Episode 13

1 0 0
                                    


(Daniella's POV)

I need to save Gela. I need to do something. Hindi ako papayag na mapahamak siya. Mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko at patakbong nagpunta sa living area.
"Please release my bestfriend. Get everything you need just please don't hurt him," agad kong sabi nang makaharap sila. Bigla naman akong tinutukan nang baril nung isang lalaki.
"Paano nakapasok ang babaeng yan dito Tony? Tingnan mo sa kusina baka may kasama pa siya," utos nung leader ata nila. Mabilis ko namang nilapitan si Gela at niyakap.
"Are you ok Gela? Sinaktan ka ba nila?," agad kong tanong at tinanggal ang takip sa bibig niya.
"Bakit ka pa nagpunta dito Dan?"
"Its ok Gela. You're safe now."
"Tony? Albert?," tawag naman nung lalaki ngunit si Mr. Park ang nakita kong lumabas mula sa kusina at may hawak na siyang baril sa kamay niya. Bigla naman akong hinablot nang lalaki at hinostage.
"Ibaba mo yang baril mo kung ayaw mong pasabugin ko ang utak nang babaeng to."
Bigla namang nanginig ang katawan ko. Nakatitig lang sa amin si Mr. Park habang hawak hawak pa din ang baril niya.
"Ibaba mo sabi!," sigaw nang lalaki kaya napapikit na lang ako nang maramdaman ang dulo nang baril sa may sentido ko.

(Jimin's POV)

Should I put this down? Nakatingin lang ako kay Ms. Baira nang bigla na lang sumigaw ang may hawak sa kanya.
"Ibaba mo sabi!"
Nakita ko namang umiiyak na din yung kaibigan niya. I need to put this down to save her. Dahan dahan ko namang binababa ang kamay ko para ilapag ang baril nang makarinig kami nang busina nang mga pulis at dahil nagpanic bigla ang may hawak kay Ms. Baira ay agad ko siyang nilapitan at inagaw ang baril saka sinuntok siya. Napahiga ito sa sahig at mabilis kong sinipa ang baril palayo. Tumayo ito kaya sinuntok ko ulit. Nakita ko namang tinatanggal ni Ms. Baira ang pagkakatali nang kaibigan niya at inalalayan itong tumayo nang makita ko ang isang lalaki mula sa kusina na patakbo kay Ms. Baira at may dalang kutsilyo kaya mabilis ko siyang nilapitan at hinarangan. Naramdaman ko na lang na may tumusok sa gilid ko. Nakita ko namang nakapasok na ang mga pulis at dinakip ang mga lalaki.
"Mr. Park?," naiiyak na sabi niya. Bigla namang akong napaluhod. Nanghihina ako.

(Daniella's POV)

"Mr. Park?," agad kong sabi sa kanya ngunit bigla na lang siyang napaluhod at matutumba na. Mabuti na lang at nahawakan ko siya sa may bewang niya pero naramdaman kong basa ang likod niya. Nang tingnan ko ang kamay ko ay dugo ang nakita ko.
"Mr. Park? Mr. Park?," tawag ko sa kanya pero hindi na siya nagsalita at di na rin siya gumagalaw.
"Tulong! Tulong po," mabilis kong sigaw at tinulungan naman ako nang mga first aider. Mabilis naman akong niyakap ni Gela.
"Nasaktan si Mr. Park Gela. Kasalanan ko yun," sabi ko habang umiiyak.
"Ssshhh. Walang may gusto nito. Wag mong sisihin ang sarili mo. He will be fine."
Matapos madala nang mga pulis sa prisento ang mga magnanakaw ay agad kaming nagtungo ni Gela sa ospital kung saan dinala si Mr. Park. Nadatnan namin doon ang pitong lalaki na naghihintay sa labas nang operating room.
"Excuse me, kasama ba kayo ni Mr. Park?," agad ko namang tanong sa kanila.
"Yes. Are you Ms. Daniella Baira?," sagot at tanong naman sa akin nung isa sa kanila kaya tumango ako.
"I am his manager and sila ang mga kagrupo niya," pakilala naman niya at nakipagshakehands sa akin.
"I am sorry for what happened. Kasalanan ko po kung bakit nasaksak siya," agad ko namang sabi at umiyak ulit.
"Don't blamed yourself Ms. Baira, Jimin will be fine. He is a strong person."
After an hour ay lumabas na din ang doktor.
"Who is the family of the patient?."
"I am his manager doc."
"He is fine now. We will just move him to his room."
Napayuko naman ako at umiyak. Thank God he is safe.

Book 8: The Touch of my HandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon