Chapter 14

157 11 0
                                    

GWEN'S P.O.V.

Hindi ko alam kung ano pa ba ang dahilan at paulit-ulit akong nakakaligtas sa kapahamakan.

Paulit-ulit lang din naman akong niloloko, sinasaktan, at iniiwan. Kaya bakit sa tuwing mapapahamak ako, nagagawa ko pa ring makaligtas?

Iniisip ko minsan, paano kung ako na lang kaya ang kusang tumapos sa buhay ko? Para matapos na lahat ng 'to. Kasi ayoko na, pagod na pagod na kong mabuhay. Gusto ko nang magpahinga.

"Gwen, may bisita ka", sabi ni Siobhan

Saka niya tuluyang binuksan ang pintuan at iniluwa non ang tatay nila Lucien. Napailing na lang ako at napatawa ng mahina. Bakit naman ako bibisitahin ng isang 'to?

"Nandito ka ba para tuluyan ako? Pasensya ka na ha. Siyam yata kasi ang buhay ko", nakangisi kong sabi

Napabuntong-hininga si Siobhan bago tuluyang lumabas at isinara ang pinto.

"Quancey iha, I'm here to talk to you", maalumanay na sambit niya

"Bakit tito? Nandito ka ba dahil sa dalawang anak mo? Huwag kang mag-alala, wala na kong balak na makipagkita sa kanila kahit kailan", kaagad na sabi ko

Kung nandito siya para makiusap na layuan ko yung dalawa, hindi na kailangan. Dahil wala naman na kong balak makipagkita sa kanila kahit kailan.

Para saan? Wala naman ng dahilan para makipagkita o makipag-usap pa ko sa kanila. Hindi ko sila kailangan sa buhay ko.

"No, I'm here to say sorry", mahinang sambit niya

Tinitigan ko siya at kusang tumulo ang luha ko. Para saan ba ang paghingi nila ng tawad? Para linisin ang konsensya nila?

"Para saan? Sa muntikang pagpatay sakin? Kasi pinagtakpan mo yung mga kriminal na pumatay sa mga magulang ko? Kasi trinaydor mo ang pamilya namin? Kasi naging traydor kang kaibigan sa daddy ko?", sunod-sunod kong tanong

Magkaibigan sila ni daddy, kaya ko nakilala si Ridge. My father told me na matalik silang magkaibigan, na halos magkadikit na ang kaluluwa nilang dalawa. Kaya hindi ko lubos maisip kung paano niya nagawang traydurin ang matalik niyang kaibigan.

Higit don, hindi ko alam na anak niya rin si Lucien dahil ang nakilala ko nung bata ako ay si Ridge. Wala akong nakilalang Lucien.

"I'm sorry iha. I really am", sambit niya

Inalis niya ang eyeglass niya at pinunasan niya ang luhang kumakawala sa mga mata niya.

Bakit? Sa loob ng maraming taon, bakit ngayon siya lumalapit at humihingi ng tawad? Kasi binabagabag siya ng konsensya niya? Kasi gusto niyang linisin ang konsensya niya?

"Walang kapatawaran ang ginawa mo sa mga magulang ko at pati ako sinubukan mong patayin para lang matupad ang gusto mo para sa mga anak mo. Masyado kang makasarili. Hindi ko alam kung paano mo natatawag ang sarili mong isang ama gayong ang gawain mo ay hindi gawain ng isang butihing ama", sabi ko

Daig ko pa ang nanay na nanenermon ng anak, pero alam ko namang totoo ang lahat ng sinasabi ko sa kanya.

"Makakaalis ka na tito, please lang. Gusto ko ng magpahinga", sabi ko

"Sana balang araw, mapatawad mo ko", sabi niya

"Napatawad na kita tito, hindi ako mapagmataas. Pero hindi maaalis non yung katotohanang gumawa ka ng masama, lalo na sa pamilya ko. Sana ako na ang huling biktima ng kasamaan mo", sabi ko

Saka na ko tumalikod sa kanya at ipinikit ang mga mata ko.

Sarili ko muna ang iisipin ko sa ngayon. Kailangan kong magpagaling. Kailangan ko pang mabuhay para sa kapatid ko.

"And I hope one day, you won't close the doors for the both of them anymore", huling sabi niya

Hindi na ko sumagot at nagpatuloy sa pag-iyak.

Narinig ko na lang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto ko.

Hindi ko alam pero sa tingin ko, dito na yata talaga ako titira sa hospital at palagi na lang akong nandito.

-

Pagkagising ko, mukha ni Dashiell ang bumungad sakin kaya napapikit ulit ako bigla.

"Paglabas na paglabas mo dito sa hospital, iuuwi na kita sa London sa ayaw at sa gusto mo", seryosong sabi ni Dashiell

Iminulat ko ulit ang mga mata ko at tumingin kay Dashiell, he resembles our mom and dad. Yung mukha niya, pinaghalong mukha nila mommy at daddy. Kaya kahit papaano, nababawasan ang lungkot ko sa tuwing nakikita ko siya.

"I told you to come back ate, diba? Pero mas pinili mong manatili dito. Hinayaan kita dahil akala ko, dito ka sasaya. Pero sana pala, kinaladkad na lang kita pabalik ng London", sabi ni Dashiell

Napatawa ako ng mahin at sinubukang bumangon. Tinulungan naman niya ko nung makita niyang nahihirapan ako.

"I almost lost you too ate. Ano na lang ang mangyayari sakin kung wala ka?", sambit niya

Bigla ay nahimigan ko ang lungkot sa boses ng kapatid ko. At dahil sa sinabi niya ay napaisip rin ako.

Gustong-gusto ko nang mawala sa mundong 'to dahil sa mga pinagdadaanan ko, pero nakalimutan kong may maiiwan pala ko.

Nangako ako kila mommy at daddy na kahit anong mangyari ay hindi ko iiwan ang kapatid ko. Na aalagaan ko siya at hindi pababayaan, pero heto ako, nag-iisip ng mga hindi magagandang bagay. Sarili ko na lang ang inisip ko.

"I don't want to lose you too ate, kaya please? Tama na. Sigurado ako na kung nandito sina mommy at daddy ngayon ay ganito rin ang sasabihin nila sayo. They are resting in peace ate. Let's just live in peace too", sabi ni Dashiell

Nginitian ko lang siya at hinaplos ang pisngi niya. Lumapit siya sakin lalo at yinakap ako ng mahigpit. Hindi ko na naman maiwasan ang mapaiyak.

"I know it's been so hard for you ate. Let's leave this place and start a new life again", sabi niya

Unti-unti akong tumango bilang pagsagot.

Ayoko na rin dito. Masyadong maraming nangyari at hindi ko na alam kung paano pa aayusin.

Siguro nga, mas mabuting umalis na lang ako. Magpakalayo-layo at mamuhay ng tahimik.

"I love you ate", bulong sakin ni Dashiell

"I love you too Dash", mahinang sambit ko

Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa noo ko. Ako ang panganay, pero ako pa ang pasanin at inaalagaan.

"Soon, you will be okay ate. I promise", sabi niya

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Hindi man ngayon ang tamang panahon, pero alam ko na balang araw magiging maayos din ako. Balang araw, maghihilom din ang lahat ng sugat ko. Balang araw, makakalimutan ko din lahat.

"Maiwan muna kita ate ha? I'll just buy you food. Alam ko namang sawang-sawa ka na sa pagkain dito sa hospital", sabi niya at tumayo na

"Thank you Dash", nakangiting sabi ko

Sumaludo lang siya sakin at ngumiti saka tuluyang lumabas.

Napailing na lang ako at napatawa hanggang sa dumako sa bintana ang tingin ko.

Madilim na, gabi na at kitang-kita ko ang maliwanag na buwan na pinapaligiran ng makikinang na butuin.

Tumayo ako at lumapit doon. Binuksan ko ang bintana at dumungaw.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

Isang pusong sugatan, humihiling sa mga butuin sa kalangitan.... sana pagdating ng araw, maging maayos na ang lahat. Wala ng galit, wala ng hinanakit, at tanging pagmamahal na lang.

Wish of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon