Chapter 38

123 4 3
                                    

RIDGE'S P.O.V.

Hanggang ngayon, hindi pa din nagigising si Lucien. Kaya hindi ko alam kung dapat na ba kong mapanatag na natapos ng maayos ang operasyon saming dalawa.

Pakiramdam ko tuloy, hindi pa rin sapat yung nagawa ko para sa kanya kasi hindi pa rin siya nagigising. Pakiramdam ko may kulang pa din at hindi ko na alam kung ano pa 'yon.

"Ridge, may bisita ka", sabi ni mommy pagpasok niya ng kwarto ko

Tumingin ako sa may pinto at umalis naman si mommy don.

"Hi", nakangiting sabi niya saka siya tumingin sakin

Hindi ako kaagad nakapagsalita at pakiramdam ko ay nananaginip ako. Hindi ko alam kung totoo ba 'to, o hallucinations lang dahil medyo nahihilo din ako.

If this is a dream, I wouldn't want to wake up ever again.

"Iwan ko muna kayo", sabi ni mommy

Saka niya ko nginitian at tuluyang lumabas ng kwarto.

Habang ang bisita ko naman ay naglakad papalapit sakin at naupo sa gilid ng kama ko.

"This... isn't a dream, right?", tanong ko

Napatawa siya ng mahina at umiling.

"You're not dreaming Ridge. I'm real", sagot niya

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at hinawakan ang pisngi niya. I can touch her— she's real.

"Hindi ka nananaginip okay? Nandito talaga ko sa tabi mo ngayon", sabi niya

Kusang kumawala ang luha sa mga mata ko. Hanggang ngayon, iisang babae lang ang makakapagpaluha sakin ng ganito. Siya lang at wala ng iba.

"Bakit ka ba umiiyak? Parang tanga 'to. Baka akalain ng mga tao dito sa bahay niyo, inaaway kita ha", sabi niya saka siya natawa ulit

I can't belive it yet. Parang kailan lang nung pinagtatabuyan niya ko at nung sinabi niyang ayaw niya na kong makita kahit kailan. Tapos ngayon, nandito siya sa tabi ko, nakangiti, tumatawa, at kinakausap ako.

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko

"Binibisita ka. Masama bang bisitahin ang kaibigan ko?", sagot niya

"Kaibigan?", tanong ko

Tumango siya sakin. Napatawa ako ng mahina. Damn, this seems surreal.

"Honestly, I came here because I wanted to say thank you for saving Lucien's life. And I'm sorry, for taking out all my anger on you", seryosong sabi niya

Hindi ako nagsalita at tumitig lang sa kanya.

"I just wanted us to be okay now. You know, even though I hated you for what you did, it won't ever change the fact tha you are a part of my life and it's not that easy to get rid of you", dagdag pa niya

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Somehow, it made my heart happy. I am happy because of the fact that, even though I do not own her heart anymore, she still thinks of me as a dear friend and that I still have a part in her life. And for me, that's enough. I am contented with that.

Siguro nga, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mamahalin ka pabalik ng taong mahal mo. Na hindi sa lahat ng pagkakataon, ang mga magkasintahang nagkakahiwalay ay magtatagpo ulit para magkatuluyan. Siguro iyong iba, nagtatagpo ulit para isara ang pinto ng dating pagmamahalan at buksan ang pinto ng pagiging magkaibigan.

I was afraid to let her go before, yes, I admit to that. I was so afraid because I know, if she comes back— it's not for me. She won't be coming back for me, but for the man she really loves. And I couldn't do anything about that.

"What changed your mind?", tanong ko bigla

"It's not a 'what' question. It should be 'who' and my answer is, Quade", nakangiting sabi niya

That man... again.

"He made me realize things", dagdag pa niya

"Gwen, you know he doesn't just see you as a friend, but he sees you as a woman", sabi ko

Tumango siya at lumungkot ang pagngiti niya. Kaya sa tingin ko, alam niya ang ibig kong sabihin. Sa tingn ko, nakuha niya ang gusto kong iparating.

"I know. We already talked about it. Just like you, I told him that I can just offer friendship", sabi niya

"Because the only one you love is Lucien", sabi ko

Tumango siya ng dahan-dahan at ngumiti.

She's smiling so genuinely and I love it. I love to see her smile like that and it makes me so damn happy.

"I'm sorry, for being selfish before", sabi ko bigla

Napatingin siya sakin at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

"I only did that because I love you so much and I couldn't let you go", dagdag ko pa

Ganun naman kasi talaga diba? Hindi lahat ng taong nagmamahal, nagpaparaya. Yung iba, kagaya ko, kahit mali na ay ipipilit pa ring lumaban kahit na alam kong talo na agad ako. Gusto ko pa rin subukang ipaglaban kasi nga, mahal ko siya.

Hindi ka naman kasi nagmamahal dun sa sigurado ka lang. Kasi kapag nagmahal ka, kailangan mong sumugal. Kapag nagmahal ka, kailangan mong subukan. Kapag nagmahal ka, gagawin mo lahat lahat para sa taong mahal mo.

"I understand it now Ridge. Siguro kung ako ang nasa posisyon mo ay ganun rin ang gagawin ko", sabi niya

Napatawa ako ng mahina.

"So, are we okay now?", nakangiting tanong niya

Tumingin ako sa kanya saka ko siya tinanguan at nginitian. Ganon rin naman ang ginawa niya. Hanggang sa iabot niya sakin ang kamay niya pero saglit kong tinitigan iyon.

"Friends?", sabi niya

Tinanggap ko ang kamay niya at—

"Friends", sagot ko

Ngumiti siya at lumapit para yakapin ako ng mahigpit.

And now, here I am, hugging the girl I love, but this time I am not her boyfriend, I am not her ex, I am not her lover, but I am her friend.

"Thank you, for coming into my life and being a part of me", bulong niya sakin

"No, thank you Gwen. Thank you because you accepted me for who I am. Thank you because you loved me even in my worst state. Thank you because you forgave me after all the mistakes I've done to you. Thank you for letting me be a part of your life", bulong ko sa kanya

Naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko dahil sa pag-iyak niya hanggang sa marinig ko na ang paghikbi niya.

"And so, I am officially letting you go baby. I wish you the happiness you deserve", dagdag ko pa

Masakit para sakin ang magparaya, pero siguro nga, hanggang dito na lang at kailangan ko nang kumawala. Siguro nga, tama na at nagawa ko na ang lahat para sa kanya. Siguro nga, hindi kami para sa isa't-isa. Siguro nga, hindi kami ang nakatadhanang dalawa.

Mahal ko siya, pero kailangan ko na siyang palayain at hayaang mapunta sa taong nakalaan talaga para sa kanya.

Mahal ko siya pero ito na ang hangganan naming dalawa.

Wish of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon