

"Ang totoo kasi, kami ni Almir. Kami na, two years na kami."

"WHAT THE FUCK? PRANK BA TO?" umiling silang dalawa at nagholding hands sa harap ko. "Shit kayo?! Paano? Anyare?!!!" Nagtawanan silang lahat sa reaksyon ko. Sino bang hindi mabibigla? Silang dalawa? Ang crush ng bayan noon sa Guillermo High na si Bryle at Almir magjowa?

"Nagmamahalan kami." Nasapo ko nalang ang noo ko.

"Eomma. I'm tired." Binuhat ko ang anak ko at nagpaalam muna sa kanila.

"Masaya akong makita kayong lahat. You made this day very special."

Two Years Later...

"Tulog na ang mga bata?" My heart races so fast when he kiss me. Nagfacebook ako ng dumating siya. Napapangiti ako kapag nakikita ko ang mga post ng mga kaibigan ko.

Nakakatuwa na okay na kaming lahat. At inaanak pa nilang lahat ang kambal namin ni Evo, sina Anton at Andres. Yeah, after namin ikasal ay one month pregnant na pala ako sa kambal namin kaya tuwang tuwa ang asawa ko. Seven na si Annette at matatas na din magtagalog.

"Uhuh. Masosolo na kita Wife." Binigyan ko siya ng ice cream na kinakain ko. I look at him, is he seducing me?

"Stop that baby.." I rolled my eyes at him. Nilalandi na naman niya ako.

"Alin?" Nag lipbite at wink pa! Arggh! He's now thirty five,. I'm twenty three pero baligtad ata edad namin. Natawa nalang ako sa mga pangaakit niya.

"Evo alam ko na yang mga galawan mo." Pinatay ko yung cellphone ko at in ilapag sa table.

"Baka naman pwede mong ipaalala sakin ngayong gabi kung paano maging master ulit ng isang Amber Genetiano Ybarra?" He grins at me.

"Kaya mo bang bayaran ang serbisyo ko Mr. Evo Ybarra? Baka maghirap ka? I AM WORTH FIFTY MILLION BAKA NAKAKALIMUTAN MO?" I started to lick his earlobe. Kung noon ay insulto para sakin ang pagkakabili niya sakin sa auction ngayon ay ipinagpapasalamat ko na naroon siya ng araw na yun para bilhin ako. I also thank my mom dahil sinuportahan niya ang obsession sakin ng asawa ko.

"Damn! Kapalit lahat ng kayamanang meron ako just be my slave for tonight baby.." I gasp when he kiss me hard.

Parang panaginip ang lahat. Parang fairytale.

I close my eyes and kiss him back.

Happy ending comes after a story with lots of ups and down.

Our story is not perfect.

Ang daming struggles.

May nga humahadlang.

Pero pinatunayan ng panahon na kung kayo talaga. Kayo pa din hanggang dulo.

We cannot change the past but we can make a new chapter with a new beginning.

I am Amber Gentiano Ybarra.
And this is our love story.

T H E  E N D ❤️🌸

THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED) Where stories live. Discover now