Chapter 16

146 11 0
                                    

GWENDOLEN'S P.O.V.

Another boring day to spent. Bulok na bulok na ko dito sa opisina ko at wala akong magawa sa buhay ko.

"Ma'am, nandito po si sir Dashiell", sabi ng sekretarya ko

"Ah okay, paderetsuhin mo na siya dito", sagot ko

"Yes ma'am", sabi niya at lumabas na

Napasandal ako sa swivel chair ko at napapikit. Ewan ko ba, sumasakit bigla ang ulo ko.

"Oh, masakit ba ang ulo ng ate ko?", bungad sakin ni Dashiell

Iminulat ko ang mga mata ko at ang nakangising mukha ni Dashiell ang bumungad sakin. Mas lalo yatang sasakit ang ulo ko sa lalakeng 'to.

"Look at this, pampa-goodvibes", sabi niya saka niya inabot sakin ang phone niya

Agad ko namang kinuha iyon at tinignan ang sinasabi niya. Pero gusto ko na lang yatang ibato pabalik sa kanya ang cellphone niya matapos kong makita ang pinapakita niya sakin.

"Alam mo, konti na lang bibingo ka na sakin", iritadong sabi ko sa kanya

Inirapan ko siya at binato sa kanya ang cellphone niya na kaagad naman niyang nasalo. Tinawanan niya lang ako habang lumalayo mula sakin.

"Malay mo ate, ito talaga ang nakatadhana para sayo. Tsaka malay mo, ginawa ni Quade 'to para mapalabas ka sa lungga mo", natatawang sabi ni Dashiell

Paano ba naman kasi? May nilabas na article at nakalagay dun na on search sila sa paghahanap ng bagong leading lady ni Quade para sa upcoming movie niya.

"I don't have time for those Dash. Kaya pwede ba? Tantanan mo ko", sabi ko sa kanya

"Bakit ba ang sungit sungit mo kapag si Quade ang usapan ate? Bitter ka?", pang-aasar niya sakin

"Hindi! Ano namang ikakabitter ko diyan!? Naging kami ba!?", sigaw ko sa kanya

At mas lalo pang lumakas ang tawa ng hinayupak kong kapatid!

"Chill, galit na galit gustong manakit ate? Hahahahaha! 'Wag kang defensive nako", tumatawang sabi niya

Napabuntong-hininga na lang ako at napapikit sa sobrang inis. Ewan ko ba, ang bilis kong mabwisit ngayon.

"Oh siya, alis muna ako ate ha? May lakad ako ngayon eh. Kumain ka na ha? Don't you dare skip meals", sabi niya

Tumango ako bilang pagsagot. Lumapit naman siya sakin at hinalikan ako sa noo bago siya tuluyang umalis.

Ewan ko ba diyan, graduated na't lahat lahat pero walang ginagawa. Nasa bahay lang siya at nagkukulong. Kung lalabas man, dahil lang 'yon sa inaaya siya ng mga kaibigan niya. Minsan nga, tinatanggihan pa niya.

Ewan ko din ba, patay na patay ang social life niya. Iilan lang din ang kaibigan niya dahil sobrang sungit daw niya sa kanila. Eh hindi naman sakin.

"Ma'am excuse me po", sabi ng sekretarya ko

"Yes?", tanong ko

Saka ko binuksan ang laptop ko at itinuloy ang ginagawa ko.

"Ma'am may nagpapabigay po", sabi niya

Saka siya lumapit sakin at ibinigay ang bulaklak.

Kaagad naman napakunot ang noo ko. Kanino naman galing 'to?

"Kanino daw galing?", nagtatakang tanong ko

"Wala pong sinabi ma'am eh", sagot niya

Wish of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon