Chapter 20

155 7 0
                                    

GWENDOLEN'S P.O.V.

Maaga akong umalis ng bahay at nagpunta dito sa opisina para umiwas kay Dashiell.

Hindi ko rin maiwasang isipin ang mga sinabi niya sakin. Gusto kong i-deny, pero alam ko sa sarili kong totoo lahat ng 'yon.

Kaya ganon kadali para kay Lucien na hayaan akong sumama-sama kay Ridge noon. Kaya ganon siya kakampante. Dahil kung meron mang malaking threat sa kanya non, hindi si Ridge 'yon kundi si Quade.

Alam ni Lucien ang tungkol kay Quade. Kaya matagal-tagal din niyang nakuha yung sagot ko non. Dahil gusto kong maniguradong si Lucien na nga ang gusto ko at hindi na si Quade.

Tama rin si Dashiell sa sinabi niyang ginamit ko Lucien para kalimutan si Quade. Pero hindi nagtagal, natutunan ko rin naman siyang mahalin. Hindi mahirap mahalin si Lucien dahil lahat ay kamahal-mahal sa kanya. Ang kaso, akala ko alam ko na lahat sa kanya pero hindi pa pala.

"Ma'am Gwen, nandito po sina sir Dashiell at Miss Siobhan", sambit ng sekretarya ko

Napakunot-noo ako nung marinig ko 'yon.

Paanong magkasama sila?

"Oh, okay. You can leave now. Thank you", nakangiting sabi ko sa sekretarya ko

At tuluyan nang pumasok sina Siobhan at Dashiell.

Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ni Siob matapos niya kong makita, samantalang si Dashiell ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"What brings you here?", nakangiting tanong ko ka Siobhan

Lumapit siya at naupo sa harapan ko saka niya ko inirapan.

"Masama bang bisitahin ka? Ako lang naman ang laging nag-a-adjust para makita ka eh", sabi niya

Nginitian ko na lang siya bilang pagsagot. Alam ko din naman kasi kung anong ibig niyang sabihin.

"Won't you come back home forever?", tanong ni Siobhan

Napabuntong-hininga na lang ako.

Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit niyang tinatanong 'yon, gayong alam niyang iisa lang naman ang magiging sagot.

"This is our home Siobhan. Don't you get it?", sabat ni Dashiell

"Hindi kita kinakausap, okay?", mataray na sabi ni Siobhan sa kanya

"Then stop asking my sister to go there with you. Hindi ko hahayaang bumalik pa siya sa impyernong 'yon", seryosong sabi ni Dashiell

"Just shut up Dash!", sigaw ni Siobhan

At heto na naman sila. Mag-aaway na naman sila sa harapan ko at wala na naman akong magagawa kundi manood ng live away.

"Ikaw ang manahimik! Kung nagpunta ka dito para kumbinsihin ang kapatid kong bumalik don, well I'm sorry because I won't let you. Pwede ka ng umalis!", sigaw ni Dashiell pabalik

Jusko, bakit ba nagsama ang dalawang 'to dito ngayon!?

"Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito! Kung ayaw mong sumama edi maiwan ka dito!", sigaw ni Siobhan

"At sino bang nagsabing sasama ako!? Sinasabi ko lang, hindi mo makukuha pabalik don ang kapatid ko!", sigaw ni Dashiell pabalik

Tumayo ako dahil sumasakit ang ulo ko sa dalawang 'to! Sakit sa ulo palagi!

"Alam niyo, sige sa inyo na 'tong office ko, nakakahiya sa inyo eh. Sige, magbangayan kayo nang magbangayan. Iiwan ko na kayo ha? Moment niyo 'to eh!", inis na sabi ko

Wish of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon