Chapter 26

111 4 0
                                    

GWEN'S P.O.V.

I tried thinking of it and now I've come up with a decision.

"Let's do it", sambit ko

Napatigil silang lahat sa pagkain at napatingin sakin. Lalong-lalo na si Quade.

"Pinagsasabi mo ate?", natatawang tanong ni Dashiell

"Why? Did Quade ask you out Gwen?", nakangiting tanong ni Tita Dae

Napatawa ako at napailing.

Nandito kami ngayon sa paboritong restaurant ni Dashiell at kumakain.

Magmula nung ma-discharged si Quade, nagkaayos na kaming dalawa. Lagi kaming magkakasama nila Tita Dae sa tuwing kakain. Mabuti na din 'yon at hindi lang kami ni Dashiell ang palaging magkasama.

Hindi pa namin napag-uusapang ang tungkol 'samin', pero sa ngayon ay maayos na muna kami sa ganito lang. Pagiging magkaibigan na lang muna ang tangi kong maibibigay sa kanya.

"What do you mean by that?", taas-kilay na tanong ni Quade

"Your new upcoming movie. You haven't found a leading lady right? Let's do it. I'll go for the audition", sabi ko

Biglang naibuga ni Dashiell sa sobrang gulat.

Why? May nasabi ba kong mali?

"Are you serious!?", sigaw ni Dashiell

"Woah. I didn't see that coming", nakangiting sabi ni Tita Dae

Nanatiling nakatingin ng seryoso sakin si Quade at parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

"I'm serious okay? Kapag pumasa ako sa auditions, let's go for it", sabi ko

Nagtaas siya ng kilay at hindi pa rin yata siya naniniwala sakin.

"You don't want to believe me? I'll call Nehemiah for the auditions then", sambit ko

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Nehemiah. Pero number busy ang phone niya.

"It's me, Quade. Stop the auditions for the leading lady role for my upcoming movie. I already found one", sambit ni Quade habang nasa tenga niya ang phone niya

So, naunahan niya kong tawagan si Nehemiah? Iba din. Hahaha

"I made the call for you. No need to go for auditions", sambit ni Quade

"Woah, that was quick", nakangiting sambit ni Dashiell

"It's getting late guys. Are you done eating?", biglang sabat ni Tita Dae

"Yes tita. Busog na busog na nga ako eh", sambit ni Dashiell

Napatawa na lang kami sa kanya. Hindi ko alam, pero wala na yatang balak mag-asawa o kahit magka-girlfriend lang man 'tong kapatid ko. Wala na siyang ibang inatupag kundi kumain nang kumain.

"Kuya Dashiell is so matakaw", sambit ni Alkina

Lahat kami ay napatingin sa kanya. Nasa gitna siya sina Tita Dae at Quade nakaupo.

"Alkina", pagsuway sa kanya ni Tita Dae

"It's okay tita. Looks like I'm going to hang out with this kid starting now", sabat ni Dashiell saka niya kami tinapunan ni Quade ng malisyosong tingin

Ah so, anong ibig sabihin niya don? Aabandunahin ko na siya ganon?

"Let's go home. Maaga pa kami bukas", sambit ni Quade at tumayo na

Wish of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon