Medyo patulog na sana ako pero naramdaman kong lumubog yung sa ulonan ko banda. Umupo siguro si papa at magpapahinga din. Pumikit ako ulit and concentrated na makatulog pero may bigla na lang humaplos ng buhok ko.

"Pa naman natutulog ako" saway ko kay papa pero hindi pa din siya humihinto. Tinanggal ko yung unan sa mukha ko para sana pagsabihan siya but I was cut off by a kiss.

Robie. Sa sobrang kabiglaan ko ni hindi ko magawang makapag react. Basta hinayaan ko na lang siya na halikan ako.

"Tired, eh?" he said when our lips parted. Pinunasan niya pa yung labi ko ng thumb finger niya at tinulungan ako na bumangon

"Ugh haha tinapos kasi namin ni papa yung order samin. Eh medyo madami dami kasi kaya eto medyo pagod" sagot ko. Ngumiti lang siya and pulled me closer for a hug. Neither of us said a word. Nararamdaman ko yung mga malalim niyang paghinga sa buhok ko at yung haplos niya sa likod ko.

"May problema ba?" tanong ko dahil sa ilang minuto tahimik pa din siya

"Namiss lang kita" he whispered huskily sa tainga ko. Im afraid to admit it but it sent shivers down to my spine. At kahit hindi ako tumingin sa salamin alam kong namumula ang pisngi ko. At some point, natutuwa din ako dahil parang development to sa relasyon namin. Sana palaging ganito para hindi ako mahirapan.

"Magkasama naman tayo kahapon ah?" pabirong tanong ko.

Pagtapos namin kumain kahapon kasama si Elise at Derick, hindi na gaano nagklase pagdating namin sa room. Kaya pumunta na lang ako sa library para mag umpisa na magbasa nang mga notes ko. Surprisingly, nandun din siya. Tinutukso pa nga kami ng ilan dun. Mabuti na lang medyo strikto yung librarian namin kaya tumahimik ang lahat nung nagsaway siya.

"Well, to tell you honestly, I want to be with you every second of every day" hindi ko alam ang sasabihin so I playfully hit his arm.

"Bakit ka nga pala nandito? Oh I mean, bakit ka nagpunta dito na hindi man lang nagsasabi sakin? Tignan mo nga, ni hindi pa ako naliligo" bigla akong nakaramdam ng panic nung ma realize ko yung sinabi ko. Hindi pa ako naliligo!

Mukhang nahulaan niya yung nasa isip ko. Tatakbo sana ako papunta sa banyo pero hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at niyakap ako. Pumapalag naman ako kasi nga baka ang baho ko.

"Bitawan mo muna ako! Maliligo ako!" sabi ko at pilit inaalis yung braso niya sa bewang ko.

"Hindi ka naman mabaho kaya wag na. Magbihis ka na lang tapos alis tayo"

"Huh?!"

"Baby, pwede bang pakihinaan naman yung boses mo? Natutulog si tita sige ka baka magising yun. Si tito naman nasa labas lang baka akalain nun kung ano ginagawa ko sayo"

At mas lalo akong nahiya now that he called me baby. Nung nakaraan 'my princess' tapos ngayon iba naman.

"Kasi naman ikaw eh. Aalis tayo?" tanong ko nang maalala ko yung huling sinabi niya.

"Yep. Nakapagpaalam na ako kay tito and pumayag siya" he answered with all smiles. Pleased with his self.

Kungsabagay, hindi naman madaling mapapayag si papa. Kaya nga nagtataka ako nun na paanong napapapayag siya ni Nico at Derick kapag ipagpapaalam ako sa kanya. Siguro naisip din ni papa na tumatanda naman na ako at minsan kailangan din maglakwatsa.

"Saan naman tayo pupunta? Wala ka bang plano magreview, exams week na ah?" hindi naman sa ayaw ko pero tatlo kasi ang exams namin sa lunes. At dalawa pa lang ang naaaral ko.

"Hindi naman tayo magtatagal eh. Kaya nga gusto ko na ngayon na tayo umalis para bago mag gabi makakauwi na tayo"

Nagpaalam ako sa kanya para makaligo. So imbes na one hour ako maliligo, naging twenty minutes na lang. Maya't maya kasi kumakatok si papa para sabihin na bilisan ko na.

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now