Episode 29

1 0 0
                                    


(Jimin's POV)

"Bitawan niyo ako! Daniella!"
Nagpupumiglas ako sa mga lalaking nakahawak sa akin habang umiiyak.
"Daniella!!!"
"Wag kang mag alala mahal ko, nandito pa naman ako at ang anak nating si Samantha. Hindi ka namin iiwan," sabi naman sa akin ni Miranda at niyakap ako ngunit agad ko siyang tinulak. Nagulat naman kami nang makarinig nang lagapak at nakita kong hindi na nakabigti si Daniella. Nasa sahig na ito. Agad ko naman siyang nilapitan at tinanggal ang sakong nakatakip sa mukha niya. Tinanggal ko din ang lubid sa kamay niya.
"Daniella, gumising ka. Daniella," tapik ko nang mahina sa mukha niya. Dumilat naman siya kaya agad ko siyang niyakap dahil sa tuwa.
"Sinong may gawa nito?," pagalit na tanong ni Miranda at nakita kong pumagitna si Samantha.
"Anong ibig sabihin nito Samantha? Bakit mo pinutol ang lubid?"
"Tama na Ma, tumigil ka na."
"Ano?"
"Please, manahimik ka na Mama. Pabayaan mo na sina Daniella at Jimin. Hindi sila si Tita Gabriella at Papa dahil matagal na silang patay gaya mo."
"Oo pero nabuhay ulit sila anak at kailangan nating patayin ang Tita Gabriella mo para mabuo na tayong tatlo. Ayaw mo ba nun?"
"Ma nagawa mo na yan dati. Pinatay mo na si Tita Gabriella at kahit si Papa pinatay mo din dahil hindi ka niya kayang mahalin. Ma tumigil ka na. Si Tita Gabriella ang mahal ni Papa, ano ba ang hindi mo maintindihan doon?"
Agad namang sinampal ni Miranda si Samantha.
"Anong sabi mo? Wala kang utang na loob. Pasalamat ka at binuhay pa kita dahil anak ka namin ni Austin pero ano? Ito ang igaganti mo sa akin?"
"Ma please tumigil ka na. Pabayaan mo na sila."
"Samantha magkakampi tayo hindi ba? Ina mo ako at kailangan natin ang ama mo kaya tulungan mo ako anak."
"Hindi ma. Please tama na," sabi ni Samantha at niyakap si Miranda.
"Hindi. Hindi ako titigil hanggat magkasama sila. Hindi ako matatahimik."
Susugod sana si Miranda ngunit agad siyang pinigilan ni Samantha.
"Lumabas na kayo. Tumakas na kayo!," sigaw ni Samantha kaya hinawakan ko ang kamay ni Daniella at mabilis kaming lumabas. Nakarinig kami nang sigaw habang tumatakbo. Nang makarating sa main door ay hindi namin ito mabuksan.
"Sa taas tayo," agad ko namang sabi at pumanhik nga kami at pumasok sa kwarto ni Gabriella. Sinara namin ang pinto. Tiningnan ko naman ang bintana kung gaano ito kataas mula sa baba. Agad ko namang kinuha ang dalawang kumot saka itinali sa haligi nang kama ni Gabriella.
"Anong ginagawa mo Jimin?"
"Halika dito Daniella."
Tinali ko naman sa bewang niya ang kumot.
"Bumaba ka mula sa bintana, Wag kang mag alala, mahigpit ang pagkakatali ko kaya hindi ka mahuhulog."
Nakarinig naman kami nang yabag ng mga paa mula sa labas.
"Bilisan mo na Daniella. Kailangan mo nang makaalis."
"Pero paano ka Jimin? Hindi kita iiwan dito," sabi niya habang umiiyak na.
"Susunod ako pangako basta maging ligtas ka muna."
Pinahid ko naman ang mga luha niya.
"Austin, mahal ko," rinig naming sabi.
"Bilisan mo na," agad kong sabi sa kanya at pinalabas siya sa bintana. Hinalikan ko siya sa noo bago ko siya pinababa.
"Mahal kita Danie," sabi ko habang nakangiti sa kanya at sinara ang bintana. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Miranda.
"Mahal ko, nasaan si Gabriella?"
"Wag mo na siyang hanapin. Ako naman ang kailangan mo di ba?"
"Oo kailangan kita at kailangan ko din siya. Kailangan ko siyang patayin."
"Pinatakas mo siya?!," pagalit niyang tanong nang makita ang kumot na nakatali sa kama.
"Hindi pwede!," sigaw niya at binuksan ang bintana ngunit agad ko siyang nilayo doon at tinulak.
"Tumigil ka na Miranda."
"Hindi ako titigil hanggat buhay si Gabriella!," sigaw niya at pinagalaw ang mga gamit sa kwarto at binato sa akin. Ginawa ko namang panangga ang mga kamay ko. Natamaan naman ako nang vase sa ulo kaya napahiga ako sa sahig. Nagkalat ang mga sirang gamit.

(Daniella's POV)

Umiiyak ako habang bumababa mula sa bintana nang kwarto ni Gabriella. Medyo nahihirapan ako pero kinakaya ko. Nakarinig naman ako nang sigaw mula sa kwarto at nakarinig din nang mga ingay. Jimin. Hindi ko hahayaang mapahamak ka nang dahil sa akin. Kaya imbes na pababa ang ginawa ko ay paakyat na ako ngayon. Babalikan kita Jimin. Nang makabalik sa bintana ay agad akong pumasok at nakita ang mga gamit na nakakalat sa sahig. Nakita ko ding nakahandusay si Jimin kaya agad ko siyang nilapitan.
"Jimin, gumising ka."
"Bumalik ka din Gabriella," rinig ko namang sabi at bigla na lang may sumabunot sa buhok ko kaya napatayo ako.
"Wag kang mag alala, hindi ko pinatay si Austin dahil ikaw lang naman ang papatayin ko." "Bitawan mo ako Miranda."
"Bitawan? Eh di bitawan," sagot niya at tinulak ako kaya tumama ako sa kabinet. Lumapit naman ulit siya sa akin.
"Alam mo bang kahit wala ka na, ikaw pa din ang paborito nila papa at mama? Kahit anong pilit ko, ayaw nilang ibigay sa akin ang lupaing ito dahil para lang to sayo kaya nga gaya nang ginawa ko sayo, pinatay ko din sila."
"Ang sama mo Miranda. Ang sama sama mo," nasabi ko na lang.
"Naging ganito ako dahil sa inyo. Hindi ako minahal nina papa at mama at hindi rin ako minahal ni Austin dahil sayo. Walang nagmamahal sa akin. Ginawa niyo to sa akin!," sabi niya at sinampal ako.
"Hindi. Ginawa mo yan sa sarili mo dahil makasarili ka at ganid ka Miranda."
Sinampal niya ulit ako at sinakal saka pinatayo. Napasandal naman ako sa may bintana habang pinipilit tanggalin ang kamay niya sa leeg ko ngunit sobrang lakas niya at kitang kita sa mukha niya ang sobrang galit. Napaupo naman ako sa bintana at mukhang ihuhulog niya ako. Nahihirapan na din akong huminga sa higpit nang sakal niya.

Book 8: The Touch of my HandWo Geschichten leben. Entdecke jetzt