Tale 60

24K 853 99
                                    

Tale 60
Different Paths


Be as flexible as Earth. Be as hard as a rock against the world. Be as firm as a mountain against the wind. Be as giving as the soil to a plant. Be as soft and accepting as a mud when you die.”
-WizardInTraining, a guide to Wizardry by Helena Fox


Maaliwalas ang panahon. Masigla ang bawat tao. Tila wala silang inaalalang mga problema. Isa lamang itong pangkaraniwang araw sa DresRossa, ang syudad na tinaguriang City of Love ng Aragon.

Sa isang parte ng syudad, ilang aspiring mages ang makikita na magkakasama. Ngayon ang semi-annual recruitment ng mga guild ng Aragon sa syudad ng DresRossa. Makikita na may ilang mga Rogue Mages na umaaligid sa lugar, umaasa na may makakitang guild sa kanilang potensyal. Subalit asa sila! Tanging mga passers lamang ng Licentiam Exam ang nirerecruit ng mga guild!

Organized ang bawat pila ng mga mage sa nais nilang salihang guild. May pitong magic guild ang kaharian ng Aragon, ang guild na Jinx Clover ang kinikilalang number one sa buong Aragon. Ikalawa ang Onyx Anchor. Ikatatlo sa ranking ang Violet Thunder. Ang ikaapat ay ang Golden Fangs, ikalima ay ang Cerulean Knights, ikaanim ay ang Swift Stallions at ang nasa ikapitong pwesto ay ang Black Sheeps.

Kapansin-pansin ang concentration ng bilang ng mga mage sa pila para makasali sa Jinx Clovers. May maganda itong reputasyon at pangarap ng lahat ng mage ng kaharian ng Aragon na mapabilang dito. May mga mage din naman na mas realistic mag-isip kaya sa mas mababang guild na lamang sumusubok mag-apply.

Subalit taliwas sa anim na guild, tanging sa Black Sheeps lamang walang sumasali kahit isang mage.

“It’s too lively over there! Ano ba ang meron sa ibang guild na wala tayo? Sabi ko naman kasi sa inyong magsmile kayo! Smile! Muka kayong mga goons kaya walang lumalapit satin!” nakasimangot na tanong at reklamo ni Alfina, isang Rank A witch ng Black Sheep.

“Shatap b*tch!” tugon ni Sabino, isang rank B wizard ng black sheep. Black from head to toe ang kanyang kasuotan at nababalot ng tattoo ang kanyang katawan.. Nakakunot ang noo nito at mukang galit sa mundo.

“Kanina pa Kong nakasmile. Pero lalo lang lumalayo ang mga tao.” Reklamo ni Alfred, isang rank C sorcerer

“Muka ka kasing serial killer Alfred. Hihi.” Saad ni Lucia, isang maliit na babae na may hawak na teddy bear at kitchen knife sa mag kabilang kamay. Isa syang Rank B wizard ng Black Sheep.

“Mas nakakatakot ka Lucia. Muka lang drug pusher si Alfred, pero ikaw mukang papatay.” Saad ni Alfina

“Hihihi.” Lucia

“Nasaan nga pala si Boss?” tanong ni Alfred

“Na-jingle sa kung saan.” Alfina

“Baka kung saang beer house na yun napadpad.” Alfred

“O di kaya naman nambababae lang.” Sabino

Kilala ang Black Sheep bilang isang guild na puno ng mga weirdo. Sila ang nasa dulo ng ranking sapagkat may napakapanget silang reputasyon. Mas marami pa silang nasisira kaysa naaayos sa bawat misyon. Bawat isa sa guild ay may hindi magandang reputasyon. A band of misfits. Ito ang reason kung bakit mababa ang ranking ng bawat isa sa guild. Masyado silang destructive kaya kakaunti lamang ang nagbibigay sa kanila ng job offer.

Sa kalagitnaan ng nagaganap na recruitment ay isang babae ang makikitang naglalakad patungo sa mga myembro ng Violet Thunder.

“I want to join your guild.” Declare ng babae

“Thank you, but please fall in line.” Sagot ni Valerie, mage ng Violet Thunder

“No, masyadong mahaba ang pila. Ganitong-ganito din ang sitwasyon noong nag-audition ako sa Bahay ni Kuya six years ago. Hindi ako nakapasok kaya nasayang lang ang effort at oras ko. But don’t get me wrong, I don’t wanna cut in line. Kailangan lang talaga.” Sagot ng babae, si Aliya

“Oyy kapal ng muka mong sumingit sa pila!” reklamo ng isang mage

“I'm not doing this because I want to. I need to do this.” Sagot ni Aliya

“Kailangan pumila lahat! Sino ka sa palagay mo? Isa sa top 100? Pffft. Feelingera!”

“I heard may privilege ang top 100 na sumali sa kahit aling guild, I want to join Violet Thunder.” Saad ni Aliya kay Valerie

“Mga pre, nahihibang na ang isang ito. Feeling nya ata talaga nasa top 100 sya.”

“Joke ba yun. Bakit naman lilitaw dito ang mga mage ng top 100.Feelingera ang isang yan.”

“Hoooyyyy! Kung nakapagsalita kayo parang wala ako dito sa harap nyo ahh!” reklamo ni Aliya

“Pikon!”

“Baliw ata isang yan.”

“Mas bagay sya sa Black Sheep. Nandun ang mga weirdo.”

“Oo nga. Dun ka na lang sa Black Sheep. Tutal parepareho kayong weird.”

Napabuntong hininga si Aliya. “Ang lakas ng loob nyong mang-okray, bakit, sigurado na ba kayong makakapasok talaga kayo sa guild na ito? Wala pa kayong nararating ang dami nyo na agad satsat. Tsaka sino kayo sa palagay nyo para maliitin ang Black Sheep? At least ang mga mage dun may napatunayan na, guild members na sila. Kayo? Mga aplikante pa lang. Hindi uunlad ang guild na sasalihan nyo kung puro kayo salita lang, tsk.”

“Abat! Lakas ng loob mo mangsermon! Bakit? Sino ka ba?!”

“Ako lang naman si Aliy—” nabitin sa hangin ang sasabihin ni Aliya noong tumilapon papalayo ang kabangayan nya..

“Nice going young lady! I like your attitude! Simula ngayon member ka na namin!” masayang saad ng isang lalaking nakasando at beach shorts, may sigarilyo ito sa bibig at magulo ang buhok, may tattoo ito sa braso pati na rin sa gilid ng kanyang muka, balbas-sarado din ito kaya Hindi maiwasang maisip ni Aliya na baka isang drug addict or pusher ang lalaki. Sya ang tumulak papalayo sa kabangayan ni Aliya, lumipad ito sa kung saan sa sobrang lakas ng lalaking ito.

“Boss! Saan ka galing?” tanong ni Alfina na agad lumapit

“Boss sino yang chix na nirerecruit mo?” si Alfred

“W-wait.. Sino kayo?” tanong ni Aliya

“May bago na tayong recruit! Yehey!” masayang saad ni Lucia na dinedma ang tanong ni Aliya

“Tara nang umuwi!” Alfina

“Let's go.” Saad ng lalaking nakasando, ang guild master ng Black Sheep.

“Home, here we come!” excited na saad ni Alfred at saka nag bukas ng teleportation portal.

“Waaahhh! Wait lang! Sa Violet Thunder ako sasali. Sino kayo?!!!” reklamo ni Aliya

Pero wala na syang nagawa noong binitbit sya na parang sako ng guild master ng Black Sheep.

At tuluyan na silang naglaho. Naiwan ang lahat na gulantang.

“Shit. Kawawa naman yung weird na babae. Sapilitan pala ang recruitment ng Black Sheep. Mabuti na lang Hindi ako ang naisip nilang kidnappin!”

“Nakita nyo ba yung magic ni Alfred Sandler? Ang cool! Sobrang talented daw yun sa general magic, lalo na sa teleportation magic. Ang problems lang, sobrang womaniser daw ang taong yun! Balita ko marami daw syang itinatagong anak! Nananatili syang bachelor para makapambabae pa!”

“Grabe naman. Totoo ba yan?”

“Oo! Nabalitaan ko din yan!”

“Nakakatakot tingnan si Sir Sabino Scar, parang may galit sya sa mundo.”

“Shhh! Tabboo topic si Sir Sabino!”

“B-bakit?”

“Hindi mo alam? Saang kweba ka galing?”

“.....”

“Tsk. Si Sir Sabino ang dahilan ng pagkawala ng Forest of Gnomes. He destroyed everything and killed every living beings there! Pitong taon syang ikinulong sa royal dungeon! Ang sabi nila hindi napatunayang guilty, pero pinarusahan sya na magsilbi sa bayan sa pamamagitan ng pag gawa ng mga mission bilang member ng Black Sheep.”

“I-isa syang ex-convict?”

“Nakakatakot naman ang mga lalaking member nila.”

“Pero ang ganda ni Lady Alfina sa malapitan. Muka syang isang babasaging porselana.”

“Siraulo! Babasaging porselana? Marami nang binasag na muka si Lady Alfina kahit noong nasa Aurum Magique University pa sya. She specialises in Enhancing Magic, isa syang bangungot para sa mga kalalakihan.”

“Ang creepy nung kasama nilang batang babae.”

“Si Lady Lucia Rindford yun, balita ko may sayad sya sa utak. Palagi syang nakangiti, nakita mo ba yung hawak nyang kutsilyo? Palagi nya yung itinatarak sa puso ng mga nakakalaban nya. Balita ko ginamit nya yun para gilitan ng leeg ang mga nakalaban nya sa Magic Duel ng Licentiam Exam three years ago. Naka-smile pa sya habang ginigilit ang leeg ng mga biktima nya. Ang creepy nya putcha! Kinikilabutan ako!”

“Pero sino yung mukang tambay? Yung nakasando?”

“Seryoso ka ba pre? Si Sir Lennox yun! Ang Wizard of Death! Sya ang guildmaster ng Black Sheep!!”

“Sya ang may pinakamasamang reputasyon sa guild nila. His magic is the curse of death. Wala pa, as in wala, ni isa, na nabuhay sa lahat ng mga nakalaban nya! Dati syang member ng isang Dark Guild at nagbagong buhay lang daw. Pero hanggang ngayon, pinagdududahan pa din sya ng lahat. Isa sya sa Six Titans of Dark Magic, nahuli sya at napasuko ng Witch of Carnage ten years ago, ngayon ay naglilingkod na sya sa Aragon bilang guild master ng Black Sheeps.”

“S-six Titans of Dark Magic?? Hindi ba alamat lang sila? Sila ang pinakakilabot na wanted criminals sa buong mundo!”

“Totoo sila! Si Sir Lennox ang patunay!”

“Hoy kayo! Tama na yang tsismisan!” saway ni Falomina, ang rank S witch ng Jinx Clovers.. Kadarating nya lamang. Na-late sya dahil sa pagto-tour kay Astrid sa kanilang guild.

Agad namang natahimik ang mga mage. Kilala nila si Falomina Sola Walker, ang Witch of Terror, alam ng lahat na strikta ito, ito ang personipikasyon ng moralidad at tamang asal. In short, KJ ito.

“What did I miss?” tanong ni Falomina sa mga kaguild member nya

“May new recruit ang Black Sheeps.”

“That's new. It's been two consecutive years noong huli silang nagkaroon ng recruit.” Falomina

“Speaking of new recruit, nabalitaan mo ba? Sumali sa Onyx Anchor ang Witch of Slaughter. Isn’t she your little sister? Si Flay?”

“Yeah. Nabalitaan ko nga. She's a free spirit. Hindi nya gustong sumali sa guild natin dahil nandito kami ni ate Felicia. Sasakit lang ang ulo namin kung satin sya sumali.” Nailing na sagot ni Falomina

“Haha akala ko pa naman marerecruit natin sya since nandito kayo ni Felicia. Sayang naman haha.”

“Trust me, mas mabuti na ito. That girl is a trouble maker.” Sagot ni Falomina. She doesn’t hate Flay. In fact, she values her dearly. Masaya sya sa mga achievements nito. Plus, Flay will find it awkward if she join the same guild where they are. Besides, Flay loves her freedom, Falomina is too strict on her so things are fine the way they are now

“Anyway, sino yung bagong recruit ng Black Sheep?” Falomina

“I have no idea “

“She’s probably strong. Sir Lennox have a good eye for talent.” Falomina

“Tama ka. Tatlumpu’t walo lamang ang myembro ng Black Sheep. Kumpara sa guild natin na mayroong limangdaang myembro at sa Onyx Anchor na may walong daan, tila isang pitik lamang ay madudurog na sila. Subalit Mali tayo. Everyone in that guild are monsters.”

Tumango si Falomina, naging seryoso ang ekspresyon nya. “Lalo na ang guild master nila, mas makapangyarihan sya kesa sa guild master natin.. He look dumb and act dumb all the time, but he's part of the top 25.”

“A real monster.”

***

Samantala, natagpuan ni Aliya ang sarili nya sa harap ng isang tagpi-tagping palasyo.

“Where are we?” concern na tanong ni Aliya.. For some reason ramdam nyang mas malakas sa kanya ang lalaking nakasando.

“Black Sheeps' Headquarters!” masayang tugon ni Alfina

“Black Sheeps??” tanong ni Aliya

“Member ka na namin ngayon! You're a mage right?” masiglang tanong ni Alfred

“Yes.” Aliya

“Good! I hope you can bite, not just bark. Cause this, little girl, is hell.” Nakangising saad ni Lennox, ang guild master, saka nito binuksan ang malaking pinto.

Makalat at magulo sa loob ng palasyo. As expected.

May mga taong nagbabatuhan ng apoy. May abalang naglalaro ng video games. May babaeng lumalaklak ng alak sa isang lamesa. May nagbaballet sa isang sulok. May babaeng nagbabasa ng isang libro habang lumulutang sa ere. May mga nagbabasketball. May matabang lalaki na kumakain ng napakaraming pagkain sa isang sulok. At kung ano-ano pa.

“Is this really a guild?” tanong ni Aliya

“Of course.” Sabino

“We just live our lives as free as a bird.” Alfina

“This looks fun!” Aliya

“Glad to hear that..” Lennox

Nagniningning ang mga mata ni Aliya. This place is perfect! No rules! All fun!

“SHEEPS!!!!!” kuha ni Lennox sa atensyon ng lahat.

“Bossssssssss!!!!” excited na bati ng lahat. Agad nilang binitiwan ang ginagawa nila at masayang sinalubong ang mga bagong dating. Agad nilang dinambahan si Lennox.

“I get it. You all love me. But f*ck off! I hate warm hugs! It's summer!” galit na bulyaw ni Lennox at nagtawanan lamang ang lahat.

“Yiiieeeeh! Shy si boss!” kantsaw ng isa

“You're back early boss!!” saad ng isa

“Huhulaan ko, walang gustong sumali sa guild natin noh? Hahahahaha!”

“Mga duwag silang lahat! Ang saya kaya dito! Bwahahahahaha!”

“Tsk. Don’t jump to conclusions! May na recruit kaming isa!” Alfred

“Ehhhh?”

“May nalinlang kayo? Sinong uto-uto ang naloko nyong sumali satin?”

“Kinidnap lang sya ni Boss! Hihihi!” Lucia

“Pffft.. Sinong tanga ang magpapakidnap ng ganun lang?”

“Hi!! Ako ang tangang tinutukoy mo!” masayang bati ni Aliya at napalingon sa kanya ang lahat

“Babae ulit? Boss babaero ka talagang g*go ka. Ang hilig mo mag-uwi ng babae dito!”

“Oyy Miss, sigurado ka ba? Sasali ka sa guild namin? Mukang matino kang tao, kung ako sayo tatakas na ko habang may panahon pa. Nakakahawa ang kabaliwan ng mga Tao dito!”

“But I like craziness!” Aliya

“I think she's crazy. Bagay sya sa guild natin! Hahaha!”

“Kung desidido ka na, kailangan mong dumaan sa initiation!”

“Anong klaseng initiation?” Aliya

“Pipili ka ng isa sa amin na sa tingin mo ay kaya mong talunin. Isa lang ok?”

“Okay. Then?” Aliya

“Kailangan mo lang makasurvive sa tatlong atake nya!” Alfina

“Tatlo lang? OK, then gusto Kong makaharap ang guild master! He's stronger than me! So I wanna challenge him!” Aliya

“F*ck. This girl is crazy.” Bulong ni Alfred

“Hindi pwede si Boss. Sure dead ka kapag hinarap mo sya.” Alfina

Nag-pout si Aliya. Nadisappoint sya sa narinig. Gusto nyang makalaban ang boss!

“I accept.” Sabat ni Lennox

“Huuuuuuuh?” nagulantang lahat

“Ehhhhhh?” excited na tanong ni Aliya

“Boss maawa ka. Bata pa sya. Malayo pa ang mararating nya..” Alfred

“This is going to be a good show! Hihihi!” Lucia

“You just have to defend from an attack. Just once. Then you'll pass.” Lennox

“Ok!” Aliya

“Now defend!” nakangising saad ni Lennox saka bumunot ng espada sa hangin

“What? Now na?!” gulat na react ni Aliya

Agad lumayo ang lahat.

Dalawang malakas na pwersa ang nagbangga. Nagliparan papalayo ang mga kagamitan sa loob ng silid.

Noong maging malinaw sa lahat ang sitwasyon, nakita nila si Aliya na may hawak na kahoy na espada. Nagawa nyang sanggahan ang espada ng kanilang guild master.

Nalaglag sa lupa ang panga ng lahat.

Paano nangyari yun?

“Wood huh? Your elemental attribute is one of the rarest elements out there.” Puna ni Lennox

“Muntik na Kong mamatay. Huhuhu.. Swear, nakita ko ang buong buhay ko na nagflash sa harap ko! Mabuti na lang hindi ako natuluyan, my gods!” Aliya

“Good job!” Lennox

“So did I passed?” Aliya

“Yes.” Lennox

“She’s a monster. May panibagong halimaw nanaman tayong myembro! Yehey!” Alfina

“So what's your name?” tanong ni Lennox

“Aliya Montregomie! The council gave me the title Witch of Avarice. I don’t know what it means though.” Napapaisip na tugon ni Aliya

“Avarice. Noun. A strong desire to have or get money.” Sabat nung nerd na babaeng may hawak na libro, palutang-lutang sya sa ere.

Natigilan si Aliya... “Whaaaaat?! Yun ang meaning nun?! Bakit ang cool ng title ng mga kaibigan ko? Bakit yung sakin parang pinapalabas na muka akong pera? My god!” Aliya

“Witch of Avarice? I think I heard that somewhere? Pero parang impusible na ikaw yun. Parang yun yung title ng isa sa mga bagong mage ng top 25. Impusible naman na ikaw yun he he.” Alfred

“Huh? Actually ako yun. Hehe.” Aliya

“W-what???” lahat

“Hindi lang obvious pero ako ang current top 23, Aliya Montregomie, nice to meet you everyone!” Aliya

“Sheet boooooss! Malaking isda ang nabingwit natin ngayon!” Alfred

“Sya na ba? Sya na ba ang pag-asa para muling maitayo ang bandera ng Black Sheeps??”

Hinawakan ni Lennox ang balikat ni Aliya. “Welcome to the guild, Sheep.”

“Hehe yes boss!” mabilis na tugon ni Aliya

***

Samantala, ang Order of the Wind ang kinikilalang number 1 guild sa buong kaharian ng Ventus. Tinitingala sila sapagkat mayroon silang upright at virtues na reputasyon.

Sa gitna ng isang ring, isang babae ang makikitang nakatayo. Napalilibutan sya ng mga taong walang malay.

“Is that good enough?” tanong ni Tanisha

“Yes!” excited na tugon ng guild master ng Order. Nagawang patumbahin at i-knock out ni Tanisha ang pinakamalalakas na mage ng guild nila!

Si Alfons ang Wizard of Hail ang guild master ng Order of the Wind. Sya ang top 83 sa Tree of Origin. Masiyahin at easy-going sya kaya nasstress maging ang mga guild members nya sa kanya.

“Magnifico! Your magic is soooooo astounding! Bravo! Bravo!” -Alfons

“Ahh? Thanks?” Tanisha

“She's so awesome!”

“She’s also using wind magic like me, but her magic is truly terrifying!”

“Idol!!”

“Woohooooo!!”

“She’s from that village? Yung Dragon Village na nagsasacrifice ng mga Tao sa dragon god nila? Yung sa urban legend? Nakakatakot naman.” bulong ni Victoria sa kaibigan nya

“Shhh.. Kawawa nga sya.. I heard someone massacred her entire village two years ago. She's a really strong minded person to recover from that.” Sagot ni Celestina

“But she's still scary.” Victoria

“Yes, but more than that, I admire her. She's really strong. Not just as a mage, but as a person.” Celestina

“Y-you really think so? T-then maybe we should try to befriend her?” Victoria

“Let's do that!” Celestina

***

Samantala, sa kaharian ng Uddara, kinikilalang number one ang guild na Heaven's Will. Ang guildmaster ay isang matandang lalaki, si Sir Gustavo, ang Sorcerer of Aesthetics, top 57 sya sa Tree of Origin. Subalit dulot ng katandaan ay nangangamba ang lahat para sa kanilang guild master.

Ngayong araw ay isang bagong recruit ang umagaw sa atensyon ng lahat. Isa sa mga mage ng top 25 ang sumali sa kanilang guild! Ang Witch of Rebirth! Si Javen Lambert!

“Ang husay nya. Balita ko isa syang healing mage, normally mga mage lang na mahusay sa offensive magic ang nakakapasok sa top 100, pero isang milagro ang ginawa ni Lady Javen!”

“Magagawa nya kayang tulungan ang guild master?”

“Hopefully. She's our only hope!”

Sa pribadong silid ng guild master, makikita na nakaupo si Javen sa isang upuan na maraming palamuting mga bato. Kapansin-pansin na ang silid ay may kakaibang palamuti at desenyo. May mga mamahaling paintings na nakasabit sa pader. Halata na pinag-ukulan ng oras at atensyon ang silid na ito. Tunay na nababagay sa guild master ang kanyang titulo. Sorcerer of Aesthetics!

Sa harap ni Javen ay ang kama kung nasaan ang matanda, umuubo pa ito at halatang nahihirapan. Subalit sa pagitan nila ni Javen ay may kurtina na gawa sa mamahaling tela. Dahil dito ay hindi nakikita ni Javen kung ano ang itsura ng guild master.

“Naipaliwanag na po saakin nina Sir Hector (guild member) ang sitwasyon. Nangangamba sila sa inyong kalagayan sapagkat limang taon na kayong Hindi nagpapakita sa kanila. May dinaramdam daw po kayong malubhang karamdaman?” tanong ni Javen

Hindi tumugon ang guild master.

Napapaisip si Javen. Masyado na bang malubha ang karamdaman ng guild master kaya hindi na ito makatugon?

According sa mga members ng guild hindi daw sumasang-ayon ang guild master na magpatingin sa doctor kaya naman nababahala ang lahat.

Mahigit isang daang taong gulang na ang guild master kung kaya nakakabahala ang health condition nito. Hanggang ngayon ay hindi pa din maunawaan ng lahat kung ano ang karamdaman ng kanilang guild master.

“Master, nais kong marinig mula sa inyo kung ano ang nararamdaman nyo. Mula sa mga sasabihin nyo ay maaari akong magkaroon ng clue sa inyong karamdaman. Hindi ko kayo matutulungan kung Hindi nyo susubukang tulungan ang sarili nyo.”

Subalit nanatiling tahimik ang silid.

Naggsisimula nang mangamba si Javen. Masyado bang malubha ang nararamdaman ng kanilang master?

“Master, ipagpaumanhin nyo, subalit kailangan kong makita ang kalagayan m—” akma na sanang bubuksan ni Javen ang kurtina noong bigla ng sumabat ang isang tinig

“W-wag!” pigil ng isang mahina at tila gasgas na tinig

“Master?” nagulat si Javen.. Ito ba ang nagsalita?

“Wag mong bubuksan ang kurtina.” Tugon ng gasgas na tinig

“Subalit kailangan kong makita ang kalagayan nyo, sa ganoong paraan ko lamang kayo matutulungan.” Javen

“Wala akong karamdaman! Lumabas ka na!” umubo ito.. “Hindi mo ko---” umubo ulit ito.. “—kailangan tulungan!”

Hindi kumbinsido si Javen. Ano ba talaga ang problema?? Tila may naramdaman ito pero bakit ayaw nyang ipaalam sa iba? Bakit ayaw nyang magpakita?

“Master alam Kong nagsisinungaling ka. Mayroon kang ubo, pusibleng may komplikasyon ka sa baga.” Javen

“Wala akong karamdaman!”

Hindi na alam ni Javen ang gagawin. Hahayaan nya na lang ba na ganito ang guild master? O susuwayin nya ang kagustuhan nito? Ano ang itinatago nito? Bakit ayaw nitong magpakita sa ibang tao?? Inilibot ni Javen ang paningin sa kabuuan ng silid, naghahanap sya ng clue. Puro magagandang kagamitan, muwebles at palamuti ang laman ng silid. Obvious ang obsession ng matanda sa magagandang bagay. For sure ay nakaaangat din ang itsura nito kesa sa mga average mage. Ano kaya ang itsura nito?

Biglang natigilan si Javen sa isang ideya na sumagi sa kanyang isipan. Pusible kaya na yun ang rason??

Tumikhim ng ilang ulit si Javen.. “Master, may katanungan ako.”

No response.

“Ang Council of Magic ay nagbibigay ng titulo sa mga mage depende sa kakayanan, ugali o di kaya ay asal nila. Bilang Sorcerer of Aesthetics, maaari ko bang i-assume na mahilig po kayo sa magagandang bagay? If yes, ang dahilan po ba ng Hindi nyo pagtugon sa aking mga katanungan kanina ay dahil sa boses nyo? Dahil panget itong pakinggan?” tanong ni Javen

After banggitin ni Javen ang word na ‘panget’ ay agad natriggered ang guild master. “Sinong tinatawag mong Panget?! May ubo lang ako! Dahil lang ito sa ubo! Ubo lang!!”

“Paumanhin po.. Ibig sabihin po ba ay tama ako? Dahil may ubo kayo ay Hindi nyo nais gamitin ang inyong tinig?” Javen

“Hmmmp!” lang ang tugon ng matanda

“Mawalang galang na po, isa lamang itong theorya, pusible po ba na may nangyaring Hindi kaaya-aya sa inyong muka kaya kayo nagkukubli sa likod ng kurtina?” tanong ni Javen

Nabalot ng awkward silence ang silid.

Tama ba sya ng hinila?

May nangyari bang aksidente sa muka ng guild master? Or could it be an enemy? Pero kung normal na sugat o peklat lamang ang itinatago ng guild master, bakit Hindi ito gumamit ng mahika para paghilumin o pagalingin ang sarili? Pusibleng ba na isang sumpa ang ginamit sa kanya kaya Hindi malunasan?

Maraming pusibilidad ang sumagi sa isipan ni Javen.

“You’re a sharp one. But like I said, hindi mo ako matutulungan.”

“How would you know that? Hindi pa naman natin nasusubukan? I know ancient spells to restore one's beauty that was consumed by fire. As well as spells to erase scars made by any type of magical weapons. Or even spells to lift up curses. I'am pretty confident on my abilities so please allow me to help you.” Saad ni Javen.. Malakas ang loob nya na sabihin ito sapagkat personal syang minentor ni Eclipse, ang goddess of alchemy and healing magic, also known as the goddess Altha.

Natahimik ang guild master. Maging sya ay naiimpluwensyahan na ng confidence sa tinig ng dalaga.

Nabalot ng katahimikan ang silid.

Nag-iisip ang guild master. Hindi sya makapagdesisyon. Dapat ba syang magtiwala? Ilang taon na syang nagtitiis. Nais nyang muling masilayan ang kagandahan ng mundo. Subalit dahil sa kundisyon nya ay hindi nya maatim na harapin ang mundo gamit ang kanyang kagandahan na nagkaroon ng stain. Dapat pa ba nyang tanggihan ang alok ng dalaga na tulong? Hindi ba at sya din naman ang makikinabang? Subalit paano kung pumalpak ang babae? Hindi nya maaatim kung makikita sya nito sa sitwasyon kinasasadlakan nya!

Javen patiently waited for his decision.

“F-fine! I'll allow you to help me.”

“I’m glad to hear that.” Saad ni Javen. She genuinely care for people who needs help. She aspires to be the greatest witch doctor after all.

“Just promise that no matter what you see, you shall not speak of it to any other soul.”

“Of course.” Javen

“Good.”

Marahang hinawi ni Javen ang kurtina. Ano kaya ang itsura ng guildmaster? May peklat ba ito sa muka? Natapunan ng asido? Nasunog?

Subalit taliwas sa kanyang hinala ang tumambad sa kanya.

Isang mala-anghel na nilalang ang nakaupo sa kama. Napakaperpekto ng hubog ng muka nito. Mapupungay ang kanyang mga mata. Napakakinis pa ng kutis! Ito na ba ang guildmaster?! Hindi ba at dapat kulubot na ang balat nito at uugod-ugod na? Bakit muka itong supermodel?

Napaawang ang labi ni Javen. Ano ang problema nito? Bakit ito nagtatago?

“Wag mo kong tingnan! Ito na ang pinakapanget Kong kalagayan! Oh the shame!” madramang saad ng lalaki. Gwapo na sana, OA lang.

“Ahh, mukang hindi kita matutulungan. Lalabas na lang po ako ng silid.” Monotone na saad ni Javen... Feeling nya nauto sya ng guild master. Pinaglololoko yata sya nito.

“Huuuuh? Sabi mo ay tutulungan mo ko? Saan na napunta yung confidence mo?”

“Ipagpaumanhin nyo po, pero wala po akong nakikitang problema sa itsura nyo.” Javen

“WALA?? PAANONG WALA? HINDI MO BA NAKIKITA ITONG WRINKLES SA GILID NG KANAN KONG MATA?! ILANG TAON KO NA ITONG INIINDA! PAANO KO HAHARAPIN ANG MUNDO KUNG MAY KAPINTASAN NA ANG NAPAKAGANDA KONG MUKA?!”

Nagsalubong ang mga kilay ni Javen. Seryoso ba ito? Wrinkles?

“Wag mo kong tingnan na parang may mali sa sinabi ko. Ang maganda Kong muka ang aking pride. Ito ang pinakaimportanteng bagay para sakin!”

“Ok, naiintindihan ko po.” Buntong hininga ni Javen..

“Since it's more than five years simula noong lumitaw ang wrinkles sa inyong muka, I think it's safe for me to assume that you already tried all sorts of spells to erase that but failed in the end.” Javen

“Yes, yes, hindi effective ang age alteration, beautification, or kahit rejuvenation spells. Kahit i-lift ko ang protection spell ko sa aking sarili upang maapektuhan ako ng mga spells, hindi pa rin effective sa bandang huli.”

“You’ve been using those spells from a young age, am I right? I think your body already developed antibodies to counter the effect of the spells. In other words, you've grown immune.” Saad ni Javen

Hindi nakatugon ang guild master. Guilty sya. Sa sobrang addiction nya sa kagandahan, he's been using all sorts of spells to make himself pretty even as a kid.

“I cannot help you.” Saad ni Javen

“Naiintindihan ko.” Disappointed na saad ng guild master

“Bakit ka ba takot na pumanget, master?” usisa ni Javen

“Shhhh! I'll rather die than lose my youth and beauty!! I wanna be young forever!”

“But everyone will eventually grew old. That's life.” Javen

“Little girl, we are mages. We bend the law of the world with magic. I don’t wanna grow old so I will go against the heavens to remain young until I die!”

Umupo si Javen sa paanan ng kama. “Well, I’m not afraid to grow old. A lot of people never make it that far. I think we should be grateful for all the wrinkles and backache that life throw to us, it's a sign that we were given another day that other people cannot have.”

Natahimik ang guild master.

“But since every person are different from each other, I think I can understand why you have a different belief. Beauty is your pursuit in life. It's what you live for.” Saad ni Javen

Ngumiti ang guild master. “You're a weird one. But I like that!”

“Hehe thanks.. I cannot help you, but I know a way.” Javen

“R-really?”

“Have you heard about the Fountain of Youth?” Javen

“Of course. It's from the myth about the Goddess Aevetes, she's the goddess of youth and desires.”

“Yes, and she owns a fountain that grants eternal youth to anyone who gets to drink from it.” Javen

“But isn’t it just a myth?”

“Of course not! Master Eclipse once mentioned it's location before. I think that's your only chance, Master.” Javen

“B-but how will I go find something like that when I can’t even go outside?”

“I have a potion that can conceale your true appearance for a specific amount of time. The ingredients for this potion is extremely rare therefore I cannot supply this to you for long. You have to find the Fountain of Youth.” Javen

“A potion that can conceale my appearance? Will it be effective on me?”

“Of course, it's an ancient recipe from the goddess of alchemist, Altha!” Javen

Altha is a minor goddess, she's one of Eclipse' former life.

“Then everything is settled! You are now my successor!”

“Huh?!” Javen

“You heard me, girl. You are now the next guild master.”

Natameme si Javen. What the F?

So it was settled, makalipas ang limang taon ay muling nasilayan ng Heaven's Will ang kanilang guild master. And he even announce his decision. Javen will be his successor. Kakalabas lang nya ng silid noong i-announce nya na maglalakbay sya somewhere. And that's how Javen became the Heaven's Will’s Guild Master. Way to go, Javen!


~~~~~~~~~



A/N: Hi everyone! Sorry for not updating sooner. As usual, I was busy. I have work and whenever I have the time, I'm reading manga, forgive me hahaha.. Nyways, thank you for your patience. Whenever I'm losing the spirit to write a new chapter, I would reread your comments to be motivated so please feel free to voice out your thoughts. Minsan dun lang din ako kumukuha ng ideas sa mga comments nyo lol. Feel free to point out flaws cause I'm a forgetful person so there are times when I make contradicting statements haha. So in short, ako'y tao lang kaya naman kayo na lang ang mag-adjust. Maraming salamat po. Ay-lav-yu-ol.  = ̄ω ̄=

xoxo
LazyMissy13

WitchcraftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon