Episode 3

2 0 0
                                    


(Daniella's POV)

"Ella bilisan mo jan," sigaw ni Tita mula sa baba.
"Opo Tita pababa na po," sagot ko naman at mabilis na binaba ang mga gamit niya.
"Ipasok mo na yan sa kotse at baka malate ako sa flight ko."
"Yes po."
Nang maipasok sa kotse ang lahat nang maleta niya ay mabilis akong nagtungo sa gate para buksan ito.
"Lets go na at baka malate pa ako."
Mabilis ko namang pinaandar ang kotse palabas nang makapasok si Tita at mabilis ding bumaba saka nilock ang gate at muling sumakay at nagtungo sa airport.
"Ikaw na bahala sa bahay, ok. Wag kang magpapapasok nang kahit sino maliban dun sa mga bestfriends mo para at least may kasama ka and make sure to take care of yourself Ella habang wala ako. Tawagan mo ko pagmay kailangan ka."
"Opo Tita. Ako na po bahala. Ingat po kayo sa biyahe."
"Tatawagan kita pagdating ko sa Singapore and ilista mo na yung gusto mong pasalubong at isend mo na lang sa akin para di ko makalimutan and make sure-."
"Opo Tita alam ko na po. Kahapon niyo pa binilin sa akin. Ingat Tita. Love you. See you soon."
"Ok sige alis na ako. Mag iingat ka lagi Ella. Love you too. Bye na," sabi niya at niyakap ako saka hinalikan sa pisngi. Kumaway siya bago tuluyang pumasok sa loob nang airport. Umalis naman ako at bumalik nang bahay. Nang mapark ang kotse ay napabuga ako nang hangin bago lumabas. Napatingin ako sa bahay after masara ang gate. Mag isa ako for one month sa bahay na to. May business trip kasi si Tita sa Singapore at dahil wala siyang asawa at wala ring anak, wala akong kasama sa bahay na to. Wala na ang parents ko, they both died in a traggic event sa dati naming bahay. Nasunog kasi ito at natrap silang dalawa sa loob. Nalaman ko na lang nang makauwi galing skwela kaya si Tita na ang naging pamilya ko. Almost a year din ako nagluksa nun bago ako nakarecover. Dinala niya ako dito sa bahay niya at siya na ang nagpalaki at nagpaaral sa akin. She is very strict and bossy pero sobrang bait din niya. Kapatid siya ni Mama at nasa Philippines naman ang grandparents ko.
Tumunog naman bigla ang phone ko kaya napabalik ako sa realidad. Mabilis ko namang sinagot ang tawag.
"Beshie how are you? Umalis na ba si Tita?," agad niyang tanong sa akin.
"Excited ka ba masyado Ash? Oo kakarating ko lang nang bahay galing airport."
"So mag isa ka lang jan sa inyo ngayon? Meged are you not scared?"
"Scared of what?"
"Ghost. Monsters, you know," pananakot naman niya sa akin.
"Of course not, they're my friends Ash you know that," pananakot ko din sa kanya.
"Stop with that scarry convo ok," surrender naman niyang sabi. Napatawa naman ako nang mahina. Akala niya siguro matatakot niya ako but I know how to scare her even more.
"So are you going to sleep over tonight? You know, to meet my friends," sabi ko naman at bigla na lang siyang sumigaw kaya nailayo ko sa tenga ang phone ko.
"I hate you Daniella!," rinig kong sigaw niya kaya napatawa ako.
"I love you too Ashley. Bye."
Natatawang pumasok ako nang bahay at nagtungo sa kusina para uminom nang tubig. Yes I can see ghost pero wala namang multo sa bahay ni Tita. In other places maybe yes but here wala kahit isa. Creepy lang talaga ang bahay dahil malaki ngunit walang katao tao but fortunately wala namang mangahas tumira dahil takot sila sa akin. Ewan ko ba kung anong meron sa akin at halos lahat nang multong nakikita ko eh di ako pinapansin. Oh di ba nakakapagtaka, imbes na humingi sila nang tulong sa akin na makausap yung mga mahal nila sa buhay, ayun nilalampasan lang ako. Mabuti na din yun at least di nila ako ginugulo.
Tumunog ulit ang phone ko and this time si Angelo naman ang tumatawag.
"Hi Gelo," sagot ko naman sa tawag niya.
"Gela sis. Anu ka ba naman," irita naman niyang sabi kaya napatawa ako. Siya ang long time bestfriend ko. Magkasama na kami kahit nung si Angelo pa siya. Ngayon na siya kumawala sa hawla niya dahil wala na ang mapang aping papa niya. Mula ementary magbestie na kami habang sa high school ko naman nameet si Ashley.
"Ah oo nga pala nagpalit ka na pala nang name ngayon. Yes Gela, what can I do for you?"
"So you're alone there at your big house," maarte naman niyang sabi.
"Hmmm actually I'm not Gelo, I mean Gela pala."
"Lagot ka talaga sa akin pagnagkita tayo. Talagang shashabunutans kita."
"Sorry na, hindi pa kasi ako sanay."
"By the way, what do you mean you're not alone? Kasama mo jan si Papa Xander? Omeged. I need to be there. Wait for me sis."
"Kumalma ka nga bruha. Bakit ko naman siya papupuntahin dito? Hindi siya ang tinutukoy kong kasama ko ok."
"Oh so sinong kasama mo jan?"
"My friends."
"Friends? Si Ashley? Dapat pati aketch kaya gogora na talaga ako."
"Not Ashley Gela, my invisible friends, you know ghosts. Do you want to meet them?," sagot ko naman habang nagpipigil nang tawa. Pareho kasi sila ni Ashley na matatakutin.
"Omeged. OMG!! Omo!! Ayoko na. Solohin mo na sila. Di na ako gogora. Kaya mo na jan. Babels," mabilis naman niyang sabi at agad pinatay ang tawag. Tawa naman ako nang tawa. Nakaganti din ako sa kanilang dalawa.

Book 8: The Touch of my HandWhere stories live. Discover now