Episode 6

1 0 0
                                    


(Jimin's POV)

Panay pa rin ang tanong nina hyung about sa nangyari hanggang makarating kami sa dorm. Kung bakit ko daw tinapunan nang tubig si Samantha? Kung ano ba daw ang nakain ko at nagawa ko yun. Hindi na lang ako sumagot dahil di naman nila ako paniniwalaan. Agad na lang akong nagtungo sa kwarto ko at nahiga. Naalala ko yung mukha nang babae. Bakit parang nakita ko na siya? Parang sobrang pamilyar siya sa akin. Siya din yung tinuro nang iba na sumigaw kanina pero bakit siya sumigaw? Anong dahilan niya. Napatingin naman ako sa kamay ko? Nakikita ko ba talaga ang mangyayari sa future nang isang tao? Napabangon naman agad ako. Para malaman kailangan kong subukan. Lumubas naman ako at nagtungo sa kwarto ni Jin hyung. Nang makapasok ay agad ko siyang hinawakan sa kamay saka pumikit pero wala akong nakita. Inulit ko ulit sa kabilang kamay niya pero wala pa din. Napahawak na lang ako sa ulo ko nang batukan ako ni hyung.
"Anong problema mo Chim? May sayad ka ba ha?," pabirong tanong naman ni hyung.
"Teka lang hyung may itatry lang ako," sagot ko naman at hinawakan ulit ang kamay niya.
"Lalaki na ba type mo ngayon Chim, pwes wag ako dahil babae ang hanap ko," pabirong sabi niya ulit.
"Ewan ko sayo hyung," nasabi ko na lang at lumabas na nang kwarto niya saka nagpunta kay Leader. Nang makapasok ay hinawakan ko din agad ang kamay niya at pumikit pero wala pa din akong nakita.
"Ok ka lang ba Jimin?," tanong naman ni Leader na nagpadilat sa akin.
"Mag usap nga tayo. Umupo ka," sabi naman niya at kapag tinawag na niya akong Jimin ibig sabihin nun seryoso na siya kaya umupo ako sa bakanteng upuan niya.
"Anong problema mo?"
"Wala akong problema hyung."
"Then why did you do that to Samantha?"
"I have my reason hyung but I can't tell it to you," sagot ko naman.
"Why?"
"Dahil hindi mo ko paniniwalaan."
"Spill it and let me hear it."
"Ok. Nung kinamayan ko siya kanina, I saw in my vision na masusunog siya in that stage at kaya ko siya tinapunan nang tubig dahil may apoy na sa ibabang gown niya. I just save her hyung."
Nakita ko naman sa mukha niya ang pagtataka.
"See? You didn't believe it, right?"
"Ano bang sinasabi mong vision? Are you a fortune teller now Jimin?"
"Stop it hyung. Just like what I said you're not going to believe it," sagot ko naman at lumabas na nang kwarto niya. Sino nga ba ang maniniwala sa akin?

(Daniella's POV)

"Bakit ka sumigaw kanina Dan?," tanong naman sa akin ni Ash habang nasa kotse kami.
"Nothing. May nakita lang akong something kaya napasigaw ako," pagsisinungaling ko naman.
"Something like what? Para kang nakakita nang multo kanina."
"You're right I saw a ghost Ash kaya ako sumigaw."
"Stop it Dan. We know na may pagkaweird ka though nakakakita nang multo? Is that really true?"
"Yes and I am sorry kung tinago ko sa inyo cause I know sobra kayong matatakutin ni Gela and I don't want to scare the both of you."
"Matagal na naming napapansin ni Gela na minsan tulala ka lang and may tinitingnan sa malayo yet hindi naman namin akalain na yung mga iniisip namin eh totoo, na nakakakita ka nga nang mga multo."
"I am sorry Ash but swear those ghost doesn't like me, I mean they are scared of me. Hindi nila ako tinitingnan o pinapansin gaya nang ibang nakakakita sa kanila so walang ghost na lumalapit sa akin kaya wag sana kayong umiwas dahil sa nakakakita ako."
"Of course Dan. We're bestfriends and we believe you right Gela?," sabi naman ni Ash at lumingon kami pareho kay Gela yet tulog na pala ito kaya napatawa na lang kaming dalawa.
Nang makarating nang bahay ay agad akong nagtungo sa kusina para uminom nang tubig. Naalala ko naman bigla yung guy na nagtapon nang tubig kay Samantha. Kagaya ko ba siya na nakakakita din nang multo? Pero kanina kasi after niyang tapunan nang tubig si Samantha ay napatingin nang masama sa kanya ang babaeng multo pero wala man lang siyang reaksyon don. Ibig sabihin di niya nakikita yung babaeng multo.
Tumunog naman bigla ang phone ko. Si Tita pala ang tumatawag kaya agad kong sinagot.
"Yes Tita?"
"Ayos lang po."
"No worries po Tita. Ilalock ko po nang mabuti."
"Opo. Ingat din po kayo jan Tita."
"Love you din po. Bye."
Nilock ko nga ang lahat nang pinto at bintana saka umakyat nang kwarto ko at nag ayos para matulog.
Napabangon ako dahil sa masamang panaginip ko. Bakit niya ako tinawag na Gabriella? Sino si Gabriella?

Book 8: The Touch of my HandWhere stories live. Discover now