Tale 24

25.9K 953 68
                                    


Tale 24

The Life of an Alchemist

~Louie~


"Andami naman nitong ipinapagawa ni Professor Markulov.." nakasimangot kong reklamo habang abalang naghahalo ng ibat-ibang kemikal.


"Wag ka na lamang magreklamo Louie.. Exam week ngayon kaya kailangan na natin itong matapos ngayong araw. Tsaka tingnan mo si Jaden, malapit na syang matapos." Saad ni Francis


Agad akong napatingin kay Jaden. Seryosong-seryoso ito sa kanyang ginagawa.. Isa syang scholar kaya naman masyado itong seryoso sa pag-aaral.. Ito din ang pinakamahusay sa aming klase.. Naalala ko pa na noong ganapin ang Game of Storms ay sya lamang din ang alchemist na nagawang makalikha ng ipo-ipo..


Malaki ang kaibahan ng mga alchemist at mage.. Karaniwan sa mga nobles na walang magic ay nag-aaral ng alchemy, necromancy, o mga courses mula sa department ng SMAW..


Ang mga alchemists ay eksperto sa paglikha ng mga gamot.. Ayon sa mga aklat ng pag-aaral, mayroon ding mga alchemists sa mundo ng Gaia, tinatawag silang mga Pharmaceutical something, err parang ganun, pero ang mga gamot na nililikha sa mundong iyon ay 5% lamang ang purity.. Samantalang dito sa mundo ng Aralon, 30% ang pinakamababang purity ng mga gamot.. Yun ang rason kung bakit mas mahaba ang buhay ng mga taong naninirahan sa mundong ito..


Ang mga alchemist ay mayroong mga ranggo di tulad ng mga mages. May limang ranks ang mga alchemists. Apprentice Alchemist ang tawag sa mga taong nag-aaral ng alchemy. Experts naman ang tawag sa mga taong nakapagtapos na ng pag-aaral at nakakapag-perform ng alchemy at nakakapag-produce ng mga medicinal pills na may 30% purity. Majority ng population ng mga alchemists sa buong Aralon ay mga Experts. Ang mga Master Alchemists naman ay mga alchemists na bukod sa may abilidad sila na mag-produce ng 60% pure medicinal pills, mastered din nila ang art of elemental manipulation. Mataas ang posisyon ng mga Master Alchemists sa isang guild at iilan lamang sila. Then there's Grandmasters, sila yung may kakayahang mag-produce ng 90% pure medicinal pills at kayang magperform ng art of elemental manipulation at kayang i-imitate ang mga general magic ng mga mage. Mabibilang sa dalawang kamay ang bilang ng mga Grandmasters sa buong Aralon, at karaniwan ay may mataas silang posisyon sa lipunan. At ang huli ay ang Alchemy King, they can produce perfect medicinal pills, they have abilities on par with mages and they only exists in legends, wala pang kahit sinong alchemy ang nakakaabot sa posisyon na ito sa buong kasaysayan ng Aralon..


Sa ngayon ay mga Apprentice Alchemists pa lamang kami.. At nag-aaral pa ng mga basic.. Pero dahil may pambihirang kakayahan si Jaden sa alchemy, mataas tuloy ang expectation sa kanya ng aming mga professors.. Noong entrance exam kasi ng school ay nakalikha sya ng isang medicinal pill na may 20% purity and effectiveness.. Five percent purity lamang naman ang requirement sa entrance exam kaya nakapasa ako noong makalikha ako ng medicinal pill na may 8% purity.. hehe


"Sya nga pala Jaden, bakit pareho kayo ng gupit ng buhok ng kakambal mong si Javen??" usisa ko para abalahin at kulitin si Jaden


Hanggang balikat kasi ang golden blonde na buhok ni Jaden. Kulay berde naman ang kanyang mga mata at tan ang kulay ng kanyang balat. Muka silang pinagbiak na bunga ng kakambal nyang babae!

WitchcraftWhere stories live. Discover now