SHUYIN 8.2: Gaining His Parents' Attention

Start from the beginning
                                    


Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit pa nila kinukuwento sa'kin ang mga bagay na ito.


Bakit kailangan pa nilang ipamukha sa akin ang relasyon nina Azul at Persephone noon?


"Persephone was Zein's first love." May pagdiin sa bawat salitang sinabi ni Queen Celestia. "Pero pinaghiwalay namin silang dalawa limang taon na ang nakakaraan dahil masyado pa silang bata at masyado nang inilalayo ni Persephone ang loob ng anak ko sa kaharian namin. And that was not good. That was no longer healthy. As one of the heirs, our kingdom must be the main priority of our son. And that was clearly not the situation. We could no longer tolerate, so we ordered Zein to break up with her."


So...dinanas din pala ni Persephone ang kasamaan ng dalawang 'to? Pilit din silang pinaghiwalay kahit na nagmamahalan pa sila...


"B-Bakit niyo po ba...sinasabi sa'kin ang lahat ng ito..?" Palihim kong ikinuyom ang mga kamao ko habang unti-unting nagsi-sink in sa utak ko ang katotohanang naging pareho pala ang sitwasyon namin ni Persephone...


Nasaktan din pala siya nang sobra dahil kay Azul. Nagtiis din siya, umiyak, naghintay nang matagal...


"Para maintindihan mo, Ryen Eve, na ang nagawa ni Persephone noon ay siyang ginagawa mo rin ngayon."

"Celestia, that's enough."

"No, Hendrix." Nagtama ang mga mata namin ni Queen Celestia. Para akong magiging yelo sa lamig ng mga titig niya sa'kin... "We are doing this for our kingdom and our people's safety. You, Ryen, are nothing but a mere distraction to Zein. That is the exact reason why you must not let him know that you are here. And Persephone is from Thanatos. Right now, Thanatos is our only allied kingdom. We can't risk that alliance only for you. Alam na ng lahat na nagkabalikan na sina Zein at Persephone. Knowing about you will bring about turmoil among our people, and can negatively affect our alliance."


Those words...


Such...harsh...words...


How can they be so mean, when all I want is to explain to their son? All I want is to tell him the truth. Hindi ko naman gustong magkagulo. Gusto ko lang ayusin ang relasyon namin ni Azul at ngayon, parang ako pa yung may kasalanan?!


Without noticing, umaagos na pala ang mga luha mula sa mga mata ko. Maiinit at mabibigat na luha para sa puso kong unti-unti nang binabalot ng lamig at sobra-sobra na namang sakit. Bawat pag-asang namumuo sa puso ko ay winawasak agad ng iba...

 Bawat pag-asang namumuo sa puso ko ay winawasak agad ng iba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Iba na ang sitwasyon ngayon. Persephone is no longer interfering with Zein's duties as a prince, kaya naman nagpasya kaming pumayag na sa relasyon nila. Tungkol naman sa inyo..." Nakita ko ang paghinga niya nang malalim at inilipat niya ang tingin niya sa ibang bagay. "You can tell him what you want, but please, immediately go back to where you came from after that."

"Ryen Eve—" Sisingit pa sana si King Hendrix pero itinaas ko na lang nang bahagya ang kanang kamay ko para pahintuin siya.

"O-Okay lang po..." Pasinghot kong sagot at dahan-dahan ko silang tinitigan isa-isa.


I saw guilt and sadness in King Hendrix's eyes and nothing but coldness in Queen Celestia's.


"N-Naiintindihan ko naman po... S-Sabihin niyo na l-lang po sa'kin kung..." And my voice cracked when it shouldn't. "K-Kung k-kelan ko po p-pwedeng kausapin s-si Zein..." My voice trembled so badly... Nakakahiya at nakakahina ng loob...

"After the negotiation." Walang kaawa-awang sagot ni Queen Celestia...

"S-Sige po..." Nanginginig ang mga labi't kamay ko habang marahan kong pinupunasan ang mga luhang patuloy pa ring umaagos sa pisngi ko...

"You may leave."












Read. Vote. Comment. Support.
#babaengbully

Marrying Prince Shuyin [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now