Episode 15

1 0 0
                                    


(Gabriella's POV)

"Austin," sambit ko nang makita siya.
"Gabriella," sambit niya din sa pangalan ko nang makalingon siya.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at agad siyang niyakap. Niyakap din niya ako nang mahigpit.
"Alam kong darating ka. Salamat Gabriella," sabi niya kaya napangiti ako.
Lihim kaming nagkikita ni Austin dahil tutol ang pamilya ko sa pagmamahalan namin dahil hindi siya galing sa mayamang pamilya. Isang magsasaka lamang si Austin at hindi nakapagtapos kaya ganun na lamang ang galit nina Papa at Mama nang malamang kasintahan ko siya. Gusto nilang layuan ko siya ngunit papaano kung oras oras ay gustong gusto ko siyang makita?
"May ibibigay ako sayo Gabriella," sabi niya at may kinuha sa bulsa niya. Pinakita niya sa akin ang isang kwintas na hugis puso. Napangiti ako dahil sobrang ganda nito. Sinuot naman niya sa akin.
"Simbolo yan nang pagmamahal ko sayo. Kahit kailan hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo Gabriella."
"Ganun din ako Austin."
Nagyakap ulit kami. Masaya ako tuwing kasama ko siya.

Kinabukasan...

"Hindi ba't sabi ni Mama ay wag kang makikipagkita sa Austin na yun? Bakit ba ang tigas nang ulo mo Gabriella?," galit na sabi sa akin ni Ate Miranda.
"Mahal ko siya Ate at ayaw kong malayo sa kanya."
"Mahal? Mabubuhay ka ba niya sa pagmamahal lang Gabriella? Anong ipapakain niya sayo?"
"Mabubuhay kami Ate at ipapakita ko yun sayo," sagot ko saka tumalikod sa kanya.
"Nais ni Papa na sa Maynila ka na magtatapos nang pag aaral mo. Aalis ka na ngayong Sabado."
"Ano? Hindi pwede. Dito ako magtatapos Ate. Hindi ako aalis."
"Wala ka nang magagawa Gabriella. Magsimula ka nang mag empake," sagot niya at iniwan akong umiiyak. Mabilis akong pumasok nang kwarto ko at umiyak nang umiyak. Hindi ako pwedeng umalis. Hindi ko pwedeng iwan si Austin. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at kumuha nang bandana saka dahan dahang lumabas nang bahay. Tinungo ko ang daan papunta sa bahay ni Austin.
"Austin," tawag ko sa kanya mula sa labas. Mabilis naman siyang lumabas at lumapit sa akin. Agad ko naman siyang niyakap.
"May problema ba Gabriella?," agad niyang tanong nang maramdamang umiiyak ako.
"Alam mong mahal na mahal kita Austin hindi ba?"
"Oo naman alam ko. Mahal na mahal din kita."
"Nais nila tayong paglayuin Austin. Ipapadala ako ni Papa sa Maynila ngayong sabado para doon magtapos," sabi ko at mabilis siyang kumalas at tiningnan ako.
"Pero ayaw kong malayo sayo. Ayaw kitang iwan. Ayaw kong magkalayo tayo. Hindi ko makakaya," sabi ko habang patuloy pa din sa pag iyak. Agad naman niyang pinahid ang mga luha ko.
"Hindi rin ako papayag Gabriella. Sumama ka sa akin. Lalayo tayo sa lugar na to at sa kanila. Mamumuhay tayong magkasama at masaya. Ikaw ang buhay ko Gabriella. Hindi ako mabubuhay nang di ka kasama."
"Oo Austin. Sasama ako sayo. Kahit saan basta kasama kita."
"Aalis tayo bukas. Magkita tayo sa tagpuan natin, ganitong oras. Hihintayin kita doon."
"Oo Austin. Darating ako," sagot ko at niyakap siya nang mahigpit at ganun din siya.

Kinabukasan...

Nang maramdaman kong tulog na silang lahat ay dahan dahan akong lumabas nang kwarto ko dala ang maleta ko at dahan dahang lumabas nang bahay. Mabilis akong nagpunta sa tagpuan namin ni Austin. Nang makarating ay wala pa siya. Naghintay ako ngunit maghahating gabi na ay wala pa din siya. Nasaan ka na Austin? Nakarinig naman ako nang mga hakbang kaya nabuhayan ako na si Austin na ang dumating ngunit nakita ko si Ate Miranda.
"Hindi na siya darating pa kapatid ko. Binayaran siya kanina ni Papa para layuan ka at sa wakas pinakita niya din ang habol niya sayo." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Ate.
"Hindi totoo yan. Nagsisinungaling ka," sabi ko sa kanya at umiyak na.
"Patawad Gabriella ngunit yun ang totoo. Pinagpalit ka niya sa pera."
"Hindi totoo yan. Mahal ako ni Austin Ate. Hindi totoo yan," sabi ko at napaluhod na. Austin. Darating ka, alam kong darating ka. Hindi totoo ang sinasabi ni Ate. Alam kong darating ka.
"Austin!"
Magmula nang araw na yun nagkulong na ako sa kwarto ko at halos hindi na kumakain. Hindi pa din ako naniniwalang tinalikuran ako ni Austin dahil alam ko kung gaano niya ako kamahal. Wala na rin akong nakuhang kahit anong balita tungkol sa kanya. Sinulat ko lahat nang magagandang alaala namin ni Austin dahil ayaw kong kalimutan ang mga yon.

(Nakasulat sa huling pahina nang diary ni Gabriella)
Hindi ako mabubuhay nang di ka kasama Austin. Mahal na mahal kita.

Book 8: The Touch of my HandWhere stories live. Discover now