Tale 70

22.1K 926 207
                                    

Tale 70
Gathering of Heroes

"You are nothing but a CROSSROAD in this journey called life. So I shall continue moving forward, knowing that somewhere out there, someone I can call mine is also wondering where on this world am I."
-from the script TheTravelerInTheSea by Lana Cross

"Princess are you sure about this?" tanong ni Azul kay Charmaine

"Absolutely." Monotone na tugon ni Charm.. Ilang ulit na ba syang tinanong ng binata??

"Isnt this cheating?" tanong ni Miya

"How is this cheating? The princess is part of the new generation! She can participate in the tournament!!" gigil ni Sylvia

"B-but-" Azul

"Just drop it Azul. Let the princess have some fun." Bored na sabat ni Denim

Natahimik na si Azul..

Bukod sa tunog ng pagnguya ni Blue sa kinakain nitong mga magic crystal, wala nang ibang tunog na maririnig sa loob ng kalesa.

Palihim na sinusulyapan nina Sylvia at Miya ang matipunong ginoo sa tabi ni Charmaine. Nakapikit ang mga mata nito at tahimik lamang sa loob ng ilang araw nilang paglalakbay. Hanggang ngayon ay misteryo pa rin para sa kanila ang totoong pagkatao ng bata at ng ginoo. Ang tanging ipinagbilin lamang ng bawat dragon ng kanilang mga pamilya ay rumespeto sa dalawa dahil may pambihira silang lakas.

Matapos mabulgar ang totoong pagkatao ni Charmaine, nagkaroon ng isang welcoming ceremony sa Azure City. Matapos madiskubre ang kalagayan ng mga Ice Dragon sa kanilang clan, ilang mahabang sermon ang inabot ng bawat pamilya. Sa kasalukuyan ay unti-unti nang nasasanay ang angkan sa bagong estado ng mga Ice Dragon, sila ang totoong pinuno. Sino ang makakaangal matapos ilampaso ni Charmaine ang bawat dragon ng kanilang angkan sa kanyang initiation?

"So this is Tamourra.." saad ni Charm habang nakatanaw sa labas ng kalesa

Makalipas ang ilang linggo ay magaganap na ang Intercontinental Arena of Heroes sa bayan ng Tamourra na nasa pinakapuso ng kontinente. Ito ay lupaing sakop ng angkan ng Black Turtle Clan.

Dahil dito ay naglakbay sina Charmaine at ang iba pang top five patungo sa bayan ng Tamourra. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala na nais ng Dragon Princess na ipagpatuloy ang paglahok sa kompetisyon. Isn't this bullying? She could easily defeat the ancient dragons of their clan, if she's not planning to bully the other participants, then what is she thinking by joining? Hindi pa din nila maunawaan kung ano ang totoong pakay nito.

Honestly, Charm is just bored. Nadiskubre nya na kahit ang mga ancient dragon ay walang alam na paraan kung paano sya makakabalik sa Aralon. Napagdesisyunan ni Charm na pansamantalang tulungan ang mga Ice Dragon na muling isolidify ang kanilang pwesto. Charm also discovered that she have another cousin in this world, Hamara. Charm's grandmother and Hamara's grandfather are siblings. Hamara is the only pure ice dragon on the clan, Charm is thinking of making her in charge once she leave.

"Master marami bang masasarap na pagkain sa lugar na ito??" curious na tanong ni Blue habang nakatanaw sa labas ng bintana

Tumango lang si Charm. Hindi sya sigurado, pero dahil kumakain naman si Blue ng kahit ano, siguro naman hindi sya mahihirapan humanap ng ipapakain dito, diba?

"Blue gusto mo pa ba ng magic crystals?" usisa ni Miya sa bata habang hawak ang isang kulay asul na magic crystal.

Agad namang tumango si Blue habang nagniningning ang mga mata.

WitchcraftWhere stories live. Discover now