Episode 30 (Finale Part 2)

1 0 0
                                    


(Daniella's POV)

Nag aayos na ako ng mga gamit nang tumunog ang phone ko. Agad ko naman itong sinagot nang makitang si Jimin ang tumatawag.
"Hello. Nasa baba ka na ba?"
"Sige pababa na rin ako."
Sakto namang pumasok sina Ash at Gela.
"Ohh mukhang nagmamadali ah. Nanjan na ba ang sundo mo?"
"Oo nasa baba na daw siya. Sorry guys di muna ako sasabay sa inyo."
"No probs Danie. Gora na."
"Ok lang ba ang itsura ko?"
"Oo naman you're perfect gurl," sabi naman ni Gela. Nagpaalam na ako sa kanila. Tiningnan ko naman sa salamin ang mukha ko bago lumabas nang office bitbit ang bouquet. Nakita ko naman agad siya sa labas nang building nang makababa. Nakashades siya at nakamask habang nakasandal sa kotse niya. Agad ko naman siyang nilapitan.
"Sorry to keep you wait Jimin," agad kong sabi sa kanya.
"No worries, basta ikaw."
Napangiti naman ako sa sagot niya at binuksan niya ang pinto. Umikot siya nang masara at pumasok din. Agad naman niyang tinanggal ang mask niya at shades. Ang gwapo niya talaga.
"May dumi ba ako sa mukha?," agad niyang tanong nang mapansing nakatingin ako sa kanya. Mabilis naman akong umupo nang maayos.
"Ah wala naman."
Nakita ko naman siyang ngumiti.
"Lets go."
"Ahm Jimin saan ba tayo pupunta?," tanong ko naman habang nagmamaneho siya.
"Its a surprise," sagot naman niya nang nakangiti.
"Ok."
Nakarating kami sa isang restaurant. Pinagbuksan naman niya ako nang pinto. Pumasok kami sa loob at muling lumabas sa may veranda nang restaurant. Namangha ako nang makita ang view. Nasa isang beach restaurant pala kami. Dinala naman kami nang waiter sa mesa namin na kitang kita ang sunset.
"Wow, ang ganda dito Jimin," nasabi ko na lang nang pinaghila niya ako ng upuan at umupo.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman, sobra. Ang ganda ng sunset. Tingnan mo."
"Oo kasingganda mo."
"Huh? Ano yun?"
"Sabi ko ang ganda nga."
"Paano mo nalaman ang lugar na to?"
"Nakita ko lang sa internet."

(Jimin's POV)

Masaya ako at nagustuhan niya ang lugar na pinagdalhan ko sa kanya. Dumating na din ang pagkain namin at ang wine na inorder ko.
"Cheers."
"Nga pala ano yung sasabihin mo sa akin?," agad naman niyang tanong nang matapos kumain at uminom ng wine.
"Ahm bago yun pwede ko bang hawakan ang kamay mo?"
"Kamay ko? Bakit? Titingnan mo ba kung may mangyayaring masama sa akin?"
"Hindi. Gusto ko lang hawakan ang kamay mo habang sinasabi ko yung gusto kong sabihin sayo."
"Ah ok," sagot naman niya at nilahad ang kamay niya. Hinawakan ko naman agad ito.
"Daniella, I just want to say that I am really happy na nakilala kita and all those times na magkasama tayo are truly the best moments for me. Though I know na pinagtagpo tayo dahil kina Gabriella at Austin from the past pero alam kong may ibang purpose din kung bakit tayong dalawa yung naging future nila."
Nakita ko naman siyang ngumiti.
"Just like what I told you, I will be the one who will protect you, who will take care of you and kaya kong isakripisyo ang buhay ko para sayo."
Tinanggal naman niya ang kamay niya sa kamay ko.
"Yan ang ayaw kong gawin mo para sa akin."
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"I don't want you to sacrifice yourself just for me or anyone else. I want you to stay alive Jimin."
"Ok pero hindi pwedeng pabayaan na lang kita, kung may mangyari man, kahit nasaan ka pa, pupuntahan kita, poprotektahan kita at ililigtas pa rin kita."
Napangiti naman siya.
"Ang cheesy mo," sabi naman niya kaya napangiti din ako.
"But seriously Danie, I love you and just like Austin did, I will love you forever."
"Hmmm kahit weird ako at nakakakita nang multo?"
"Oo kahit ano ka pa?"
Napangiti naman siya at uminom ng wine.
"Wala ka bang isasagot?"
"Huh? Bakit may tinanong ka ba?," sagot naman niya kaya nagtaka ako.
"I mean sa mga sinabi ko, wala ka bang sasabihin?"
"Oh. So you said that you love me and you will protect me. Ok."
"Huh? Ok? Yun lang?"
"Ok."
"What do you mean ok?"
"Ok means pinapayagan kitang mahalin ako at protektahan ako."
"What? Talaga Daniella?"
Tumango naman siya kaya mabilis akong tumayo saka nagsisigaw.
"Yes!! Thank you Lord she said OK!"
"Jimin, stop it, ang daming tao," sabi niya sa akin at nilapitan ako. Agad ko naman siyang niyakap at ganun din siya.
"Sobrang saya ko Danie. Thank you."
"Me too. Thank you for making me happy."
Tiningnan ko naman siya saka hinawakan ang mukha niya at hinalikan ang noo niya.
"I love you so much Daniella."
"I love you too Jimin."
Niyakap ko ulit siya. This time it is our moment to create the beginning of our love story.

(May Epilogue pa.)

Book 8: The Touch of my HandOnde as histórias ganham vida. Descobre agora