Chapter 60:❤️Stuck

Start from the beginning
                                    

"Alam mo kung bakit ko ginawa yun? Dahil ayoko kitang makasama lalo na't nasa paligid si DJ yung pagkain natin sa Japanese Restaurant? It's just you know pakitang-tao lang na parang okay na. And let me guess Julia, nagpaplano ka ba para agawin sa akin si DJ?"

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin okay? Basta ako masaya ako sa meron ako at bakit ako gagawa ng paraan para maging akin siya ulit? Dahil mahal ko pa siya? Let me clear things out Kath hindi ko NA mahal si DJ. At kahit kailan hinding-hindi ko na siya mamahalin ulit dahil tapos na, lahat ng bagay sa amin tapos na 2 years na ang nakakaraan"

Iniwan ko na si Kath at bumalik na sa kinauupuan ko kanina. Sana hindi na lang ako ang pinili na Leading Lady ni DJ sa Movie na toh. Naiinis talaga ako kay Kath.

Dahil sa sinabi ni DJ nung tinanong ko siya kung anong ginagawa niya sa gubat ang sagot niya sa akin ay nag-alala siya ng sobra kaya ganun.

Hay, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang plano ko para masira sila ni Kath. Itutuloy ko pa ba? O hahayaan ko na lang?

-Daniel Padilla Point of View-

Ang sakit ng marinig ko yung sinabi ni Julia kanina. Hindi niya na raw ako mahal at kahit kailan hindi niya na ako mamahalin ulit pa.

Nasaktan ko siya noon dahil sa pagkakamali ko inakala ko na kaya niya hinalikan si Quen eh dahil siya pala yung pinagkamalan niya lang na si Quen ay ako dahil lasing siya at sobrang namimiss na ako. Kaya napakatanga kong tao.

"DJ" Napatingin naman ako sa taong tumawag sa akin.

"Oh Kath bakit?"

"Kanina ka pa ba diyan?"

"Huh? Uhh, hindi kadadating ko lang bakit?"

"Wala naman baka kasi narinig mo yung napag-usapan namin at kung narinig mo man yung sinabi ni Julia sana natamaan ka na" Napahinga naman ako ng malalim.

Sa 5 days na pananatili namin dito hindi man lang ako nagkaroon ng tiwala sa sarili at determinasyon na makahingi ng tawad sa kanya. Sa tuwing nagkakaroon ako ng chance palaging may susulpot kapag magsasalita na ako umuurong ang dila ko tapos aalis na si Julia. Gusto ko ngang sapian ako eh yung espiritu na malakas ang loob para masabi ko na sa kaniya yung mga gusto kong sabihin kaso walang sumasi eh at ang ibig sabihin nun kailangan ko tong gawin na mag-isa.

Pagkatapos namin gawin ang pelikula ipinalabas na ito makalipas ang isang linggo at ang mga feedback ng tao sobrang nagandahan daw sila although si Kath daw ang kontrabida. May mga positive at negative na comments about sa Movie namin pero hindi naman talaga maiiwasan ang mga ganung pagkakataon but atleast mas marami naman ang positive at mga natuwa.

"Oh Dej, kape ka muna oh ng magising yang diwa mo. Pansin ko lately lagi kang tulala, nagda-drugs ka ba?" Napatingin naman ako ng masama kay Kuya Kazu.

"Okay sorry eh kasi naman Dej, tignan mo yang mga mata mo ang lalim na ng eye bags oh. Anong klase ng drugs ba tinitira mo?"

"Hindi ako naga-addict kuya Kazu. It's such that, may problema lang ako"

"Problema? Ano yun? Baka pwede kitang matulungan"

"Si Julia"

"Julia? Si Mara? Oh bakit?"

"Naging kami"

"Ano? Akala ko ba hindi?"

"Nagsinungaling siya Kuya Kazu kaya kami nagbreak, I mean kaya AKO nakipag-break sa kanya ay dahil sa maling akala"

"At ano naman ang maling akala na yun? Naku pag sobrang katangahan yan babatukan kita"

"Hinalikan ni Julia si Quen nung mga panahon na yun nasa Germany pa ako nun tapos may nagpadala sa akin ng larawan at hindi ko alam kung kanino galing ng makita ko yun sobra akong nagselos at nagalit kaya ayun nakipaghiwalay ako sa kanya kahit na magmaka-awa pa siya sa akin na balikan ko siya"

"Eh dapat pala si Julia ang batukan ko"

"Let me finish Kuya Kasu, inakala ni Julia na si Quen ay ako kaya niya hinalikan ito lasing pa siya nung mga panahon na yun"

"Para mas maganda parehas ko na lang kayong babatukan. Oh eh ngayon? Ano ng plano mo?"

"Yun nga problema eh kahit araw-araw kaming magkasama dahil sa taping hindi naman ako makalapit at makausap siya about dun"

"Gusto mo tulungan kita?"

"Paano?"

"Just leave it to me Boy" Kinindatan naman ako ni Kuya Kasu sabay inom sa kape niya. Ano naman kaya ang naisip niya?

Pagkatapos namin ni Kuya Kazu dito sa Starbucks pupunta na sana kami sa sasakyan ng kausapin niya yung isang janitor. Hindi ko alam kung ano yun pero hindi na ako nakinig kasi baka nagtanong lang siya.

"Dej, ano kasi may pupuntahan lang ako. Pagtinext kita pumasok ka sa elevator ha?"

"Pero bakit? San naman kita pupuntahan?"

"Basta! Oh pano hintayin mo text ko ah?"

Tapos ayun tumakbo na siya. San naman siya pupunta? Sumandal na muna ako dito sa may poste at naghintay.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo dun pero nag-text na si Kuya Kazu.

(Pumasok ka na sa Elevator sa floor 7 ka ah?)

Nag-sige na lang ako sa kanya at pumunta na sa elevator. Pagpasok ko dun pinindot ko yung floor 7 pero wala. Ba't ayaw sumara? Gumagana ba toh?

Nag-iisa lang kasi tong elevator sa baba wala ng iba pa alanga namang maghagdan ako eh sa 7th Floor yun.

"O sige I'm on my way" May narinig naman akong nagsalita at pagtingin ko si Julia. Teka anong ginagawa niya dito?

Nakapasok na siya nun hanggang sa sumara bigla ang elevator.

Biglang bumaba ito ng malakas at namatay ang ilaw. Napahawak naman sa akin si Julia.

"Ano bang nangyayari?!" Sigaw naman niya. Pinilit niyang buksan ang elevator pero wala.

"Malay ko? Bigla na lang sumara at namatay yung ilaw"

"No! It can't be! Paano kung mamatay tayo dito?!"

"Patay agad? Paano naman? Nakulong lang naman tayo"

"Bakit parang kampante ka diyan ha? Ano bang ginagawa mo dito for the first place? Siguro pinlano mo toh noh?!"

"Ano?! At bakit ko naman gagawin yun?!" Hindi naman siya nakasagot sa tanong ko at pinagsisisipa niya na yung elevator.

Sa huli napagod na siya at umupo na parang nagmamaktol na bata. Umupo na rin ako.

"Bwiset" Yun na lamang ang tangi niyang nasabi.

"Model ka tapos nagmumura ka?"

"Eh ano ngayon? Wala naman ako sa Germany nasa Pilipinas ako. Mura-Free dito" Hindi ko alam kung joke yung huli niyang sinabi pero napangiti ako.

Binalot kami ng ilang minutong katahimikan hanggang sa maalala ko yung kanina na magkasama lang kami ni Kuya Kazu.

(Just leave it to me Boy)

Hindi kaya?

Kuya Kazu!

Ikaw talaga. Kaya siguro ako pinapunta dito sa elevator eh at kaya niya siguro kinausap yung janitor para dito pero ang bilis ah? Napapunta niya agad si Julia dito kaya pala ilang minuto akong naghintay ewan ko kung minuto o oras pero matagal akong naguntay dun.

Hay ano ng gagawin ko?

Pihadong pag sinabi ko kay Julia magagalit siya sa akin at pihadong iisipin niyang nakiusap ako kay Kuya Kazu para gawin toh.

Hindi kaya ito na ang oras? Tinulungan na agad ako ni Kuya Kazu.

"Uhh Julia" Nanginginig boses ko. Kaya ko na ba?

"What?" Nababagot naman niyang tanong.

"Handa mo na ba akong patawarin?"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now