Tale 44

27.3K 1K 220
                                    

Tale 44
~Heaven's Stones~


Lucere and Erythros the twin gods. Lucere the goddess of light and children lost her daughter on the great war of the gods. Lonely and miserable for hundreds of years, Lucere sacrificed the lives of many children to bring back her child from the Underworld. Lucere anger all the other gods and they decided to join hands and throw her to the Void, a place of nothingness and endless darkness. Erythros, the god of Hunting and Lucere's twin and husband went against the will of all the other gods. He would often visit her and brought her gifts of sunshine, rainbows, and fresh bundle of flowers.  And his visits resulted to the birth of Geena, the goddess of nightmares and Videre, the god of visions. Their children are the brightest stars beside the twin moons in the night sky.”
-The Twin Moons Lucere and Erythros, a myth translated by Alena Hart

Maliwanag ang kambal na buwan sa kalangitan ng syudad ng Theos ngayong gabi. Ang mga tao ay masayang nagtipon-tipon sa Pavillion of Golds upang pormal na makaharap ang lahat ng mga royalties at nobles na dumalo sa kasiyahan, pati na rin ang mga lalahok sa nalalapit na Licentiam Exam of Mages.

Maraming nagnanais makuha ang loob ng mga lalahok na may mataas na potensyal na makapasa. Ang mga taong ito ay kadalasang mula sa older generations ng mga noble families, naniniwala sila na isang uri din ng kapangyarihan ang pagkakaroon ng maraming koneksyon upang maprotektahan  ang kanilang katayuan sa lipunan. Ang mga kabataan naman ay mas concern sa kung sino ang mas malakas, kung sino ang mas kahanga-hanga. Ano pa man ang dahilan, naging sentro ng atensyon ngayong gabi ang mga pinakasikat na kalahok ng nalalapit na exam, partikular na ang mga nagtapos sa Aurum Magique University, sina Nero ng Gorgona, Harvin, Erella at Attina. Maririnig din ang pangalan nina Princess Quarts, Myka at Merida mula sa bibig ng mga taong masayang nagkwekwentuhan.

Nabalitaan kong ngayong gabi gaganapin ang Test of Heaven's Stone para sa mga lalahok sa Licentiam Exam.”
“Nabalitaan ko rin yan. Kakaiba talaga ang proseso ng exam ngayong taon.”
“I heard only mages with the result of at least a red light reaction from the Heaven's Stone will be allowed to proceed to the actual exam.”
“Red light lang? Dapat blue light!”
“Sira ka ba? Red light lang ang pinakakaraniwang result ng heaven's stone. Kung itataas nila ito sa blue light, for sure magiging Rogue ang nasa 70% ng mga mages sa mundo!”
“Sino kaya ang may pinakanakakamanghang result mula sa mga kalahok?”
“Prince Nero of course!”
“Or Erella.”
“Or the mysterious Myka..?”
“I bet they have violet light! All of them are the top mages of our generation.”
“Tama ka dyan.. Violet na ang pinakamalakas!”
“Mali kayo sa bagay na yan.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“After ng violet ay black light pero tanging ang number two witch sa buong Aralon lang ang naka-achived sa result na yun.”
“N-number two? Si Lady Elora? Ang head ng Elite Force ng Council of Magic!”
“May isa pa! Ang Witch of Carnage! Sa sobrang lakas nya, nabasag at nadurog ang Heaven's Stone noong sinubukan nya  ito!”
“Whoa! Nabalitaan ko din yan noon! Isa syang living legend! Kahit ang royal families ay nirerespeto ang Witch of Carnage.”
“Tama kayo! Sya ang idolo ng lahat ng mga aspiring mages!”
“Pero sa nakaraang dalawang taon nangangamba ang lahat. May balitang kumakalat na patay na daw sya.”
“Impusible! She's sooo powerful!”
“Ayon sa narinig ko ay inambush daw sya ng maraming malalakas na mage sa Valley of Death sa kaharian ng Gorgona.”
“Mali kayo! Ayon sa narinig ko may nakaharap daw na malakas na magical beast ang Witch of Carnage noong bumisita sya sa River of Monsters sa Uddara! May eye witness daw na nagpatotoo!”
“Ang narinig ko ay buhay pa sya subalit nasa isang secluded training upang magpalakas pa.”
“Hindi ganyan ang balita sa Ventus, ang sabi nila ay nakaharap daw ng Witch of Carnage ang grupo ng mga Travellers at natalo sya, nasugatan sya at walang nakakaalam kung nasaan sya ngayon.”
“Mga hunghang! Anong klaseng balita yan? Ayon sa reliable source ng pamilya namin, nasa Dark Continent daw ang Witch of Carnage ngayon at walang nakakaalam kung buhay pa sya o hindi na!”

WitchcraftWhere stories live. Discover now