CHAPTER FORTY SEVEN: KIRA.

4.6K 75 0
                                    

CHAPTER FORTY SEVEN: KIRA.

"Hon you can't do this to me.." Hinawakan ni Evo ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Nasasaktan din ako pero hindi naman ako papayag na makuha ng iba ang asawa ko. Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Isinama ako ni Evo dahil hindi niya alam kung paano haharapin si Kira para ipagtapat ang lahat ng nangyari kahapon.

"Kira I'm really sorry. Please understand. Kasal kami ni Amber may anak na din kami. Kagabi ko lang nakilala ang anak ko at gusto kong bumawi sa kanya."

"Hindi ako nagpabago ng mukha at nagpalit ng pagkatao para lang sa wala Evo!" Biglang bumagsik ang mga mata niya. Kinabahan ako. "Akin ka lang!"

"Anong ibig mong sabihin?" Tumayo si Evo at napalakas ang boses. Nakakakuha na kami ng atensiyon sa ibang naririto.

"Mahal mo na ako noon bago pa umeksena ang babaeng yan ee. Tayong dalawa ang para sa isat-isa! Evo matutuwa sila mommy at daddy na makita tayong magkasama. Isinugal ko na lahat Evo! Career ko! Pagkatao ko! Pagmamahal ko! Hindi ako papayag na makuha ka ulit ng malandi na yan!" Now I remember kaya pamilya ang bawat galaw, kilos at boses niya.

"Daphne.." Wala sa loob na nasabi ko.

"Tumpak. Nagiisip din pala ang bitch na kagaya mo?"

"Hayup ka talaga!" Akmang sasampalin niya si Daphne pero pinigilan ko siya. Ang daming nakatingin, nagvivideo. Baka sa huli kami ang mabaligtad.

"Baby calm down. Ang daming nagvivideo. Baka makagawa ng butas si Daphne at tayo ang maging masama." Bulong ko kay Evo.

"Napakasama mo Daphne. Pinaikot mo ako!"

"Hindi lang ikaw Hon, lahat ng nakapaligid sayo! Evo ako ang totoong nagmamahal sayo. Ikakasal na tayo hindi ba? You proposed to me! Arggh! Kasalanan mo ang lahat ng ito Amber! Bakit ba kasi umuwi ka pa! Bakit kasi bumalik ka pa! Napakalandi mo! Lahat nalang inaagaw mo! ANG KAPATID KO, ANG YAMAN NG KUYA KO, ANG MAHAL KO, ANG MAPAPANGASAWA KO! WAHAHAHAHAHA DAPAT LANG TALAGANG MAWALA ANG MAHAHALAGA SAYO! MABUTI NALANG AT WALA NA ANG GUADA NA YUN KUNG HINDI MATAGAL NG NABUKO ANG PAGKATAO KO!" Para na siyang baliw. Tumatawa, umiiyak.

"Anong ibig mong sabihin Daphne?"

"Nabuking ako ni Guada kaya dinispatsa ko siya. Hindi siya inatake sa puso. Tinakpan ko ng unan ang mukha niya para mamatay na siyang pakialamera siya. At ikaw? Kaya ka nabulag ay dahil din sakin. Para makapasok ako sa eksena. Para maalagaan kita, para hindi mo na hanapin ang babaeng yan. Para ako nalang ang mahalin mo. Kasabay ng pagpapaopera mo ang pagpaparetoke ko at pagbabago ng identity. Akala ko okay na, na may happy ever after na tayo sa wakas. Pero bumalik ang higad na yan. Sinira niya lahat ng plano ko!" I can't take this. Sinampal ko siya ng ilang beses. I don't fucking care kung videohan ako ng lahat.

"Napakasama mo. Pati si Aling Guada na walang malay sa kasamaan mo idinamay mo! Pati asawa ko binulag mo para sa pansariling kaligayahan mo! Hinalikan pa ng isang kagaya mong virus ang asawa ko! Ang kapal mo! Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan dahil sa mga kabaliwan mo!" Dumudugo na yung gilid ng labi niya pero wala akong pakialam.

"Amber tama na huwag mong saktan ang mga kamay mo para sa isang walang kwentang tao. Nababaliw ka na talaga Daphne. Ang daming taon na nasayang dahil sa mga kagagawan mo! Pati paglaki ng anak ko hindi ko man lang nakita, ni hindi ko siya nakarga nung maliit pa siya. I hate you. I fucking hate you at sana hindi ka nalang inampon ng mga magulang ko!"

"Baliw? Ako? Mahal lang kita! Pero ang manhid mo! Sinaktan mo ako! Dapat lang na namatay ang mga magulang mo dahil tutol sila satin!"

"Daphne huwag mong sabihin.."

"OO PINATAY KO DIN SILA! TINANGGALAN KO SILA NG PRENO PARA MASOLO NA KITA! AT YUNG NANGYARI KILA MARGARETTE? YUNG NAKITA MONG MAGKATABI SI BRYLE AT AMBER? AKO DIN YUN! TINAKOT KO SI MARGARETTE NA ILALABAS KO ONLINE ANG MGA PICTURES NIYANG NAKIKIPAGTALIK KAY BRYLE KUNG DI SIYA MAKIKIPAGTULUNGAN SAKIN! NANIWALA NAMAN ANG GAGA!" I cried so hard. Napakawalanghiya niya. She's obsessed. Psycho!

"Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan Daphne. Gustong gusto na kitang patayin ngayon pero hahayaan ko ng ang batas ang magparusa sayo." Niyakap ako ni Evo.

"Batas? Huh? Meron ba nun?" Mabilis siyang tumakbo. Hinabol namin siya ni Evo pero nabangga siya ng 10 wheeler truck.

"Daphne!!" Nanlambot ako ng makita kung paano siya ginulungan ng truck.

"Baby close you eyes!" Niyakap ako ng mahigpit ni Evo.

"Evo si Daphne. Nasagasaan siya!"

"Langit na ang nagparusa sa kanya." I sob. Hindi pa din ako makapaniwala. Ang daming rebelasyon, ang daming nangyari.

Dumating ang mga pulis kaya pinauwi muna ako ni Evo sa mansion. Umuwi na kami kasi kaninang umaga sa mansion kaya kampante na din akong maiwan sa bahay si Annette dahil may titingin na sa kanyang mga kasambahay.

"Mommy! Where is daddy? Why you didn't take me with you? Hmp naneun tolajinda! (nagtatampo ako)"

"Annette." I hug her tight. Naaawa ako sa anak ko. Nagtiis siya ng limang taon na walang ama sa kagagawan ng baliw na yun! May her soul rest in peace kahit na alam naman kung saan na mapupunta ang kaluluwa niya. She's crazy.

"Gwaenchanh-euseyo Eomma?"

"I'm okay, magpapahinga lang si Mommy okay? We'll play later."

Nagising ako sa mga munting halik sa pisngi ko.

"Mommy wake up!"

"Annette..."

"Mommy, daddy is preparing dinner. Is he a chef?" Bumangon akong bigla, 7:00 pm na pala.

"Kanina ka pa?" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Naalala ko na naman yung mga nangyari kanina.

"Hindi na kita ginising, alam kong napagod ka."

"K-Kamusta si Daphne, I mean nasaan ang bangkay niya?"

"Don't worry about her anymore. Si Atty. Mendez na ang bahala. Nagugutom ka na ba?"

"Nanghihinayang ako Evo.." Pinipigilan kong maiyak. I close my eyes when he kiss me.

"Shhh babawiin natin lahat ng panahon na nawala satin wife. Hindi na ako makakapagyag pa na maulit ulit ito. Bago ang iba, ikaw ang pakikinggan ko, paniniwalaan ko. I will be the best dad and best husband for you and Annette and this not a promise anymore." Natukop ko ang mga labi ko ng bigla siyang lumuhod. "Amber Genetiano Ybarra, will you marry me again? This time sa harap ng simbahan, sa harap ng daddy mo. Sa harap ng anak natin. Hindi na bilang high school wife ng isang Evo Ybarra. PLEASE SAY YES." Lumuhod ako sa harapan niya at hinalikan siya ng mariin.

"Palagi namang yes ang sagot ko."

"Mahal na mahal kita Amber. Thank you, thank you for loving me. I'm sorry for all the sobs, hindi na kita papaiyakin kahit kailan."

"Eomma! Appa! Hihihi are you getting married?"

"Yes our princess and you will be our flower girl. Soon magkakaroon ka na din ng baby brother." Kinurot ko siya sa tagliran. "Why? Remember when we made love last night. Malapit ng mabuo si Anton." I blushed. Naalala ko na naman yung mainit na pinagsaluhan namin kagabi. Halos nagamit namin ang buong bahay ni Paul.

"Evo stop it baka makahalata si Annette."

"Gusto ko bang buuin mamaya ang body parts ng baby number two natin?" Hinampas ko siya sa dibdib.

"Tumigil ka na baka hilahin kita dyan kahit gising si Annette."

"Rawr! I like that wife. Let's eat. Papatulugin ko ng maaga si Annette. May iba pa akong kakainin mamaya." He wink at me. Dahilan para matawa kami parehas. "I love you Amber."

"I love you more..." We kissed.

"Daddy you're always eating mommy's lips. That's gross!"

Nagkatinginan nalang kami magasawa.

To be continued...

THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED) Where stories live. Discover now