Chapter 30

130 3 3
                                    

GWENDOLEN'S P.O.V.

It's been a week at sobrang delayed na ang shootings dahil sakin. Pero I'm just so glad na naiintindihan naman ni tito Malcolm ang kalagayan ko dito.

"I didn't know na ganito pala ang pangyayari kay Quancey dito sa Pilipinas. If I had known sooner, sana hindi na tayo dito nag-shoot", rinig kong sabi ni tito Malcolm

"It's okay tito. Ayos na din 'to. Para maayos na lahat", sagot ni Quade

Hindi ko na pinagpatuloy pa ang pakikinig at dumeretso na ko sa kwarto ko para kunin ang sling bag ko.

Kaagad akong lumabas at inaya si Sage para magdrive. Alam ko rin namang hindi ako kaagad makakaalis kung wala akong kasama ni isa sa kanila.

Ayoko na rin munang sabihin kay Dashiell ang tungkol dito. Dahil alam kong hindi siya sang-ayon sa kung ano man ang magiging desisyon ko.

"I'll drive Sage", sabi ko kay Sage

"I'll drive Miss Quancey. You can just sleep there. I'll wake you up when we get there", sagot niya

Tumango na lang ako at hindi na umangal pa.

Kung sabagay ay mahabang biyahe din naman kung sakali. Baka hindi ko rin kayanin.

"Gwen, makinig ka muna sakin oh?", sabi ni Ridge

"Para saan!? Anong kalokohan na naman ba ang gusto mong sabihin!?", umiiyak na sigaw ko sa kanya

Pakiramdam ko ay para akong isang tanga na paulit-ulit nagtitiwala sa taong wala namang ibang ginawa kundi lokohin ako.

Bakit ko nga ba inisip na magbabago pa ang isang kagaya niyang sinungaling at manloloko?

"Hindi ko sinasadya. I was planning to tell you—"

"Pero hindi mo ginawa! Pinagmukha mo kong tanga!", sigaw ko

Sinubukan niya kong hawakan pero kaagad akong lumayo sa kanya.

"Maniwala ka naman sakin oh? Hindi ko sinasadyang lokohin ka. I love you so much that I become selfish and I wanted you to be mine alone that's why I lied", sabi ni Ridge

Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya.

"You can love me all you want, but you don't own me", seryosong sabi ko sa kanya

Nagsimula na kong maglakad papalayo pero hinabol niya ko at hinawakan kaya pagharap ko sa kanya ay isang malutong na sampal na naman ang ibinigay ko.

Kulang pa.. kulang pa yung sampalin ko lang siya ng paulit-ulit.

"Ano!? Bakit ka umiiyak ngayon ha!? Gusto mo maniwala ako sayo dahil umiiyak ka!?", sigaw ko

Paulit-ulit ko siyang hinampas sa dibdib at hinayaan niya lang akong gawin 'yon sa kanya.

"Gusto kong magdusa ka din! Kayong dalawa! Gusto ko maranasan niyo din yung sakit na binigay niyo sakin! Gusto ko kahit kailan hindi na kayo maging masaya pa! Gusto ko na kayong mawala!", sigaw ko

Nagpatuloy siya sa pag-iyak habang sinasalo ang bawat suntok na ibinibigay ko sa kanya.

Kulang pa 'to. Hindi nito matutumbasan yung sakit na binigay nila sakin.

"Dahil kung hindi, habang buhay kong kakamuhian ang sarili ko dahil minsan sa buhay ko, minahal ko ang taong kagaya niyo", sambit ko

Wish of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon