"Mommy, c'mon. Hurry up."

"I'm coming, I'm coming," ani Julianna

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I'm coming, I'm coming," ani Julianna. Kinukuha niya kasi ang key fob niya sa loob ng bag. Saglit siyang tumigil sa paglalakad dahil hindi niya kaagad mahanap ang susi.

Nang makuha ang susi ay hinawakan niya sa kamay ang anak at dumiretso na sa parking area.

"Anak, hindi naman aalis ang mall," aniya rito. Binuksan niya ang backseat door at pinaupo roon ang anak bago kinabitan ng seatbelt.

"I know, Mommy. But I want to spend more time with you."

Natigilan siya. Ganoon na ba siya ka-busy para mag-demand ng panahon ang kanyang anak? Nakaramdam siya ng guilt.

If only Sachi is still alive--mabilis niyang pinutol ang daloy ng kanyang isipan. Masasaktan na naman siya at iiyak.

Hinagkan niya ang noo ng anak at maayos na inilapat ang pinto bago naupo sa driver's seat at binuhay ang makina ng kanyang sasakyan. Sapul nang mawala si Sachi ay pinag-aralan na niyang gawin ang mga bagay na hindi niya kaya nang wala ito sa kanyang tabi. Tulad ng pagmamaneho. Isang bagay lang ang hindi niya mapag-aralang gawin, ang hindi malungkot sa tuwing maaalala ito.

Napatingin siya sa suot na singsing nang kumislap iyon sa sikat ng araw. Ni minsan man sa nakalipas na anim na taon ay hindi niya iyon tinanggal. Mabuti na nga lamang at hindi iyon sumikip sa kanyang daliri.

"Mommy?"

"Yes, sweetie?"

"Can we eat ice cream?"

"Sure, sweetheart."

Tumunog ang cellphone niya. Inabot niya ang bag sa katabing upuan at kinapa mula roon ang gadget.

"No phone while driving, Mommy."

Humanap siya ng mapagpaparkehan at itinigil sandali ang kotse. Mahirap kumilos kapag may pulis kang kasama. Kinalong niya ang bag at hinanap doon ang nag-iingay na cellphone. Nang makuha iyon ay inilagay niya sa dashboard phone holder atsaka inilagay sa tenga ang bluetooth device.

"Hi, baks," bungad niya sa kanyang caller saka muling pinatakbo ang sasakyan.

"Katatapos lang ng meeting ko sa aking client. Are you free today?" ani Max sa kabilang linya.

"We are free today."

"We?"

"Oh, you know. I'm with your favorite inaanak."

Natawa ito.

"Okay, saan tayo magkikita? Na-missed ko na ang batang 'yan."

"Nuvou Mall."

"I'm in the vicinity. On the way na ba kayo?"

"Yep. We'll be there in about thirty minutes."

The Heiress and the ManwhoreWhere stories live. Discover now