CHAPTER TWENTY THREE: PRETENDING.

3.9K 76 2
                                    

CHAPTER TWENTY THREE: PRETENDING.

"Pare remember our deal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Pare remember our deal." I glared at Paul habang kumakain ng ubas at nakangisi sakin. Sasapakin ko na talaga siya. Bakit ba kasi nandito siya? Panira ng araw. Tss.

"Anong deal?" Hindi ko pinansin si Amber. I just shrugged. Ngayong araw ang labas ko sa ospital, after ng ilang test mabuti at maaari na akong lumabas. Marami na akong napabayaang trabaho at naaawa na din ako kay Amber. Ang totoo na-touch ako sa pagaalaga at pagaasikaso niya habang nandito kami sa ospital but I choose to be cold. But every time na ipapaalala ng mokong na to yung deal---

"It's a yes or no lang pare. Ano takot ka bang mapunta sakin ang Lamborghini mo o takot kang mapunta sakin ang babaeng mahal na mahal mo? Mamili ka."

That will never happen. Isa pa kung ayaw sakin ni Amber, e di mas lalo sa kanya di hamak naman na mas gwapo ko sa kanya noh. Inayos ko ang pagkakaupo ko pero masakit pa din talaga ang katawan ko. I gulp when he hold my hand at tulungan akong nakaupo ng maayos.

"Ako na, kaya ko. Umalis ka na."

"Amber wala yun, may usapan lang kami ng boyfriend mo. Hehe. Ganyan talaga yung tumatanda nagiging ulyanin Kasungit mo ba pare. Nung hindi ka pa naaksidente kung makapalupot ka kay Amber kala mo ka unggo. Kala mo ka bata na ayaw humiwalay sa nanay. Tsk. Selos na selos ka pa sakin tapos ngayon abot ang taboy mo kay Amber. Amber paalala ko lang ha? Kung makauwi kayo sa mansion at palayasin ka ng boyfriend mong may amnesia? Bukas ang bahay ko. Pwedeng pwede kang makituloy." Lihim na natawa si Amber. Kaya binato ko siya ng unan. Ang gagong ito pumayag ngang sakyan ang pagpapanggap ko pero miyat-miya ang pangaasar! Humanda ka talaga sakin Paul once tayong dalawa nalang. Kung nakamamatay lang ang tingin? Kanina pa to bulagta.

"She's not my girlfriend. Ni hindi ko nga kilala yan, bakit ba kasi nandito ka pa? Bakit pinapagod mo ang sarili mo? Di ka ba nagaaral?" Hindi ako magaling na actor kaya tuwing kakausapin ko siya ay hindi ko siya matingnan sa mata.

"Kahit anong sabihin mo girlfriend mo ako at boyfriend kita--- mali pala, fiancé kita! At sasamahan kita hanggang sa gumaling ka. After kong masiguro na okay ka na, aalis na ako." Yun lang at tinalikuran niya ako habang ako? I don't know pero pakiramdam ko uminit ang pisngi ko dahilan para lalong mapangisi itong si Paul. I look at her. T-Totoo? At saan naman siya pupunta? Palagi na niyang sinasabi na di niya ako iiwan. Simula ng malaman niyang siya lang ang hindi ko naaalala, never niyang ipinaalala sakin kung paano kami nagkakilala. Tahimik lang siya kapag pinapagalitan at pinapaalis ko siya kahit ang totoo ay gustong gusto ko na siyang yakapin.

"Mabuti naman!" I closed my fist. She look so hurt. Kagat ang mga labi na parang maiiyak. Damn! Mali ba na magpanggap ako? Pero siya lang ang iniisip ko ayoko siyang makulong sa isang taong hindi niya naman kahit kailan magugustuhan. At saan nga siya makikituloy, kay Paul? Sa Brylle na kasama niya bago ako naaksidente? Naiinis ako pero wala akong magawa dahil palabas ko ito. Hindi ba ito naman talaga ang balak ko? Ang paalisin siya sa buhay ko? Pero nasasaktan ako. Isipin palang na aalis na siya sa poder ko mababaliw ako. Masasanay din ako. Kailangan.

THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED) Where stories live. Discover now