CHAPTER EIGHTEEN: DATE.

3.8K 83 1
                                    

CHAPTER EIGHTEEN: DATE.

"You look so beautiful Amber." I blushed. The way he look at me para niya akong tinutunaw. Pinili ko nalang kasing isuot itong terno na kulay itim. Ito lang kasi yung feeling ko mas hindi ako mapapansin pero mali ata lalo kasing lumutang yung balat ko sa napili kong isuot.

Mabuti nalang din wala dito sila Pam. Di din pala sila dito natulog sa room Dahil ayaw nga daw ako makita. Parehas lang kami.

"Tara na?" Yan lang ang nasabi ko. Paano naman kasi yung titig niya. There's something in his eyes that I need to know. Bakit ba parang noon niya pa ako kilala, madami akong tanong na natatabunan ng roller-coaster ride na emosyon na nararamdaman ko kapag kasama at kausap na siya.

Flashback:

"Do you really like me?"

"Yes hindi mo ba natatandaan?"

"Natatandaan?"

"Wala. Sige na try to take a nap. Malayo pa ang byahe."

"Naguguluhan na ako sayo. Matagal na ba tayong magkakilala?"

Arghh naguguluhan pa din ako, tulad ng pagbili niya sa mansion namin. Bakit? Bakit siya nag nakabili? Kilala niya ba ang pamilya ko? O dahil sobrang yaman niya? Ewan!

"Gusto mo ba munang mamasyal tayo? I mean maglakad-lakad muna tayo sa tabi ng dagat?"

"I---Ikaw. Evo may gusto akong itanong. About sa nasabi mong---" Pero hindi pa kami nakakalayo at di ko pa naitutuloy ang sasabihin ko, nakasalubong naman agad namin si Miss Pam. I gasp really hard when she slapped me.

"Hayop kang babae ka! Napaka Landi mo!"

"Miss Pam--- Mabuti nalang nagiisa siya at kasama ko si Sir Evo. Paano kung kasama niya yung iba pa at nagiisa ako?

"How dare you Pamela!" Shocked? Scared? Pero mas scared ata. Hindi dahil kay Miss Pam pero dahil kay Sir Evo.

"N-Nasasaktan ako babe!"

"Don't call me that. You're not even my girlfriend. And who do you think you are para saktan ang mapapangasawa ko?" I blushed and arc my brow at the same time. Pinigilan ko si Sir Evo namumula na kasi yung braso ni Miss Pam na hawak niya ng mariin.

"Bitiwan mo ako nasasaktan na ako." Namumutla na si Miss Pam.

"Look what you've done to Amber. Namumula ang pisngi niya!"

"Okay lang naman ako. Tara na please pinagtitinginan na tayo." Nilingon ko ang paligid at nakakahiya na talaga.

"Look Pam. Don't get near on me o kahit kay Amber, kung ano man ang ugnayan natin at ng mga kasama natin? Pinuputol ko na. Our friendship is over!"

"Itatapon mo talaga lahat para lang sa babaeng yan? Sa batang yan?!"

"Yes! Because I love her!" My heart skip a beat. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas at anytime soon babagsak ako sa buhanginan. "Umalis ka na Pam bago ko pa makalimutan na babae ka."

"I hate that slut! And I hate you Evo! I really hate you!"

Nakaalis na si Miss Pam pero yung puso ko hindi pa din tumitigil sa mabilis na pagtibok.

"Amber.." He gently touch my cheek. "Namamaga na talaga. Tsk. Bakit kasi di mo din siya sinampal??!" Di ako makapag react nakatitig lang ako sa kanya. To think na ang tangkad niya pa sakin pero di kasi ako makakilos. Hanggang sa hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta kung saan. "Dito ka lang." Pinaupo niya ako sa tabi ng dalampasigan, mabuti at makulimlim. Pagbalik niya may dala na siyang bimpo at yelo. "Here. Let me see." Marahan niyang idinampi yun sa pisngi ko. YUNG PUSO KO! AMBER ANO NA? GET BACK TO YOUR SENSES!

"Master ako na po." But I gasp when he kiss me. Passionate. At hindi ka tumutol Amber? Argh am I hook? "Bakit..."

"I told you, Evo lang habang narito tayo hindi ba?"

"Ako na po." Pero ang loko hinalikan na naman ako! I frown.

"Para saan naman yun?"

"Po? ANO KO? LOLO?" I chuckle a bit sabay hampas sa braso niya.

"Nakakarami ka na ah. Abusado ka na ata. EVO!" I said sarcastically.

"Pssh. Akina nga yang pisngi mo. Nagaalala lang naman ako."

"Evo..." I look at him. Mabait naman siya talaga ee. Hindi ko na nakikita yung Evo Ybarra na nakita ko noon sa auction. Wala na yung matapang, masungit at antipatikong Evo Ybarra na yun. With him right now. Para siyang night in shining armor. I cupped his face. Kinakabahan ako. "Thank you."

"H--Huh?" I laugh so hard.

"Hahahahha nag-stutter ka ba talaga? At namumula ba yung pisngi mo? Hahaha ang bakla mo Evo! Ako yung nasampal pero ikaw ang namumula?!" Sa bilis ng pangyayari hindi ko na nalaman pa kung paanong nakahiga na kami sa buhanginan at nasa ibabaw ko na siya!

I close my eyes when he kiss me passionately.

Dapat itulak ko siya! Magalit ako! Tumakbo! But I can't understand myself. Kusang kumawit ang mga braso ko sa batok niya. Kissing him back. Wanting more!

"Hmmm--- Amber.." I froze. Natigilan ako ng maramdaman ko yung mga mga kamay niya sa dibdib ko. Para akong natauhan at nagising sa isang panaginip.

"Master! STOP!" Mabilis akong nakatakbo palayo. Naguguluhan? NAHIHIYA? EWAN KO?!!!

"Amber!"

"Master please mali yun!" He hug me from behind. Bakit ako umiiyak?

"Mali ba na mahalin kita despite what happened? Despite our age gap? Naramdaman mo bang mali na maramdaman lahat ng nararamdaman mo ngayon? Tell me? Kasi ako hindi. Ano bang problema? Yung edad natin? As long as the hearts fit well together nothing else matters. Sometimes love can slow down the aging process."

"That's not my reason! Wala akong pakialam kahit sixty years old ka pa. Ang sakin lang--- masyado pang maaga para masabi kong mahal na kita." Ganun nalang ba kasi yun, ganun kabilis mahal agad? Iniharap niya ako sa kanya.

"This." Itinapat niya yung mga kamay ko sa dibdib niya. "Ramdam mo ba ang tibok ng puso ko kapag kasama kita?"

"Pero kakakilala lang natin, one month palang tayong---

"I already know you bago pa maganap yung sa auction. That's why naroon ako. Hindi para bilhin ka. Pero para iligtas ka!"

"Sino ka bang talaga? Naguguluhan na ako!"

To be continued....

THE BILLIONAIRE'S HIGH SCHOOL WIFE ✔️ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon