Chapter 36

121 5 0
                                    

GWEN'S P.O.V.

Nakatitig lang ako kay Dashiell at hinihintay ko siyang magsalita kahit na obvious sa kanyang nagdadalawang-isip pa rin siyang magsalita.

"It's about me and Siob", sabi niya

"And? Why am I involve?", tanong ko sa kanya

Napabuntong-hininga siya at naupo kaya naman umupo rin ako sa tabi niya.

Actually, never akong nagtanong tungkol sa kung anong nangyari sa kanila ni Siobhan. Hinihintay ko siyang kusang magsabi sakin. Knowing him, ayaw niyang pinapakialaman siya lalo na sa lovelife niya.

"Hindi totally na involve ka. It's just that we ended because of Lucien and I thought that maybe, it'll hurt you too. Siobhan's your bestfriend and Lucien's your one and only man", masungit niyang sabi

Ha? Paanong si Lucien ang dahilan kung bakit sila nag-end? I mean, yes, hindi naging sila. Ang alam ko lang, Dashiell's courting Siobhan for a long time tapos bigla na lang wala na. Biglang hindi na sila nag-uusap at hindi nagpapansinan. Naging mailap sila sa isa't-isa.

"Makikinig ako", sabi ko

Napabuntong-hininga siya at ginulo ang buhok niya.

Alam kong sobrang frustrated na siya ngayon kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya. A sign that tells him, I'm okay. I'll be okay of what I will find out.

"Iintindihin ko Dash. Just tell me", sabi ko

Alam ko rin kasing matagal na niyang kinikimkim 'to. Dash had been so busy thinking of me. Pero hindi siya nagbabahagi ng problems niya sakin. Sinasarili niya. He was so busy thinking of how will I be okay, to the point na hindi na niya inisip yung sarili niya. Isinantabi niya yung pain niya kakaintindi sakin.

Matagal din siyang nanahimik tungkol dito at ngayon, gusto kong marinig kung ano ba talaga ang nangyari. Lalo na't involve ako at si Lucien.

"I know it should not be coming from me, but Siobhan is in love with Lucien. The rest of that is her story to tell, not mine", sabi ni Dashiell

Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko. I'm so shocked right now. I'm so clueless.

Sa tinagal-tagal naming magbestfriend ni Siobhan, wala siyang nabanggit sakin na kahit ano. Wala siyang sinabi sakin tungkol sa lalaking gusto niya. And now, how can it be Lucien? How come, we are in love with the same man?

"Alam mo naman 'yon ate diba? Matagal ko ng gusto ko si Siob. I just waited for the right timing of confessing my feelings for her. You know how long I waited for her", sabi ni Dash

Yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri niya.

Gusto ko tuloy matawa kasi ito yung pagkakaparehas talaga naming dalawa. Pero seryoso pala ang usapan kaya 'wag na lang.

"You know, I was so damn happy when she gave me a chance. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko sasayangin 'yon. I will show her how much she means to me. I never once thought of letting her go. All I knew was I am so in love with her that I am willing to do everything just so she would love me too", sabi ni Dash

Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang nakita ang kapatid ko na magkaganito dahil sa isang babae. Ang mas masakit don, wala akong kaalam-alam. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan niya. Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman niya. Pakiramdam ko tuloy, wala akong kwentang ate.

Saksi ako kung paano niya suyuin si Siobhan. Kung paano siya nag-effort para sa kaibigan ko.

Dashiell is the man any girl would dream of. Kaya sabi ko noon, sobrang swerte nila sa isa't-isa. Kaya hindi ko talaga ma-gets non, kung paanong natigil kung ano mang meron sa kanilang dalawa.

Wish of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon