Ayaw naman sabihin ni Robie kung saan kami pupunta pero para hindi naman alanganin, nagsuot na lang ako ng dress at doll shoes. Nahihiya pa ako nung una pero nung makita niya na ako, mukhang wala namang problema sa suot ko.

Nagpaalam na kami kay papa. Natutulog si mama pero umakyat si Robie para pormal na makapagpaalam. May urge ako na hindi na tumuloy dahil nung makita ko si mama parang nanghihina siya pero sinabi niya na okay lang siya. Magpupumilit pa sana ako but she shut me off. Hindi daw maganda na pinapaasa ko yung isang tao gayong pinuntahan pa ako at nagsabing sasama.

At nung sabihin ni mama yun, pakiramdam ko may mas malalim pa siyang ibig sabihin.

"Kamusta ang pakiramdam ni tita? She looked pale" napuna din pala yun ni Robie. Sandali niya akong tinignan then fixed his eyes on the road again.

"So far nitong mga nakaraang araw okay naman siya. Effective yung mga gamot na iniinom niya eh" napangiti ako sa sinabi kong yun. Maganda ang respond ni mama sa mga gamot na iniinom niya kaya alam kong gagaling siya. Magiging okay siya. Gigising siya isang araw na wala na yung canser sa utak niya.

"Good to hear that"

Kinuha niya yung kaliwang kamay ko at pinatong sa lap niya. Medyo napapitlag pa ako pero hindi ko tinanggal. Hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin ganun ang ayos namin. Nagtataka man ako kung anong ginagawa namin sa isang park, napalitan yun ng gulat ng mapansin kong maganda ang paligid. Medyo maraming tao pa.

"Glad you like it" natatawang sabi niya maybe dahil sa nakita niyang nakanganga ako. First time kong makapunta sa ganito kagandang lugar. Sabi ni Robie restaurant daw yung nakikita kong maganda. Hindi ko ma explain pero pakiramdam ko nasa fairytale ako. Yung itsura ng mga mesa at upuan, yung mga lamp post, then may fountain pa doon sa gitna na sumasabay yung splash ng tubig sa music.

"Actually, family friend ko ang may ari nito so I got a reservation with no hassle" napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko but before anything else, I pulled him to me for a light kiss. Basta may nagtulak sa isang bahagi ng utak ko na gawin yun. Lalayo na sana ako pero pinigilan niya ako

"I love you" he said between our kisses. Hinapit niya pa ako ng todo kaya magkadikit ang mga dibdib namin.

"I love you too.." then my heart leaped pagkasabi ko nun. Siguro kaya ko din sinabi yun para lang hindi masira ang moment na to. Hindi man nga niya siguro kayang punan yung malaking kulang sa pagkatao ko, still may parte pa din siya na para kahit paano lumiit ang malaking yun.

Siya ang unang bumitaw. He looked at me in awe at niyakag na ako doon sa mismong restaurant. May ilang pares pa ng mga mata na kumakain ang napatingin samin. Labas palang pala yung nakita ko. Maganda din naman dito sa loob at malaki pero mas gusto ko yung labas dahil mas sariwa ang hangin. Sa dami ng puno at nung magagandang malaking payong na meron sa bawat mesa, hindi naman ganun kainit.

Isang lalaki ang sumalubong samin. Naka two piece suit siya na kulay puti. Actually lahat ng suot niya puti maging yung shoes niya.

"Martin. My girlfriend, Erica" pagpapakilala sakin ni Robie sa kanya. He smiled at me at inabot ang kamay niya. Nagbigay naman ako dahil akala ko makikipagkamay siya pero laking gulat ko nung halikan niya ang likod ng palad ko. He's actually good looking in a way na pretty boy. Yung tipong clean type ng pagiging gwapo hindi katulad ni Derick na pang bad boy ang pagiging gwapo.

Now, bakit sa kanya ko kinumpara ang kaibigan ng boyfriend ko?

"The girl you've been talking about these past few days.." sabi ni Martin na hindi pa din inaalis ang tingin sakin "She's far more pretty than I expected" he added

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now