Episode 5

1 0 0
                                    


(Jimin's POV)

May event kaming pupuntahan mamaya kaya maaga kaming nagising. Nasa kusina ako habang kumakain nang biglang akong makarinig nang lagapak mula sa living room kaya agad akong lumabas at nagtungo doon. Nakita ko na lang si V na nakaupo sa sahig habang hawak hawak ang puwetan niya.
"Anong nangyari sayo V?"
"Nadulas ako eh," sagot naman niya. Inalalayan ko naman siyang tumayo at pinaupo sa sofa. Nagsidatingan naman ang ibang members.
"What happened?," agad na tanong ni Nam Joon hyung.
"Nadulas siya sa hagdanan Leader," sagot ko naman.
"Did you hurt yourself V? Kailangan mo bang dalhin sa ospital?"
"No hyung. I am fine. Masakit lang nang konti yung puwet ko. Hindi naman kataasan yung kinahulugan ko."
"Ok pero kung hanggang mamaya masakit pa rin, tell me para madala kita sa ospital."
"Copy hyung."
"Ok maghanda na kayo guys. Magpapractice pa tayo," sabi naman ni Leader kaya nagsikilos na kami. Nang matapos kumain ay agad akong nag ayos. Bigla ko namang naalala yung nakita ko sa isip ko nung nakaraang mahawakan ko ang kamay ni V. Nagkatotoo yun pero paano ko nakita yun sa isip ko? Napatingin naman ako sa kamay ko.
"Hyung alis na daw tayo," rinig ko namang tawag sa akin ni Kookie.
Nang matapos magpractice ay naghanda na kami para sa performance namin later. May guesting kami sa isang launching event. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kay V. Bakit nagkatotoo yung nakita ko sa isip ko? Nabalik lang ako sa reality nang may pumasok sa dressing area namin. Nagsitayuan naman kami.
"Hi Miss Samantha, congratulations sa launching mo and thanks for inviting us," rinig ko namang sabi sa kanya ni Leader. Siya pala yung may event ngayon. Sobrang ganda niya.
"By the way, they are my members," sabi naman ni Leader at iniisa isa kaming pinakilala. Nagshakehands naman kami nang bigla akong mapapikit at nakita sa isip ko ang masamang mangyayari sa kanya. Napadilat lang ako nang tanggalin niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"I am sorry," agad ko namang sabi.
"Ang ganda niya hyung," sabi naman ni J-Hope hyung nang makaalis yung Samantha at nag agree silang lahat. Napaupo naman ako at inalala yung nakita ko sa isip ko kanina. Mangyayari din kaya yun? Pero kailan? At kung mangyayari man kailangan kong pigilan dahil kung hindi maaaring mapahamak siya.
Nagpaalam naman ako na magccr muna. Bakit ba ako nagkakaroon nang ganitong visions? Ano bang meron sa kamay ko? At dahil hindi sa daanan ang tingin ko ay may nakabangga ako.
"Sorry po. Pasensya na," rinig kong sabi nang nakabangga ko.
"Sorry din Miss," sabi ko din at tiningnan siya. Nagulat na lang ako nang makitang pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya, di ko lang maalala kung saan. Narinig ko namang may tumawag sa kanya kaya agad siyang umalis sa harap ko at pumasok sa loob nang venue. Bisita din pala siya nung Samantha. Bumalik naman agad ako sa dressing area at naghanda na dahil magpeperform na kami. Nang tawagin nang MC ay nagsiakyatan na kami sa stage at nagperform. Nang matapos ay napatingin ako sa table malapit sa pinto and I see her again. Nakatingin din siya sa akin. Bumaba na kami nang stage at umupo sa table namin nang makita kong papaakyat si Samantha sa stage wearing the dress in my vision. Ngayon ba yun mangyayari? At nakita ko na lang na may apoy na sa ibabang gown niya. Narinig naman naming may sumigaw pero di ko yun pinansin at mabilis akong naghanap nang tubig. Nang makakita nang timba sa may gilid nang table malapit sa waiter ay agad ko itong kinuha. Narinig ko pang pinigilan ako nang waiter pero mabilis akong nagtungo sa stage at tinapon ang lahat nang tubig kay Samantha kaya basang basa siya at namatay naman yung apoy sa gown niya.
Nagulat ang lahat sa ginawa ko at bigla ko na lang naramdaman ang palad ni Samantha sa pisngi ko.
"You ruined my night," sabi nito at umalis na sa stage. Napangisi naman ako at napahawak sa pisngi ko. Napatingin naman ako sa babaeng nakatayo ilang metro mula sa akin. Nakatingin siya sa akin na puno nang pagtataka. She really looks familiar to me. Sino ba siya?

Book 8: The Touch of my HandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon