Episode 27

1 0 0
                                    


(Daniella's POV)

Mabilis akong naghilamos nang makapasok sa cr. Anong ginawa mo Daniella? Nakakahiya. Nagulat naman ako nang may kumatok.
"Maghanda ka na after mong maligo. Dederetso na tayo kina Lola Melda pagkatapos kumain. Hihiramin ko tong susi mo sa kwarto mo, doon na ako maliligo. Magkita na lang tayo sa baba."
"Ok," sagot ko na lang saka naligo na. Nang makapagbihis ay dumiretso agad ako sa resto at nakita na siya doon. Mabilis nga talaga mag ayos ang mga lalaki. Nang makaupo ay nakahanda na rin ang pagkain ko.
"Nakabili na ako nang ticket. 2:30 ang flight natin papuntang Manila at 6:40 naman pabalik nang Seoul," sabi niya habang kumakain kami. Tumango naman ako. Nang matapos ay nagtungo agad kami kina Lola Melda nang mapansin naming ang daming tao sa mansiyon.
"Ano pong meron? Bakit po ang daming tao?," tanong ko naman sa isang lalaki na nakatayo malapit sa gate.
"Pinatay kasi sina Belen at ang nanay niyang si Aling Melda."
"Po?," gulat naming sabi ni Jimin.
"Oo. May narinig kasing ingay kagabi jan sa loob at ang sabi nang mga pulis eh mukhang may nakapasok na magnanakaw at nang makita ang mag ina ay pinatay."
"Nahuli po ba ang magnanakaw?"
"Hindi. Nakatakas ito bitbit ang mga ninakaw nito."
"Kawawa naman ang mag ina. Alam na kaya ito ni Senorita Samantha?," rinig ko namang sabi nang mga katabi ni Kuya.
May kotse namang dumating at pumarada sa loob nang mansiyon.
"Dumating na pala si Senorita Samantha."
Nakita naman namin ang isang babae na bumaba nang kotse. Pumasok ito nang mansiyon.
"Anong gagawin natin Danie?"
"Kakausapin natin siya."
Nang makuha na nang mga pulis ang bangkay nina Aling Belan at Lola Melda ay nagsialisan na din ang mga tao. Pumasok naman kami ni Jimin sa loob nang mansiyon. Nakaramdam naman ulit ako nang malamig na hangin.
"Tao po," sambit namin ni Jimin at mula sa taas ay bumaba nang hagdan ang babae kanina. Mukhang nagulat ito nang makita kami.
"Tita Gabriella?," gulat niyang tanong.
"Ah hindi po. Ako po si Daniella at kaibigan ko po si Jimin. Nandito po kami para sana kausapin sina Aling Belen at Lola Melda kaso wala na po pala sila."
"Anong gusto niyong sabihin sa kanila?"
"Tungkol po sana sa nangyari kay Austin."
"Austin? Tungkol sa aking ama?"
"Po? Anak po kayo ni Austin?"
"Oo at ina ko si Miranda."
Nagulat naman kami pareho ni Jimin.
"Anong tungkol sa aking ama?"
Umupo naman siya sa sofa at pinaupo din kami.
"Ang alam po kasi nila ay umalis po si Austin at iniwan si Gabriella para sa pera pero hindi po yun totoo dahil nalaman po naming dinukot po pala siya at pinatay."
"Paano niyo nalaman at sinong nagsabi sa inyo?"
Bigla namang nagbago ang mukha niya. Medyo natakot naman ako kaya napahawak ako sa kamay ni Jimin.
"Hindi na po importante yun. Nais lang po naming malaman ninyo para malinis po ang pangalan nang ama niyo. Yun lang po at mauuna na kami," sagot naman ni Jimin at tumayo na kami saka magkahawak kamay na lumabas nang mansiyon. Nang nasa gate na ay napalingon ako at nakitang nakatayo siya sa may pinto at nasa likod niya si Miranda. Patakbo naman naming tinungo ni Jimin ang kotse saka nagdrive pabalik nang hotel. Inayos na namin ang mga gamit namin saka nagcheck out at agad na nagtungo sa airport.
Nagtanghalian muna kami saka naghintay sa flight namin.
"Magccr muna ako Jimin," paalam ko naman sa kanya.
"Sige."
Nang matapos at makalabas ng cr ay may panyong tumakip sa ilong ko mula sa likod at nawalan ako nang malay.

(Jimin's POV)

Napatingin ako sa relo ko. 5 minutes na lang at kailangan na naming sumakay nang eroplano. Napatayo naman ako at pinuntahan ang cr at doon naghintay.
"Flight 5468 goes to Manila, please proceed to Door 6," rinig ko namang announce. Bakit ang tagal ni Daniella.
"Kaninong bag po ito?," rinig kong tanong nang janitress. Napatingin naman ako sa bag. Kay Daniella yun. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Saan mo to nakita Miss?"
"Nakita ko po dito sa may entrance."
Bigla naman akong pumasok sa cr nila.
"Daniella?," hanap ko sa kanya pero wala siya.
"Wala ka bang nakitang babaeng nakared tshirt?"
"Wala po sir eh."
Lumabas naman ako at hinanap siya ngunit sa dami nang mga tao mahihirapan akong hanapin siya. Hindi pwede to. Hindi pwedeng mangyari yung nasa vision ko. Mabilis kong tinanong kung nasaan ang security area nila at nagpunta doon. Pinatrace ko ang cctv sa area kung saan siya nagcr at nakita doon na dinukot siya. Kailangan kong bumalik sa mansiyon. Sa mansiyon lang siya dinala dahil kung may papatay sa kanya si Miranda yun.
Mabilis akong lumabas nang airport at pumara nang taxi saka nagpahatid sa mansiyon nang mga Morales.
Agad akong nagtungo sa pinto at kumatok ngunit walang nagbubukas sa akin.
"Buksan mo to Miranda. Ako ang harapin mo. Wag mong sasaktan si Daniella!," sigaw ko nang may humampas sa ulo ko at nawalan ako nang malay.

Book 8: The Touch of my HandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon