Chapter 10

193 12 0
                                    

LUCIEN'S P.O.V.

Pagkarating ko ng hospital, nakita ko si Gwen na nakaupo sa lapag, sa harapan mismo ng pinto ng operating room.

She was crying, her hands were trembling. It's been a long time since the last time I saw her like this.

"Gwen", pagtawag ko sa kanya

Kaagad siyang nag-angat ng tingin at nung makita niya ko ay kaagad siyang tumayo at tumakbo para yumakap sakin.

"Lucien, wala akong ginawa. Believe me. It's not my fault", umiiyak niyang sabi

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinagod ang buhok niya.

She must have been so scared.

"I believe you, alright? Stop crying now. He will be okay. Ridge is a fighter, remember?", bulong ko sa kanya

Naramdaman ko ang pagtango niya, pero patuloy siya sa pag-iyak habang nakayakap sakin ng mahigpit.

"Gwen! Lucien!"

Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko ang barkada nilang sunod-sunod na tumatakbo papunta rito.

"Gwen, nasan si Ridge?", tanong ni Lirae

Kumalas sa pagkakayakap sakin si Gwen at nagpunas ng luha bago tumingin sa kanila.

"He's inside", mahinang sabi niya saka niya itinuro ang operating room

She's alright, she's safe. I should be thankful. But why do I feel that I am not? I am not thankful that someone saved her. I should be the one saving her, but someone did that in behalf of me.

"I... I didn't do anything wrong. We went to his place and he told me everything he has done. We didn't know that Kneesah was there. She's gone crazy and hit Ridge's head. I couldn't do anything", umiiyak na pagpapaliwanag ni Gwen

Nanatili silang tahimik at nakatitig kay Gwen.

"Gwen", pagtawag sa kanya ni Karel

Hindi nagsalita si Gwen, pero nagpatuloy siya sa pag-iyak. At sa pagkakataong 'to, hindi ko alam kung paano siya papatahanin.

"Hindi mo kasalanan, okay? Biktima ka lang rin dito", sabi ni Siobhan

Lumapit si Siobhan sa kanya at niyakap siya.

"Siob, I'm sorry", umiiyak na sabi ni Gwen

Pinapatahan siya ni Siobhan, pero maski siya ay hindi niya mapatahan si Gwen.

Sa mga oras na 'to, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam.

"Sino ang pamilya ng pasyente?", tanong ng doctor na kakalabas lang ng operating room

"Tinawagan na namin ang pamilya niya doc. Kaibigan niya kami", sagot ni Wallace

Tumango naman ang doctor at lumapit lalo sa amin.

"He's okay now. Mabuti na lang at hindi nagkaroon ng blood clot. Good thing naagapan kaagad ang pagdudugo ng ulo niya. If not, baka mas naging malala ang kondisyon niya. But then, he will still be unconscious for days, but he will be okay. Ililipat na siya ng kwarto", sabi ng doctor

"Thank you doc", sabi ni Kreo

Tumango lang ang doctor at umalis na.

Lahat kami dito, nakahinga ng maluwag dahil sa narinig namin.

"See? You've given him the first aid right? You did well Gwen. You saved him", sabi ni Siobhan

Nginitian niya si Gwen pero nanatili ang pag-iyak niya at hindi matigil-tigil.

Wish of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon