Chapter 11

198 12 0
                                    

SIOBHAN'S P.O.V.

I don't know what to feel. I know I should be happy because my bestfriend is happy, but how can I do that when I know that someone is suffering because of that happiness?

"Ate Siob, bakit mag-isa ka na naman dito?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Lune. Nginitian ko lang siya at sinenyasan na maupo sa tabi ko.

"Are you okay ate?", tanong niya

I just shrugged as I watch my bestfriend play with the others.

"Dahil po ba 'to sa nangyari noon? Ate Siob, matagal na 'yon. Tignan mo sila oh, ang saya nila. Ikaw ba, hindi ka masaya ate?", sabi ni Lune

Pinilit kong inisip, pilit kong sinusubukang maramdaman kung may saya nga ba - kung meron, totoo nga ba at hindi napipilitan lang?

"They are happy, but come to think of it. How can you be so happy when you know someone is suffering?", sagot ko

Napabuntong-hininga si Lune at napatingin rin sa kanila habang masaya silang naglalaro.

Nandito kami sa orphanage na napili naming tulungan. It was Gwen's idea. Naging hobby niya ang pagtulong sa mga ampunan simula nung malaglag ang dinadala niya.

"Si Kuya Lucien ba ang tinutukoy mo ate?", tanong ni Lune

Hindi ako sumagot. Kahit hindi, alam kong alam niya na ang sagot ko sa tanong niyang 'yon.

"I don't even know if she's genuinely happy. Hindi ganon kadali mag-move on lalo na't nawalan ng anak", sambit ko

Tatlong taon ang lumipas at hindi ko alam kung tama bang humantong kami sa ganitong sitwasyon.

Si Gwen ay nililigawan na ulit ni Ridge. Habang si Lucien, hindi mahagilap kung saan. Simula nung malaglag ang bata, hindi na namin siya nakita ulit. Ni hindi namin siya malapitan kahit sandali lang.

"Kuya Lucien is okay", mahinang sambit ni Lune

Kahit hindi niya sabihin samin, alam kong nakakausap niya si Lucien nang patago.

"Ate, ibaon na lang natin sa limot ang mga masasamang nangyari", sabi ni Lune

Hindi ako sumagot at pakiramdam ko, anytime ay tutulo na naman ang luha ko.

Tatlong taon na ang nakakaraan, pero ako lang yata ang hindi makausad sa nangyari. Ako lang yata ang hindi makalimot. At sa tuwing naaalala ko ang lahat, sobrang bigat sa pakiramdam. Hindi ko alam kung paano ko 'yon kakalimutan.

- F L A S H B A C K -

Nandito kami sa tapat ng bahay ni Lucien magmula umaga at ngayon ay pagabi na pero hindi pa rin siya lumalabas.

"Gwen tara na, mukhang uulan", pag-aaya ko sa kanya

Pero hindi siya natinag. Nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa bahay nila Lucien.

Magmula nung huling bisita niya sa hospital, hindi na namin siya mahanap. Hindi siya nagpapakita samin at hindi rin nagpaparamdam. Kung sa amin ay ayos lang sana, ang kaso pati si Gwen ay hindi niya kinakausap at hindi namin alam kung bakit.

"Hihintayin ko siyang lumabas", mahinang sambit ni Gwen

Hindi ko rin alam kung bakit sila nagkakaganito. Hindi ko naman masisisi si Lucien kung nasaktan siya sa mga inasal ni Gwen, pero - hindi pa ba sapat na siya ang pinili ni Gwen? Siya yung mahal, siya ang pinili. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para maging maayos silang dalawa?

Wish of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon