“Idiot.” Sabat ng isang tinig kaya sabay-sabay silang napalingon sa lalaking nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa. Relax na relax itong nakaupo at nakataas pa ang dalawang paa sa lamesa. Nakasuot ito ng itim na leather pants at coat na gawa sa balat ng puting tigre. Ang buhok nito ay kalahating itim at kalahating puti. May mapaglarong ngiti sa labi nito na madalas ikumpara noon ni Charmaine sa Cheshire cat ng Wonderland.

He’s the Celestial Tiger.” Sa isip nila matapos makita ang lalaki

“A-are you talking about me Brother?” tanong ng Night Patriarch

Lumingon ang lalaki sa tatlo. “I'm not your Brother. I’m not as ignorant as you three. Don’t lump me with the likes of you, it's insulting.” Saad ng lalaki

Agad nagsalubong ang mga kilay ni Night Patriarch.

Natawa naman si Scarlet Patriarch. “What a temper!

Walang pakialam si Elf Supreme. Lumilipad ang isipan nya.

“Regis stop wasting your time talking to them.” Sabat ng isang Fae.. Ngayon lang nila napansin na nakaupo pala ito sa tabi ng Celestial Tiger.

Tumango lamang si Regis.

Hindi nagtagal ay napuno ng mga VIP ang mahabang lamesa.

“Welcome to the Annual Intercontinental Arena of Heroes!!” boom ng isang tinig

Sa wakas ay magsisimula na ang patimpalak!

Isa-isang pumasok ang mga kalahok patungo sa gitna ng arena. May isang malawak na ring sa gitna nito. May tig-lilimang kalahok mula sa Azure Dragon Clan, Scarlet Phoenix Clan, Obsidian Turtle Clan, White Tiger Clan, Elves, Fairies at Nightmares.

Maririnig ang masayang cheer ng mga manonood. Hindi lamang mga mamamayan ng Tamourra ang narito ngayon. May mula sa bawat isang clan, maging ilang elves, fairies at nightmares ay makikita sa mga audience.

Hindi mapigilan ng lahat mapatitig sa isa sa mga kalahok mula sa Azure Dragon Clan. May mahabang puting buhok ang dalaga na isinasayaw ng hangin. Napakalamig ng presensya nito at nagsusumigaw ng authoridad!

Lalong bumilis ang pintig ng puso ng Elf Supreme. It's really her! Nandito sya! Hindi nya alam ang gagawin. Should she greet her? Iisipin kaya ng dalaga na may hindi sya magandang intensyon kung gagawin nya yun?

Nagkatinginan naman sina Regis at Euphie.. Makikita sa kanilang mga mata ang mga salitang, “I knew it!

Silang dalawa din ang unang napansin ni Charmaine pagkapasok sa arena.

“Why are you here?” simpleng tanong ni Charm na nakapagpatahimik sa lahat.

Napanganga ang mga White Tiger Clansmen. Isang living idol ang turing nila sa Celestial Tiger ng kanilang Clan. Anong karapatan ng isang dragon na kwestyunin ito?!

Hindi na nakakagulat na bago pa man nakatugon sina Regis at Euphie ay may isang galit na tinig ang bumasag sa katahimikan.

“Blasphemy! You insolent little ice dragon!” galit na bulyaw ng isa sa mga elder ng White Tiger Clan.. Ito din ang gustong isigaw ng lahat ng White Tiger Clansmen.

Kumunot ang noo ni Charm.. Sino ang hukluban na yun? Hindi naman sya kinakausap ni Charmaine pero nagagalit sya ng walang dahilan..?

“Azure Elder, why did you let an insolent little ice dragon to participate in this sacred arena?” galit na tanong ng elder mula sa White Tiger Clan sa isa sa tatlong elder ng Azure Dragon Clan.

Agad nagdilim ang muka ng tatlong elder ng dragon clan.. Ang kapal ng muka ng mga tigreng ito!

“White Elder, hindi porket wala kaming kasamang pure blooded dragon ay pwede mo nang kwestyunin ang desisyon namin.” Iritableng tugon ng isang Azure Elder

WitchcraftWhere stories live. Discover now